Chapter 2

652 19 0
                                    

Malayo ang naging byahe namin kaya hindi ko maiwasan na makatulog. Naramdaman ko na lang ang marahan na pagtapik sa akin ni Lola Cynthia.

"Apo, andito na tayo." Wika niya. Napaangat ako ng tingin at inayos ko ang aking sarili. Madilim na pala ang paligid. Mahaba na rin ata ang naitulog ko. Bumaba ang driver at pinagbuksan ng pinto si Lola. Hindi ko na inantay na pagbuksan din niya ako dahil kusa na akong bumaba. Nagulat nalamang ako nang tumabad sa akin ang malaking bahay. Double ang laki nito sa bahay ampunan.

"Halika na pumasok na tayo si Pedring na lang ang maghahatid ng mga bagahe mo sa loob at ipapaayos ko na din sa kasambahay natin." Paliwanag ni Lola.

"Sige po Lola." Nakasunod lamang ako sa kanya. Bukod sa malaking gate na pinasukan ng kotse ay malawak din ang harapan ng malapalasyong bahay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay ay hindi ako makapaniwalang dito na ako titira. Bigla ko tuloy naalala kung bakit ako naririto. Para maging asawa ng kanyang apo. Ni hindi ko man lang alam ang kanyang pangalan o itsura basta sinabi lang niya sa akin na sampung taon ang pagitan nang edad naming dalawa.

Kung gaano kaganda ang labas ng bahay ay mas maganda naman sa loob. "Magandang gabi Senyora. Magandang gabi senyorita." Sabay na bati ng mga kasambahay na sumalubong sa amin. Nahihiya akong yumuko, naiilang kasi ako sa paraan ng pagtrato nila sa akin.

"Kayo na ang bahala sa mga gamit ni Angela. Dalhin niyo na lang sa kwarto niya." Utos ni Lola. Nagpulasan ang mga kasambahay na parang alam na agad nila ang gagawin at ang pagdating ko.

"Halika apo, tumuloy na tayo sa kusina. Alam kong nagugutom ka na."

Nagpalinga-linga akong nakasunod sa kanya. Umaasang makikita ko ang sinasabi ni Lola na apo niya. Pero wla akong makita na kahit isang lalaki. Napansin ata ni Lola ang ginagawa kong paghahanap.

"Wala pa si Rafael, baka mamaya pa yung gabi. Subsob kasi yun sa trabaho. Paminsan-minsan naman ay galing sa mga barkada niya. Pero dito naman yun umuuwi magkikita din kayo." Saad niya sa akin. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi ni Lola. Gusto ko lang siyang makita dahil hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ako. Mukha kasi akong manang sa suot ko tapos napakasimple ko pa mag-ayos.

Pero bahala na!

Malaking dining table ang tumambad sa amin. Bukod sa lahat ay my touch ng gold. Mukhang kahit kutsara pwedeng isanla. Hindi ko akalain na ganito kayaman si Lola Cynthia. Kaya ayaw pa rin mag sink-in sa utak ko na dito na talaga ako titira. Para kasi akong nasa royal house.

"Kumain na tayo Apo, bago lumamig ang pagkain."

"Opo Lola." Nahihiyang sagot ko. Kumunot ang noo ko dahil sa dami ng plato sulyaw at mangkok sa harapan ko. Marami ding klaseng kutsara iba-iba ang hugis nito may maliit may malaki may katamtaman at lahat kakulay ng ginto.

"Bakit? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Mahinahon niyang tanong. Napansin niya atang tinititigan ko ang mga gamit na nakalagay sa harapan ko.

"Hindi naman po Lola. Hindi ko po kasi alam ang gagamitin ko sa mga ito." Inosenteng sagot ko na ikinatawa niya. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi talaga ako nababagay sa lugar na ito.

"Apo, hahayaan muna kitang gumamit ng nakasanayan mo pero kailangan mo matuto ng table etiquette. Palaging pumupunta si Rafael sa mga special events dapat lang alam mo kung paano mo dadalhin ang sarili mo. Wag kang mag-alala dahil may nakausap na ako para makatulong sayo." Nakangiting wika niya sa akin. Sinuklian ko na lang din ng ngiti dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Naninibago ako sa lahat.

Pagkatapos kunin ang sobrang pingan at kubyertos sa harapan ko ay problema ko na naman kung nasan ang kanin dahil puro ulam ang nasa harapan namin.

"Yung kanin po?" Magalang na tanong ko sa kasambahay na nasa tabi ko. Siya kasi ang nag-aasikaso ng mga kailangan ko. Nahihiya naman ako kumilos mag-isa dahil kakatungtong ko pa lang sa bahay na ito.

"Kanin po Senyorita?" Ulit niya sa tanong ko.

"Angela na lang po itawag niyo sa akin. Wala po ba kayong kanin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ah, eh—"

"Hindi kami kumakain ng kanin dito apo. Masama rin sa kalusugan ko yun. Kaya nakasanayan na rin namin. Pero kung gusto mo ipagsasaing ka nalamang nila kaya lang kailangan mong magbawas ng kanin dahil baka tumaba ka dito." Putol ni Lola.

Goodbye kanin!

"Okay lang po Lola. Mukhang hindi naman ako mauumay sa mga pagkain." Pilit ang ngiting sinukli ko sa kanya. Tuluyan na nagbago ang buhay ko nang tumuntong ako dito. Masarap naman ang mga pagkain kaya lang iba parin talaga pag nasanay ka sa kanin kahit simpleng adobo lang ang ulam solve na hindi kagaya ngayon. Napakadami ng hinanda nila tapos may maliliit na serving na hindi ko alam kung ano. May sobra naman sa palamuti na pwede lang kuhanan ng larawan pero hindi mo makakain.

Pagkatapos naming kumain ni Lola ay umakyat na kami sa mahaba at malaking hagdan. Nakakalula talaga dahil ganitong-ganito ang hagdan sa mga fairytales kung saan bumababa si Cinderella habang suot ang malaki at magandang gown niya. Mahaba din ang nilakad namin bago tumigil si Lola sa pag-akay sa akin.

"Dito na tayo Apo, ito ang magiging kwarto mo." Wika niya.

Mula baba hangang taas kong tinignan ang malaking pinto. Napakaganda ng desenyo nito halatang pinaghirapang ukitin ang lahat ng detalye sa pinto pa lamang. Palagay ko matibay at mabigat din ito.

Dahan-dahan na binuksan ni Manang Adela ang pinto. Tumambad sa akin ang malawak na kwarto. Napanganga ako dahil bukod sa malaki ang kama. Napakabango at malamig din ito. Mixed of Black white and gold. Kakaiba ang desenyo.

"Dito po ang kwarto ko?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Parang kasing lawak ito ng half court.

"Oo apo. Magpahinga ka na alam ko pagod ka dahil sa byahe mag-usap na lamang tayo bukas."

Pagkatapos niyang magpaalam sa akin umupo muna ako sa malambot na kama.

"Senyorita, nilagay na po namin lahat ng gamit niyo dito sa closet. Kung may kailangan po kayo. Tumawag lang kayo sa device na yan." Turo niya sa akin sa kulay puting bagay na nasa ibabaw ng glass table. Hindi siya mukhang radyo or cellphone. Mukha siyang speaker na hindi ko alam kung paano gagamitin.

"Sige po."

Nakangiti siyang lumabas ng pinto. Inikot ko ang buong kwarto. Kahit ang banyo ay napakaganda din bukod sa may malaki itong bath tub ay kompleto din sa gamit. Glass naman ang pader kaya kitang-kita ang katawan kapag naligo ka sa shower.

Maya-maya ay nakapag-adjust na rin ako. Kumuha ako ng isnag pares na pantulog at naligo ako sa banyo. Masarap din ang tubig dahil may maligamgam at may katamtaman lang ang lamig. Halos kalahating oras din akong naligo bago ako magpasyang magbihis na para matulog. Sa sobrang lambot ng kama at sa lamig ng kwarto ay mabilis akong hinila ng antok.

Bigla akong napamulat ng may maramdaman ako yumakap sa akin. Paglingon ko ay mukha ng lalaki ang tumambad sa akin.

"Ahhhh!!!!!!!"

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon