Chapter 16

552 14 0
                                    

Angela's POV

Pagkalabas ko ng opisina ay kaagad kong inayos ang schedule niya for one week. Mabuti na lang din at tumulong sa akin si Rose. Siya ang secretary ni Tito Augusto noong nasa Korea kami ni Tita Frieda. Mabuti na lang din at hindi ko pa tinatangap ng lubusan ang pagiging endorser ng Amore. Mas komportable naman ako dito sa opisina lang. Alam ko din naman na hindi din papayag si Rafael. Yung pagpunta ko pa nga lang dito ay sapilitan na. Gusto ko lang sana na magpa-alam ng maayos.

Mabigat man para sa akin na umalis dahil totoong napamahal na ako sa pamilya nila. Yun ang alam kong tama. Kaya lang kailangan ko pang mag-intay ng isang linggo para na rin sa paki-usap ni Tito Augusto.

Sa sobrang dami kong ginawa ay nakalimutan ko ng lunch time na pala kung hindi pa sinabi sa akin ni Rose ay hindi ko na maalaala sa dami ng tumatakbo sa aking isip.

Kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa table, nang tumunog ang phone ko. Nakita kong si Rafael ang tumatawag kaya kaagad kong sinagot.

"Rafael....Bakit?"

"Are you busy? Nandito ako sa lobby sabay na tayong mag-lunch." Wika niya.

"Okay, I'll be there in a minute." Nakangiting saad ko. Ilang oras pa lamang kaming hindi nagkikita ay miss ko na agad ang boses niya. Nagpaalam ako kay Rose at babalik din ako after one hour. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako paalis sa desk ay may tumawag na sa akin. Ayaw ko sana siyang lingunin, kaya lang wala akong choice kundi pakitunguhan siya ng normal.

"Yes Sir?" Tanong ko kay Mathew.

"Angela, pwede bang sabay na tayo mag-lunch? Saka wag muna ako tawaging sir para namang hindi tayo magkaibigan noon."

Nakakapagtaka, kanina lang halata kong galit siya ngayon kung kausapin niya ako parang normal at parang walang nangyari kanina. Nakangiti pa niya akong niyaya mag-lunch.

"I'm sorry Mathew, inaantay kasi ako ng asawa ko sa baba." Pagkasabi ko ay kaagad na akong tumlikod sa kanya at nagtungo sa elevator.

I'm sorry Mathew, pero ito lang ang naiisip kong paraan para pilitin mo ang mag-move on.

Nalulungkot ako para sa kanya. Naging sandalan namin ang isa't-isa noon. Naging mabuti kaming magkaibigan. Pero pinili niyang sabihin ang nararamdaman niya para sa akin. Pati na rin ang pagkakaibigan namin ay hindi ko na maisasalba pa. Mas gusto ko pang magalit siya sa akin. Para malinawan siya, baka sakaling sa ganung paraan ay makalimutan niya ako.

Bago ako lumabas ng elevator ay tumigil muna ako sa paghakbang. Nakita ko kasi siyang prente ang pagkakaupo sa lobby. Habang ang ibang mga babae na dumadaan sa gawi niya ay hindi maiwasan na tumingin sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin. Sa matangkad gwapo at maputing lalaking naka-business suit habang nakaupo sa malambot na sofa sa waiting area. Pero hindi niya ata napapansin ang tingin ng mga kababaihan sa kanya dahil diretso na ang tingin niya sa akin. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang bigla siya tumayo at humakbang papalapit sa akin. Nakita ko din ang pagsunod ng mga mata ng babaeng kanina lang ay sa kanya nakatitig. Di ko tuloy maiwasan pagmulahan ng pisngi. Paano ba kasi siya nakapasok dito?

"Hon," Nakangiti niyang bati. Nagulat na lamang ako nang biglang dumampi ang labi niya sa akin sandali lang yun pero kakaiba na agad ang naramdaman ko. Ganito ba yun pag kinikilig. Parang naging hindi normal ang takbo ng puso ko.

Kaagad niya kinuha ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang braso. Naglakad kami palabas sa pintuan ng lobby. Hindi ko na napansin ang pagtingin ng ibang tao sa lobby dahil abala na ako sa lalaking katabi ko ngayon.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Kahit saan ikaw na ang bahala." Sagot ko sa kanya. Inalalayan niya ako hangang makapasok sa loob at umikot na siya sa kabila.

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon