KIA
"HOY!" Nahinto ako sa pagtitig ng cellphone noong sumigaw si Hera mula sa floor ng building namin. Tiningala ko siya at napapikit ng konti dahil sa sinag ng araw.
"Ano?!" Mahaba kong sigaw upang marinig niya iyon pabalik. "Ikaw ah, hindi ka nagsabi sa'kin!" Napakunot ako ng noo dahil humalakhak ito at tumalikod kaya hindi ko na siya nakita.
Kaya naman, dali dali akong pumunta sa building at nagtaka dahil pinagtitinginan ako ng tao. Tumingin ako sa pwesto namin at wala siya doon. Nakakapagtataka dahil kaniya kaniya silang ayos ng gamit nila at binitbit ang bag.
"Teka, Hera. Saan kayo?" Tanong ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin at halatang ngayon lang niya ako napansing nandito na ako. Ngumisi siya. "Wala raw klase. May gagawin mga teachers kasali na doon ang mga officers." Lumapit siya at inakbayan ako.
"Hoy, ano 'tong nabalitaan ko na mag jowa raw kayo ni Roy?" Mas kumunot ang noo ko. "Huh? Sino nagsabi niyan-"
"Sus! Tumanggi pa!" Biglang sumingit si Xin kasama sila Lance at Jie. "May nakakita sa inyo kahapon, naka-angkas ka pa nga sa kaniya." Inilahad ni Lance sa akin ang coke na mismo. "Sana lahat." Kiniliti ako ni Hera sa tagiliran.
"Kaya pala hindi na sumasama sa'tin." Tumawa ng malakas si Jaden at uminom. "Tara na nga lang. Arcade tayo, wala namang klase." Magsasalita pa sana ako upang tumutol pero umakbay si Xin at Lance sa'kin at hinila ako hababg nakaakbay sa akin.
Bigla akong nahiya dahil nag-iingay sila sa hallway! At ang mas lalong nakakahiya ay parang sinadya ata nilang mag-ingay sa meeting room kung saan nandoon ang mga teachers at officers sa loob na nag me-meeting!
Natulala ako nang bumaling si Roy sa amin sa labas at biglang nag-iba ang timpla ng mukha. "A-ang ingay niyo!" Tinulak ko sila upang makita niyang ayaw ko sa kanila pero pag baling ko ulit sa kaniya, hindi na siya nakatitig sa'kin.
Bumuntong hininga na lang din ako at umiwas ng tingin pagkatapos ay nagpadala sa hila nila. Pagkarating namin doon, halos hindi maawat ang pagtatalo nilang tatlo dahil lamang sa laro.
Sikat ang Battle Glitch na laro ngayon. Nasa kahit anong device siya ngayon na laro. Hinila ko si Hera sa ibang laro dahil nahihiya na kaming kasama sila. Parang sila may ari ng mall, e.
"Ay!" Inalog alog ni Hera ang aking braso nung nakakuha ako ng isang maliit na teddy bear sa machine. "Saktong may naka-ukit na 'Q!'" Pumalakpak ito. Napangiti ako ng wala sa sarili habang pinagmamasdan ang pinalanunan ko.
Tama nga siya, may nakalagay na 'Q' sa damit niya sa gitna ng tiyan nito. May korona at parang isang reyna. Kulay pula ang kaniyang damit. Muli akong nag-angat ng tingin sa machine. May isa pang teddy bear na kulay blue ang damit na may nakasulat naman na 'K' siguro ay kapares sila.
Hari at reyna.
"Tara na, Hera." Hinawakan ko siya sa braso at inanyayahan na silang kumain na dahil tanggahali na. Habang ang teddy bear ay pinasok ko sa bag. Kumain kami sa McDonald's at napailing na lamang ako sa mga pinamili nila. Halatang anak sa mayayaman talaga.
Pero kapag ambagan lahat aatras.
Nilibrehan pa naman ako ng isang box ng donut! Hindi ko 'to mubos! Baka tataba ako nito, e. "Hindi ba kayo nasasayangan sa pera ninyo?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain ko. "Nasasayangan, pero sige lang" Tumawa si Xin habang kumakain kaya nabilaukan ito.
"Tama lang 'yan sayo. Tinanong ka lang naman tapos may pa tawa tawa ka pa." Umirap si Jie. Natapos kami at papalabas na sa mall nang biglang nag vibrate ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Teen FictionLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...