Chapter 10

524 14 0
                                    

Angela's POV

Isang oras na ang nakalipas mula nang umalis si Rafael. Galit parin si Lola kahit alam niya ang dahilan ng pag-alis niya. Ipinaliwanag ni Bernard ang lahat kung bakit siya umalis. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May karapatan ba akong masaktan? Nasa bingit ng kamatayan ang dati niyang kasintahan. Ang babaeng mahal niya. Nakita ko sa mga larawan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ayaw man niyang ipakita sa kin, nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Mahal pa rin niya si Lalaine at ako ay pantapal lang sa sugat na iiwan niya kay Rafael. Hindi ko akalain na sa maganda niyang mukha ay nagtatago ang matinding karamdaman.

"She had Cancer! She's dying!"

Paulit-ulit na lumarawan sa akin ang mukha ni Rafael nang sabihin yun ni Xandro. Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha sa sinabi nito. Napanuod ko din ang video na nakuha daw ni Fernan sa cellphone ni Lalaine. Sa likod ng mga ngiti niya sa video ay hindi mo maaninag sa kanya ang pag-aalala na hindi niya malampasan ang pagsubok. Sadya sigurong may mga taong malakas ang loob kahit na mabigat ang pagsubok na kakaharapin nila.

Imbis na magalit sa pag-iwan ni Rafael sa akin ay mas inintindi ko siya. Alam ko, yun ang kailangan niya ngayon. Alam ko nasasaktan siya ngayon. Alam ko nahihirapan siya ngayon. Wala akong magawa para maibsan ang nararamdaman niya.

Unti-unting sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi. Kanina ko pa gustong ilabas ang nagbabadyang luha sa aking mga mata pero inalala ko si Lola ayokong lalo siyang magalit kay Rafael dahil sa pag-iwan sa akin. Katwiran niya kahit pa pumunta si Rafael hindi rin naman niya mapapagaling ito. Kaya siya na lang ang humarap sa ibang bisita at umakyat na rin ako sa taas upang magbihis ng comfortableng damit. Pagkatapos kong magbihis ay nakarinig ako ng mahinang katok. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni sister Sandy.

"Okay ka na ba?"

Dahan-dahan ako tumango at ngumiti. Pero imbis na makuntento sa sagot ko ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi ko alam ang dahilan ng pag-alis ng asawa mo. Pero kung ano man ang naging problema niyong dalawa. Ipagdarasal ko na maging maayos din ang lahat." Sambit niya. Kinagat ko ang ibabang labi at pinilit na hindi tuluyang maiyak. Ayokong pag-aalalahanin sila sa pinili kong landas.

"S-salamat." Paos na sagot ko.

"Aalis na kami. Wag mong kalimutan na dumalaw sa bahay ampunan." Naiiyak na sabi niya. Sunod-sunod akong tumango. Pilit na nilalabanan ang lungkot ng pag-alis nila. Bumaba ako upang magpaalam sa kanila. Nauna na kasing umalis ang iba pang bisita maliban kay Bernard at Inigo. Nagpaalam na rin si Mother Evette na mahigpit lang akong niyakap. Kahit hindi siya magsalita alam kong nag-aalala din siya para sa akin.

"Wag po kayong mag-alala kaya ko po ito." Nakangiting sambit ko bago maghiwalay ang mahigpit naming yakap. Nakasakay sila sa isang minibus na pagmamay-ari nila Lola. Isa-isang nagpaalam sa akin ang kasama nilang mga bata na may ngiti sa labi. Kumaway silang lahat sa akin sa bintana bago umalis ang bus. Nangingilid ang mga luhang pinahid ko bago pa maglandas sa aking mukha. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa likuran ko ang dalawang kaibigan ni Rafael.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Inigo.

"Oo naman," Kunwari'y sagot ko.

"Kanina ko pa kinokontact si Rafael pero nakapatay na ata ang phone niya." Wika naman ni Bernard.

"Wag kayong mag-alala naintindihan ko siya." Sambit ko.

"Wag mo sana siyang sukuan Angela. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay Lalaine pero sapat na ang nakita namin kanina nang iwan ka niya. Sana intindihin mo pa rin siya."

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon