KIA
"HOY, gagi!" Humagalkpak nang tawa si Lance habang pinaglalaruan nila ang bag ni Jie kasama si Xin. "Hindi ako nagbibiro, gago. Bigay niyo na nga 'yan sa'kin!"
"Kiss daw muna." Tinakbo ni Xin ang bag kay Lance. "Tapon ko na ba 'to sa basurahan?" Tawa ni Lance. "Ikaw kaya itapon ko?"
Sumingit ang boses ni Hera habang kumakain nang ice-candy. "Ibigay niyo na nga 'yan, ang ingay naman. Ang ingay ng bunganga mo, Jaden. Bakla ka ba?"
Inirapan lang siya nito. Bumaling siya sa harapan at mas lalong sumama ang tingin.
"Itigil mo 'yang pag-vivideo mo, Kianna." Nakabusangot ang mukha ni Jie nang lumapit sa akin.
"Ano?" Tawa ko nang malakas nang tinakpan niya ang camera at hinablot. Biglang dumilim at tuluyan na ngang natapos ang video.
Napangiti ako nang kaunti habang lumiliwanag sa mukha ko ang ilaw nang camera nang may biglang pumatak sa screen.
Pinabayaan ko ang luha kong mahulog at pinindot ulit ang play button. Nakakulong lang ako sa kwarto habang paulit-ulit pinagmamasdan ang mga imahe nila.
Bukas na ang libing ni Xin pero hindi ko alam kong makakadalo ba ako, kung makikita ko ba ang kaibigan kong nakahiga sa kabaong habang binabaon sa lupa.
From four to three, two down.
3 months later. . .
NAKABUSANGOT ang mukha ko habang nakatayo sa may isang maliit na bubong. Dumadampi na kasi ang init sa balat ko.
"Hoy, ano na?" Iritado kong sinagot ang tawag ni Hera. Kanina pa 'ko rito. " Narinig ko ang mahina niyang pag-tawa. "Hera, kapag 'di mo ako sisiputin babanatan kita nang buhay-"
Mas lalong tumaas ang galit ko nang pinatayan niya ako ng tawag. Hm, tanga. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone. Sana maka-apak siya ng tae sa daan.
Maya maya may pumarada na pulang kotse sa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong lumabas si Hera na nakasuot nang pulang dress at parang tuxedo na nakasabit sa balikat niya.
Ngumiwi ako nang taas noo niyang itinanggal ang shades nito at binitbit iyon habang naglalakad papalapit sa akin.
'Di ba 'to na e-stress. Halos kaming lahat mawawalan na nang buhok kakagawa nang requirements sa semester ta's siya parang ang sarap nang buhay.
"Hey."
Mas lalong akong ngumiwi at nahulog ang panga. Sinenyasan niya akong lumapit gamit lamang ang kamay niya kaya nagmamadali akong sumunod nito.
"Ang hirap maging law student." Nagbago rin pati boses niya. "Sa mukha mo 'yan nahihirapan ka?"
"Oo, maganda ako, eh kaya 'di halata. Ba't ba."
Sinapak niya ang aking pag-upo ko kaya muntik ko na siyang batukan. Silver anniversary ng mga magulang nila Hera kaya inimbita niya 'ko ngayon. Wala si Roy, ewan. Busy daw siya, eh.
Pinasakay niya ako sa sasakyan nito at sabay naming tinahak ang bahay nila.
"So. . . Ano. . ."
Bumaling ako dito.
"Ano?"
Umangat ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Teen FictionLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...