Chapter 19

25 8 0
                                    


KIA

"KUYA, pupunta pa ba siya?" Tumingala ako sa kapatid ko habang inikot-ikot ang sandok sa lugaw. Tumingala siya sa akin pero bigla akong kinilabutan nang makitang wala siyang mukha.

Atomatiko akong napaatras. "Si mama ba tinutukoy mo?" Hindi agad ako nakapagsalita ngunit sinikap kong tumango. "Oo naman!" Tumawa siya ng mahina at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Dahan dahan akong tumabi kay kuya at biglang napasigaw nang makita ko ang pinupukaw niya sa kaldero.


MINULAT ko ang mata ko at agad kong nakita ang kisame sa bahay namin. Doon ko napagtantong nananaginip lamang pala ako. Humugot ako ng buntong hininga at umupo sa kama.

Napadiretso ang aking tingin sa bintana nang makarinig ako ng ingay. Kaya naglakad ako at tinignan kung ano ang nandoon.

Nakita ko ang isang truck na may nilalabas na gamit. "Dahan dahan lang, boss!" Lagpas limang lalaki ang bumuhat sa isang malaking aparador.

Napa-taas ang aking kilay nang makitang mamahalin 'to. Pumitok lang ang mata ko nang pinasok nila iyon sa malaking bahay sa harapan mismo namin kung saan ang sentro ng kabahayan.

Inayos ko ang buhok ko at bumaba upang maki-usyo. Pero hindi ako chismosa, ha. "May bagong lipat." Saad ng isang babae. "Sino?" Pinaypay niya ang isang makapal na cover sa mukha habang nakatitig doon.

Tumitig siya sa'kin at nagkibit balikat. "Madame Cordapia raw pangalan." Sandali akong napaawang at pumasok sa loob.

Nagulat ako nang sumugat sa akin ang pusa at naglalambing na umikot ikot sa'king paa. Ilang linggo na rin siyang nakatira rito.

"Well, that madame Cordapia has a long and thick eyebrows."

Napasigaw ako na halos ikasisira na ng lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Habang hawak hawak ang puso, nakatitig ako sa kaniya na hindi ko man lang alam na andito sa bahay. Wala man lang pahintulot!

"A-anong. . . Bakit ka nandito, ha?" Nanginginig kong sabi. Ang paningin niya na galing sa labas ng bintana ay tumungo sa'kin. Nagkibit balikat siya at tinanggal anh coat ng kaniyang uniform.

"Go to school." Kumunot ang noo ko. Hindi ko agad nakuha ang sinabi nito. Nang mapansing nakatulala ako rito, umirap siya.

"Kianna, it's near one at the afternoon. Wala ka bang plano. You missed some activities." Tiniklop ko ang bibig ko at tinaasan siya ng kilay. "Bakit mo ba 'ko papaaralin, nanay ba kita?"

Nanatili siyang nakatitig sa'kin na tila ayaw na ayaw niya sa mga taong hamog kagaya ko.

"Alam mo." Kinross ko ang aking mga braso. "Palusot mo lang 'yan para makita ako sa paaralan, e." He remained stoic. "Okay, whatever." Iniwan ko siya at umakyat sa hagdan.

Naabutan ko ang pusa na naglakad lakad sa bedsheets ko. Napangiti ako at nilapitan siya habang hinahaplos ang kaniyang balahibo.

"Ang cute mo naman." Ngiti ko. Ang ganda niya tignan dahil din mataba siyang pusa. Tapos mabait siya.

Ngunit napatigil ako sa pag-ngiti at haplos ng bigla na lamang siyang umihi.

Dahan dahang nabagsak ang aking panga. "A-anak ng. . ." Malakas kong tinawag ang pangalan ni Roy. "Iyong pusa mo inihian bedsheets ko!" Pero syempre hindi ko iyon sinigaw. Halerr.

Sinaisip ko lang, medyo mahal ko na kasi itong pusang 'to.

Binaba ko siya at tinanggal ang bedsheet. Padabog akong nag-bihis at bumaba. Naabutan ko siyang naka-upo sa mismong upuan ko sa sala habang naka-pandikwatro.

Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon