KIA
NAGSIMULANG humakbang papa-atras ang isa kong paa nang bigla na lamang bumaling sa akin ang dalawang pares niyang mga mata na nagpapa-wala sa dibdib ko.
Tuluyan na akong tumalikod at tumakbo papaalis sa lugar na iyon at hindi ko alam pero may kakaibang kirot ang namahagi sa damdamin ko.
Ilang metro na ang layo ko sa kanila nang may umilaw na kotse sa aking tapat na ikinahinto ko.
Tumigil ang sasakyan at bumusina matapos may dumungaw na ulo sa bintana. Agad kong nakita ang pamilyar nitong mukha na ilang taon ko nang hindi nasisilayan.
"Kianna!" Nagmamadaling lumabas si Lance at agad akong niyakap na halos ikakapos ko na ng hininga.
Sa lakas ata ng sigaw niya ay maririnig iyon ng buong bayan. Inakbayan niya ako at giniya papasok sa kotse kung saan nakita ko rin si Hera na siyang nagmamaneho.
Habang papasok, hindi na ako bumaling sa likod ko at diretsahang umupo sa likuran kasama si Lance.
Napuno agad nang kwentuhan ang buong sasakyan nang akong maka-pwesto na. Hindi ako kaagad nakasabay sa mga kwento nila dahil sa iniisip ko.
Parang ayaw tanggapin ng mga mata ko na siya iyong nakita ko.
HUMIGOP ako iniinom ko habang pinaglalaruan ko ang mga daliring naka-hawak sa iniinom.
Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Hera at kami lamang tatlo ang nandito. "Kumusta naman buhay mo ron?" Nagmamadali siyang lumapit sa akin.
"Uy, baka englishera ka na at kaya ka nanahimik dahil hindi mo na kami naintindihan?" Napailing ito.
Kumunot ang noo ko at muntik ko na siyang kurutin sa singit. "Pinagsasasabi mo." Saad ko habang bagsak ang mga balikat.
"Mag kwento ka nga," Tumabi si Lance sa akin sa sofa. "Maayos ka lang ba roon?" Agad akong tumango.
"Oo naman, lalo na't pangarap ko 'yon." Maarte kong hinawi ang aking kaya sabay silang napa- "Ah!" Habang malalaki ang awang ng bibig.
Nagpatuloy kaming tatlo sa pag-kwentuhan hanggang sumapit ang alas dose ng gabi. Halos hindi ko na maibuka ang mga mata dahil sa kalasingan.
Tumayo ako at bumagsak lang naman ulit ako sa sofa at naumpong lamang ang ulo ko. Napapikit ako nang mariin at biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng batang 'yon at ang pamilyar na boses ng isang tao.
Medyo nawala ang antok ko at muling piniling tumayo. Nahihirapan kong hinanap si Hera at ayun, nakita ko siyang nakadapa sa mat ng sahig na humihilik ng malakas.
"H-hoy." Nabangga ko ang mesa sa paglapit ko sa kaniya. Nahihirapan akong umupo habang nahihilo at inabot ang mukha niya.
Pilit kong dinilat ang kaniyang dalawang mata gamit ang mga daliri ko. "Hoy, ghiesheng may ethatanong ako shayo."
Aniko habang tumitirik ang mata. Ni hindi man lang siya nagsalita at nagpatuloy sa pag-tulog. "Makalangit na He. . . Hera"
Bigla kong nalunok ang sariling laway. Sinampal sampal ko naman ang mukha nito.
Nang sawakas ay tumingin sa akin ang eyeball nito habang nakanganga. Natawa ako nang pagak habang tumitirik ang mata.
Kinginang mukha 'yan, pi-picturan ko 'to mamaya. "Shino bah 'yung batah na may pangalang kebah,"
Sumandal ako sa lamesa. Lumiit bahagya ang mata niya at pilit tumingin sa akin. "H-ha? Nasa hotdog ang freezer."
Lumiit din ang mata ko habang nahuhulog ang panga. "Hah." Sinampal sampal ko ang mukha niya pero nawala lang rin ito ng lakas at muling natulog sa sahig.
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Teen FictionLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...