Nakatayo ako sa gilid ako ng man made river na sakop ng Eden home orphanage. Upang isipin ang pinag-usapan namin ni Lola Cynthia. Actually hindi ko talaga siya totoong lola. Lumaki ako sa bahay ampunan dahil iniwan ako ng tunay kong mga magulang sa harapan ng Eden Home orphanage.
Si Lola Cynthia ang naging sponsor ko simula pagkabata hangang ngayon na nasa huling taon na ako sa kolehiyo.
Sa edad kong bente uno ni minsan walang nagtangka na umampon sa akin. Wala rin akong nakikitang pumupunta sa bahay ampunan para mamili ng batang a-ampunin. Basta ko na lang nalalaman na may kumukuha na sa mga batang kasama ko sa ampunan para ampunin.
Kung tutuusin pwede na akong umalis dito para mamuhay ng mag-isa dahil bukod sa nasa tamang edad na naman ako. Kaya ko namang maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Ngunit hindi pumayag si Mother Evette at si Sister Sandy sila lang naman ang pangunahing nangangalaga sa mga bata sa ampunan. Pareho silang madre kaya napakabuti nila sa amin.
Magaan din ang buhay namin dito dahil hindi lang ako sinusuportahan ni Lola Cynthia. Pati na rin ang buong ampunan. Napakabuti ng puso niya kahit hindi ko siya lubusang kilala sa tuwing nandito siya ay nakikita ko ang pagka giliw niya sa mga bata na naririto. Lalo na pagdating sa akin. Lagi niya kasi akong sinasama sa mall para bumili ng mga gamit ko. Kahit hindi ko naman kailangan binibili niya kagaya na lamang ng mga lotion pabango at mga pampaganda. Sabi ni Lola Cynthia kailangan daw maging maalaga ang babae sa sarili dahil isa daw sila sa pinakamagandang nilikha ng Diyos sa mundo. Kaya siguro kahit nasa singkwenta na si Lola ay napakaganda parin nito. At suportado niya ang lahat ng kailangan ko. Nanghinayang naman ako na hindi gamitin dahil mamahalin ang mga yun. At nakikita ko talaga ang pagbabago ng kutis ko. Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng ganon dahil hindi naman ako kapangitan. May nagsabi na nga sa akin na habang tumatagal daw lalo akong gumaganda sa paningin niya. Si Mathew, kaklase at malapit kong kaibigan since high school. Pareho kasi kami ng kinuhang kurso kaya hangang kolehiyo ay magkasama pa rin kami. Mabait siya at maalaga, kahit di niya sinasabi ng harapan alam ko may gusto siya sa akin dahil sa pinapakita niya kapag magkasama kami. Hindi ko nga nakitang nanligaw yun sa ibang babae at napakalambing din niya sa akin. Masyado din siyang over protective, kahit magkaibigan lang kami ayaw niya na may nanliligaw sa akin na iba. Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na umalis na ako ng ampunan at ikakasal na ako sa apo ni Lola Cynthia. Siguro pag okay na ang lahat sasabihin ko din sa kanya. Alam ko masasaktan ko siya pero kung ito talaga ang kapalaran ko wala na akong magagawa. Nahihiya akong tumanggi kay Lola Cynthia.
Pakiramdam ko tuloy binibisan niya ako mula ulo hangang paa at pinag-aral sa private school para ihanda sa oras na ito. Gustuhin ko mang tumutol sa kanya, hindi ko kaya. Napakabuti niya, hindi niya pinaramdam sa akin na isa akong ulila. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pati na rin naming lahat sa bahay ampunan kaya sino ba naman ako para tumutol sa kagustuhan niyang ampunin ako at maging asawa ng apo niya na hindi ko pa nakikita. Sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit ako pa? Wala naman akong maipagmamalaki sa kanila dahil wala naman ako kahit singkong duling sa bulsa kung meron man akong pera galing pa rin yun kay Lola Cynthia.
Napabuntong hininga na lamang ako habang yakap ko ang aking sarili.
"Angela! Andyan ka pa la eh! Kanina ka pa hinahanap ni Mrs. Valdez at ni Mother Evette. Nakahanda na ba ang gamit mo? Tapos na pirmahan ni Mrs. Valdez ang adaption paper mo, at ngayon ka na niya iuuwi." Naiiyak na wika ni Sister Sandy. Naging malapit kami sa isa't-isa dahil siya ang naging takbuhan ko kapag hindi ko na kaya. Para ko na rin siyang kapatid dahil limang tao lang ang tanda niya sa akin. Kaya nalulungkot din ako dahil mahihiwalay na ako sa kanila.
"Oo, nakahanda na Sister Sandy." Malungkot na wika ko sa kanya. Ayoko mang umalis wala na akong magagawa. Dahil tuluyan na akong inampon ni Lola Cynthia.
"Wag kang mag-alala, dadalaw ako dito. Hindi ko kayo kakalimutan." Paos na boses na sambit ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan ko ng maglandas ang luha ko sa pisngi dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
"Tara na? Malayo pa ang magiging byahe niyo, pabalik ng maynila." Paalala niya sa akin. Tango lang ang tugon ko sa kanya.
Hinila na niya ako papasok sa Eden home upang ilabas ang aking mga gamit. Tinulungan ako ni Sister Sandy bitbit ang dalawa kong bag. Yung ibang damit ko ay iniwan ko na sa kanila dahil marami na akong bitbit.
"Angela, apo kailangan na nating umalis baka abutin tayo ng dilim." Bungad sa akin ni Lola Cynthia. Sinulyapan ko muna sila Mother Evette at Sister Sandy habang inilalagay ng driver ang mga gamit ko sa compartment ng mamahaling sasakyan.
Sa sobrang lungkot ko na tuluyan na akong mapapahiwalay sa kanila ay tinakbo ko sila at niyakap ng mahigpit.
"Mother Evette, simula pagkabata. Ikaw na ang tumayong magulang ko. Hindi ko pa nasasabi ito. Ngunit mahal na mahal ko po kayo. Ingatan niyo po ang sarili niyo." Umiiyak na wika ko sa kanya. Hinaplos niya ang likuran ko. Lalo kong sinubsob ang mukha ko sa balikat niya.
"Lahat kayo mahalaga sa akin Angela. Kaya masakit sa akin kapag may napapahiwalay isa man sa inyo. Lagi mong tatandaan, pwede kang bumalik dito. Kahit kailan mo gusto mag-iingat ka ha? Wag mong kalimutan ang mabuting asal na natutunan mo dito sa bahay ampunan. Alam ko mapapabuti ka kay Mrs. Valdez." Umiiyak na tugon niya sa akin. "Opo, Mother Evette." Humihikbing sagot ko. Pagkatapos ay si Sister Sandy naman ang niyakap ko dahil umiiyak na rin siya.
"Thank you, Ikaw na bahala kay Mother Evette." Usal ko...
"Sige na umalis ka na. Inaantay ka na ni Mrs. Valdez." Sagot niya sa akin. Nilingon ko si Lola at naluluha na rin habang nakatingin sa amin.
Nagpaalam na siya sa mga nag-alaga sa akin. Pagkatapos kong kumaway sa kanila ay sumakay na ako sa kotse kasama si Lola Cynthia.
Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa labas ng Eden Home. Ngunit kailangan kong magpakatatag para sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...