Chapter 14

27 7 0
                                    

KIA

MALAMYA akong naglakad sa hagdanan habang hawak hawak ang strap ng bag ko. Alas dyies na akong pumasok pero wala akong pakialam. Tatlong araw na ang lumipas simula noong nangyari ang gabing iyon at sa dalawang araw na iyon, hindi siya pumasok.

"Hanggang ngayon hindi pa rin natin matukoy kung sino bumaril dito! Hindi makikita sa cctv ang kanilang mga mukha!l"

Atomatiko akong huminto at medyo nanlaki ang mata noong narinig ko iyon. Dumiretso ako sa likod ng pader upang tumago. Hanggang ngayon kasi hinahanap pa nila kung sino ang bumaril sa salamin. Pero pinagdududahan na kami.

Sumilip ako ng konti at napatigil sandali nang makita ko si Roy na nakaharap sa bagong principal namin. Nakayuko siya dito habang nakikinig. Bigla tuloy akong kinabahan.


Paano na lang kung ilalaglag niya kami?


Pero kinalimutan ko muna iyon at pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Na miss ko siya, ah. Kumusta na kaya si Roy? Napangiti ako ng kunti.

Lumapit siya sa salamin at nagulantang
ako nang pasimple siyang tumingin sa akin kaya umatras ako upang tumago. "Until now, we don't have a suspect yet. But. . . " Umiling siya at pinutol ang sinsabi. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.


Maya maya nakaring ako ng yapag na papaalis. Hudyat na umalis na sila. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili bago lumabas. Wala naman akong kasalanan, ah. Si Lance ang may kasalanan no'n!


"It was your group, right?"

Bigla akong napasigaw at agad napatingin sa kaniya na sumabay pala sa akin sa paglakad. Akala ko ba umalis na siya?! "Hindi pa ako umalis, hinintay pa kasi kita." Aniya sa baritong boses. Tumibok ng malakas ang puso ko. Pati boses niya ay namiss ko rin. Tss, malala na ako.


Napalunok ako at pilit inayos ang paglalakad. "Bakit mo ako hinihintay?" Kunwari ay hindi ko siya na miss. Nagkibit balikat siya. "Hindi ko rin alam." Natahimik kami ng ilang sandali at nagsalita ako. "H-hindi iyon kami. Nagkamali ka lang." Bigla siyang natawa at bumaling sa akin.


"It was your friend holding the gun. I know you and your friends' features, Kianna." Mariin akong napalunok at biglang nangilabot. Umaksyon akong umiyak at hinawakan siya sa magkabilang braso. Gagawin ko ang lahat! Kahit maubos ang dignidad ko, huwag lang kaming malaglag! "P-please huwag mo kaming isumbong!" Inalog alog ko siya habang kinakabahan.


Katatapos lang namin ni mama sa pag-away at baka mapagalitan na naman ako dahil dito! "I'm sorry, but it's my job." Mas lalo akong nanlumo. "Roy, please?" Ngumuso ako at pilit magmakaawa. Oo, alam kong nagmumukha na akong palaka pero wala na akong pakialam.


"Roy! Roy!" Hinabol ko ito nang nilampasan niya lang ako."Sige na, please?" Pilit ko itong hawakan sa braso at inalog alog iyon. "Gagawin ko lahat ng gusto mo, promise, lahat lahat! Kahit paliparin mo pa ako!" Shems, wala pala akong wings.


Doon umangat ang isa niyang kilay. Pero sa totoo lang, nabuhayan ako ng pag-asa dahil doon. "Lahat lahat?" Nagmamadali akong tumango. Gumuhit ang kakaibang ngiti niya sa labi. "Okay. Let's go?" Nagtaka ako sa kilos niya dahil ang dali lamang niyang umo-o.

Huh..

Napatitig muna ako sa sahig at sandaling napaisip bago sumama sa kaniya papasok. Habang naglalakad kami, naisipan kong magbukas ng topic. "Kumusta? Ayos ka na ba?" Tumingala ako dito.


"Yes. Thanks for that. I feel better now." Sa sinabi nito, biglang gumaan ang aking pakiramdam lalo na nong ngumiti siya, pero agad niya iyong binawi at pumasok sa room. Tss, marunong naman palang magpasalamat, e. Nahihiya ba siya?

Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon