KIA
"MGA BOBO!" Pinakyuhan ni Xin ang taga kabilang section at hindi rin alam kung bakit dahil naka-pukos ako sa mukha ni Roy na nakatulog sa kama ng clinic.
May sakit ba siya? Bumuntong hininga ako nang biglang tumahimik ang paligid at parang naging maamo sila bigla. Pagtingin ko, agad akong napatuwid nang makita kong pumasok ang ate niya.
"Uy hi, Dhalia, ganda." Hindi niya pinansin ang mga pinsan niya at diretso siyang naglakad papapunta sa akin at umirap. Parang galit pa siya sa'kin kahit wala naman akong ginawa.
"What did you do to my brother?" Bumungad sa akin ang malinis niya boses pero halata ang halong kamalditahan. "Hindi ko alam." Nagkibit balikat ako. Umangat ang isang kilay niya at akmang magsasalita nang sumingit si Lance.
"Hindi, kasi ano, kumindat lang naman si Kia tapos ayon, nawalan ng malay." Naputol ang sinabi niya nang hinarap siya ni Dhalia. "Did I ask you?" Umiling siya at kunwaring uminom ng tubig sa tumbler kahit wala namang laman. "Alis na ako." Yumuko ako at dali daling lumabas, ayoko talagang makaharap ate niya, e. Parang babanatan ako ng buhay na para bang sisirain ko buhay ni Roy.
Kinabukasan din iyon ay hindi kami nagkita, at noong pumasok naman siya sa school, hindi rin halos kami nag usap dahil sa busy niya. Wala na ring halos klase dahil sa event. Nang dahil doon, hindi ko nagawang pag-usapan iyong tungkol sa nangyari at pakiramdam kong ayaw niya ring pag-usapan iyon.
"BOBO taga private school! Ito kayo, oh!" Nakatago kaming dalawa ni Hera sa puno habang tinitignan ang mga kaibigan namin na nakikipag-trashtalkan sa taga public school. Dati rin akong taga public school na lumipat sa private school kaya bahala sila sa buhay nila.
"Mas bobo ka, tanga!" Kinain ko ang fish cracker habang tinitignan silang nagsimula nang mag suntukan. Tumawa ng mahina si Hera at dinuro iyong isang lalaki na napaupo dahil sinuntok ni Jie. "Gagi, sakit non." Uminom siya ng royal. Bale, maglalaban sila habang kami ni Hera taga-bantay sa mga bag nito, kaya nga ito ngayon, tinatambakan nila kami ng bag.
Ayos lang naman sa amin magtago sa likod ng puno dahil binibilinan nila kami ng pagkain para hindi kami maumay kakanuod sa kanila. Kahit anong pangaral namin sa kanila, hindi talaga sila nakikinig sa'min. Pero minsan talaga gusto kong punitin ang lupa dahil sa kati ng mga damo. Pero this time, hinayaan ako ni Xin na gamitin ang pulo nito na upuan ko para hindi mangati ang mga hita ko.
"Ang tagal nila, wala na akong pagkain." Reklamo ko at uminom. "Same." Muli kaming tumingin sa medyo kalayuan. "Tapos na ba sila?" Nagkibit balikat ako. Maya maya, ang isa sa kalaban nito tumayo at nanghihinang kinuha ang bag bago dahan dahang umalis na may masamang tingin.
Sumunod ang grupo niya at pinakyuhan sila Xin bago tumakbo habang duguan ang ilong. Kinuyom ko ang cellophane ng fish cracker at pa simpleng sinuksok iyon sa bulsa ng bag ni Jie. "Gagi, ang sama mo!"
Tumawa ng malakas si Hera pero ginagawa niya rin ang ginawa ko. Napairap ako at binigay sa kanila isa isa ang bag. "Patay ka sa nanay mo, Jie. Mukha ka ng dugyot."
Tinignan niya ito na hinihingal at kinuha lamang ang bag bago akbayan si Hera. "Nauuhaw ako, gagi, ang sakit nilang sumuntok."
"Oo nga, e. Kingina, tingnan mo nga, Kia kung may pasa ba sa panga ko." Ket 'di ko na tingnan, mukha na siyang pasa, e'. Lumapit si Xin at ginilid ang ulo para makita ko. "Hala oo, Xin." Hinawakan ko ito pero napa-igtad siya't lumayo.
"Tara na nga." Pagod siyang umakbay sa akin at nagsimula na kaming umalis sa damuhan. "Baka naman gusto niyong magpahinga? Kung ako sa inyo, itigil niyo na 'yan." Suwestiyon ko.
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Teen FictionLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...