KIA
NAKASIMANGOT ang kaniyang mukha habang pinag-crossan ako ng braso. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Gabi na ngayon at pinapauwi ko na si Roy sa bahay nila. Kaya naman si kuya ngayon sa harapan ko, nakatayo at alam ko na ang susunod niyang gawin.
Pakiramdam ko namumutla parin ako dahil sa hiya. "H-hi. Kumusta ka na?" Parang engot kong tanong. Oo alam ko naman pero wala na akong masabi.
"Sa bahay pa talaga?" Kumamot ako at pinaglalaruan ang aking mga daliri. "Isusumbong kita kay mama." Nalaglag ang panga ko.
"Hoy, huwag!"
Diretso akong napatayo at tumingingala sa kaniya habang hinawak hawakan ko ang kaniyang braso. "Huwag, woi!" Kunwari akong umiyak. Landi landi naman kasi, e. "Bigyan mo ako ng rason para hindi kita isumbong." Napakurap ako.
Dahan dahan akong napabitaw sa kaniya. "Hindi. . . Ano. . ." Umangat ang kilay nito. "Ako maglilinis sa buong bahay, wala ka ng gagawin. Kasi 'di ba sabi mo dito ka muna?" Ngumisi ako.
Lumiit bahagya ang mata niya at pinitik ako sa noo. "Ikaw mag wawalis, maghuhugas, maglalaba, lahat lahat?" Tumango ako ng ilang beses. "Talaga?" Lumapit ang kayang mukha sa akin. "Oo, promise." Nag cross ako sa leeg ko.
"Edi mabuti. Pero Kianna, mag-iingat ka." Tinampal niya ang noo ko na ikinaatras ko. "Kahit gaano mo kakilala ang tao, huwag kang pakampante. Kontrolin mo ang sarili mo na hindi kayo umabot sa puntong 'yon. Umayos ka, kababae mong tao." Inambagan niya ako na pipitikin ulit pero agad din siyang huminto.
Medyo natakot ako kaya hindi ako nakapa-react. Bigla niyang akong inakbayan. "May dala nga pala akong damit para sa 'yo."
"D-damit? Sa'n?" Nginuso niya ang labas kung saan nandoon nakaparada ang kotse niya. May mga plastic naming kapitbahay ang sumisilip sa labas ng bahay namin habang nag bubulongan at nagmamasid sa amin.
"Kunin mo sa kotse. Ako na bumili kaya ikaw na kumuha." Mahina niya akong tinulak kaya medyo nabasa ang palad ko ng pawis dahil sa sabik.
Habang papalabas ng bahay, nagsalita ang kapatid ko. "Tingnan mo nga 'tong mga chismosang 'to, nakabili lang ng sasakyan issue na. Nakaring pa ako na hindi pa raw iyan bayad." Humalakhak siya.
"Bobo ba sila? Bayaran ko pa kaluluwa nila, e. Putak ng putak, dati ba silang manok. Nagsimula na kayong mag handa, aalis na tayo dito. Daming Ingay." Tumawa ako at tumango, pagkatapos ay lumabas.
Paglabas ko sa gate biglang pumantig ang tenga ko dahil sa mga pinagbubulongan nila.
"Hindi niya 'yon boypren, Belinda."
"Eh? Hindi, boypren niya! Umakbay, eh. Halatang sinesermunan, siguro may ibang lalake."
Humarap ako sa kanila at agad silang ngumiti pagkatapos ay inayos ang walis na hawak hawak, nakatayo sila sa tindahan na noon ay karinderya dati ng kapitbahay namin noon na pumanaw na.
"Uy hija, nagwawalis lang. . . Anong ginagawa mo?" Napakalaki ng mga ngiti nila at gusto kong umirap dahil hindi lamang sila ang nakatitig, pati ang ilan na nakadungaw sa hindi kalayuan. Nandito pa nga iyong taga ibang barangay, e.
"Kumukuha." Walang gana kong sabi. "Ah, eh, ineng, sino ba iyon lalake? Boypren mo?" Tinignan ko sila bago buksan ang pinto ng kotse at kinuha ang mga shopping bag. "Kuya ko lang, ho."
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Novela JuvenilLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...