KIA
NAKANGITI ko siyang pagmasdan habang binibit-bit ang bag ko at binaba 'yon sa upuan sa salas. Umupo siya at dumiretso naman ako sa kusina para kunan siya ng pagkain, kakauwi lang namin. Mabuti na lamang walang tao sa bahay.
"Hoy."
Bigla akong napasigaw at muntikan ko nang maihagis ang hawak kong pitsel sa taong nagsalita.
Kung mamamatay man ako, 'wag sana iyong gan'to!
Napaawang ako nang makita ko si kuya na nakatayo sa gilid ng sink. Anong ginagawa ng asungot na 'to dito?
Wala kong nakitang sasakyan niyang nakaparada sa labas, ah. Lumapit siya at pinitik ako sa noo.
"Nag-jo-jowa jowa ka na palang bata ka, ah." Pinamulahan ako ng pisngi at umatras, tinabig ang kamay niya.
"Narinig kong kapatid lang siya ng kaibigan ko?" Ibinaba niya ang tasa at biglang sumeryoso.
Kumunot ang noo ko't kunwaring naiirita pero sa too lamang ay gusto ko na lang magtago dahil sa titig niya.
"Ano naman?" Masungit kong tanong. "Dal-in mo nga siya rito." Umatras siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Kakausapin ko 'yon, kung maka-pasa ba siya sa'kin."
Bumagsak ang talukap ng mata ko. "Anong makapasa? Ikaw ba iyong niligawan?" Umangat ang isang kilay ko.
"Baliw ka talaga, 'no? Pinoprotektahan lang kita kasi ang panget mo." Hinawakan ko ang talinga ko at kinamot iyon. Dinuro ko ang sala.
"Pwede ba manahimik ka? Nandoon siya sa salas naka-upo-hoy." Mariin akong bumulong sa huli kong salita at hinawakan siya sa kwelyo habang nakatingkayad.
"Baka paglalaruan mo siya, ah. Umayos ka. Seryoso pa naman 'yan sa buhay. Ayaw nga niya sa'kin, eh. Sa 'yo pa kaya-"
"Oo na, dami mong sinabi. At isa pa, isusumbong kita kay mama, nagdadala ka ng lalaki, ah. Kala mo, ah." Nagtataliman kami ng tingin bago siya tumalikod.
Agad akong pumunta sa labasan ng kusina upang tingnan ng palihim kung ano na naman kaya ang gagawin nito.
Mukhang nagulat si Roy sa pagdating ni kuya at ibinaba ang binabasa nito sa notebook ko.
Inambagan niya ito ng suntok kaya medyo napaatras ang katawan niya sa upuan. Ibinaba ni kuya ang kamao at tinaliman siya ng tingin.
Makikita kong ninenerbyos si Roy. Nang biglang tumawa nang mahina si kuya pero maya maya sumeryoso rin agad ito.
"Kamukha mo si Third, ah." Maangas niyang sabi. "O-of course, he's my big brother." Ibinagsak nito ang kamao sa lamesa.
"Siguro manloloko ka rin ano? Girlfriend ka ng kapatid ko 'di ba?" Napailing na lamang ako at kinuhanan sila ng pagkain.
Nang makarating ako sa salas, inilapag ko ang pagkain, nakita ko ang medyo takot na ekspresyon niya sa mukha na parang sinasabing ialis na niya ako sa impernong inuupuan niya.
Kala ko ba 'di siya takot.
Ngumiti ako at kumindat bago umakyat sa hagdanan ng bahay para mag-bihis. Naabutan ko ang pusa na naka-upo sa baloster ng balkonahe.
Matapos akong mag-bihis humiga muna ako sa kama at kinuha ang cellphone ko, natawa ako nang makita ko ang sunod sunod niyang text.
honeybunchsweetypotatowithloveko: tulong gago
Marami pa siyang sinabi pero 'di ko na siya pinansin at naisipang matulog muna.
Pag-gising ko, agad akong bumaba at lumalim ang gatla ng noo ko sa nakita ko. Naglalaro sila ng tong-its habang seryoso ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Novela JuvenilLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...