Chapter 29

22 6 0
                                    

KIA

UMUPO ako sa basang damuhan habang yakap yakap ang sarili dahil sa lamig na bumabalot sa katawan ko.

Ang kapal ng mukha niya, matapos ko siyang pag-bigyan para sa anak niya tapos ito isusukli niya sa'kin.

Kumurap kurap ako ng mata at mas tinindi ang yakap sa sarili habang sumisilong sa isang malaking puno.

Subalit hindi iyon sapat para hindi pa rin ako mabasa, may ilan pa ring tumatagaktak na tubig sa aking katawan.

Ni pasalamat nga wala akong narinig mula sa kaniyang bibig. Ang kapal, kapal, kapal, kapal, kapal tapos kapal at napakakapal na mas makapal pa sa ingrown ang mukha niya.

Gusto kong sampalin mukha niya kaso 'wag baka masira lang kamay ko dahil sa kakapalan ng mukha niya.

Ang kapal talaga ng mukha niya, hindi ako magsasawang sabihin 'yon.

Kala mo naman kung sinong gwapo, 'di naman gwapo. Nakakagigil. Hindi ako umuwi sa Pinas para paulanan.

Mas lalong tumaas ang galit ko nang marinig kong tumunog na ang tiyan ko sa gutom.

"Kingina mo, Roy!" Sa galit ko ay nagawa kong mapasigaw habang nanggigigil na hinagis ang takong ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma gets kung bakit ba ako naghahabol sa siraulong 'yon?!

Galit kong binubunlot ang mga damuhan habang nangangalaiti sa galit nang bigla na lamang may umilaw sa aking harapan.

Agad akong pumikit at tinakpan ang mukha ko dahil sa nakakasilaw nitong liwanag.

"Kianna." Halos mapahinto ako nang marinig ko ang boses nito. Bumukas ang pintuan ng kotse at naaninag ko ang pamilyar niyang bulto na tumatakbo papalapit sa akin.

Pero mas lalo lamang tumaas ang galit ko nang makita ko ang pagmumukha niya. Kala ko ba iiwan na ako?

Hindi ako umimik nang lumhod ito sa harapan ko. "I'm sorry, let's go." Nagmamadali na siyang hawakan ako sa braso upang iangat.

"Shit, I'm so sorry. Y-you're so cold," Nagmamatigas ako sa aking inuupuan kahit may dumidikit ng damo sa mga hita ko.

"Umalis ka." Nagmamadali siyang umiling. "Nadala lang ako sa galit ko, sorry na." Biglang lumambot ang kaniyang tinig.

Galit ko siyang tinignan sa mata. Bigla naman niya akong napatayo kaya napasigaw ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa'kin matapos mo akong iniwan! Siraulo ka ba?!"

Pinagsasampal ko ang kaniyang dibdib habang napapaiyak na dahil sa galit. Lagi na lang akong naiiwan.

Bigla niya akong niyakap kaya pilit akong umaalis sa mga bisig niya. Subalit mas malakas siya sa akin kaya napagod lang ako habang hinihingal.

Hinaplos niya ang aking buhok. "Tahan na, bumalik na 'ko. Huwag ka nang umiyak, sorry na. . ." Isinubsob ko ang mukha sa leeg niya at mas lalong lumakas ang hagulhol ko.

Pakiramdam ko may double meaning ang sinabi niya. Natahimik kami habang nasa ganon kaming posisyon at tanging ulan lamang ang lumikha ng ingay.

"Bakit. . . B-bakit ngayon ka lang bumalik. . . Alam mo bang matagal na kitang h-hinihintay." Biglang pumaos ang boses ko sa huling katagang na sinaad ko.

Tanging paulit ulit na patawag lamang ang lumalabas sa kaniyang bibig. Hanggang sa dahan dahang ko na siyang nikap ng mahigpit.

"S-sabi mo huwag kitang iiwan pero ikaw naman 'yong umalis, tapos ngayon nandito ka na." Tumingala ako sa kaniyang mukha na basang basa na.

Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon