Rafael's POV
Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa headboard ng kama at sumandal. Napahilot ako sa aking sintido kasabay ng pagpintig sa sakit ng ulo ko. Nasa kama na ako. Napakunot ako ng noo dahil wala akong saplot sa katawan kahit isa.
Anong nangyari? Bakit ako naririto? Bakit ako walang damit? Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo ko.
"Rafael! Rafael!" Sigaw sa labas ng kwarto ko. Isang malakas na lagabog ang nagbukas ng pinto. Kaya doon natuon ang atensyon ko.
"What the f*uck!" Gulat na sigaw ni Xandro. Sigurado akong siya din ang may pakana kaya nabuksan ang pinto. Nasa likuran niya si Bernard at Inigo na pinasadahan ako ng masamang tingin.
"Kaya pala hindi ka magising kahit anong tawag namin dahil siguradong inumaga ka na ng bunot. Akala namin ay kung ano na ang ginawa mo at sinabi ng manager sa bar ko na nagkagulo daw kagabi dahil sayo. Kasama mo pa si Maymay!" Singhal niya sa akin.
"What happen? Nasaan si Angela?" Seryosong tanong ni Inigo. Saka ko pa lang naalala ang naging pag-uusap namin kahapon. Pagkatapos ko siyang kausapin ay umalis na agad ako at nagtuloy sa bar ni Xandro. Sinamahan ako ni Maymay. Isa siya sa mga babae kung naging pampalipas oras noong sinaktan ako ni Lalaine.
"Hindi ko alam." Walang emosyon na sagot ko.
Kaagad na lumapit si Bernard sa akin at inambahan ako ng suntok sa mukha na ikinagulat ko. Napahawak ako sa dumudugong labi ko at pinahid ko yun.
"Why did you punch me!?" Sigaw ko sa kanya. Umigting ang panga niyang tumingin sa akin.
"Tell us what happen to Angela!?" Sighal niya ulit.
Napangisi ako. "Wala na kong paki-alam sa babaeng yun. Hindi ko na siya asawa." Balewala kong sagot na ikinatalim ng tingin nila sa akin. Bumaling ako sa tabi na table nakapatong doon ang annulment paper namin. Sigurado akong umalis na siya. Alam kong matagal na niyang gustong umalis sa bahay na ito kaya ibinigay ko ang kalayaan na gusto niya. Ngunit napansin ko ang tseke. Punit yun. Kaagad na nilapitan ni Inigo ang lamesa at kinuha ang papel naglaglagan sa sahig ang punit na tseke. Pagkatapos ay inilipat ang masamang tingin sa akin.
"Tarant*do ka!" Sigaw ni Inigo. Inambahan ako ng suntok pero agad na napigil yun ni Xandro. Habang si Bernard naman ay napapasabunot sa kanyang buhok.
"Youre getting worse than before Rafael! Sa tingin mo ba matutuwa si Lalaine kung makikita kang ganyan?! Dinamay mo pa si Angela! Inutusan mo kaming bantayan siya at punahan dito para sa'yo! Pero anong ginawa mo?! Pagkatapos mong papirmahan to kay Angela nagdalawa ka ng babae sa kama niyo?! I can't believe you!" Galit na sigaw niya sa akin.
Sobrang nalasing ako kagabi kaya hindi ko na maalala kagabi kung anong nangyari pero naaaninag ko sa isip kung ano man nangyari hindi ko sigurado pero baka ganun nga ang nangyari.
"Tapos ka na? Umalis na kayo... at kung may paki-alam kayo sa babaeng yun. Hanapin niyo. Pero wag niyo na siyang ipapakita sa akin lalo na kay Lola." Walang ganang sabi ko sa kanila.
"Hindi ako makapaniwala na aalis ng ganun lang si Angela! Siguradong sinaktan mo siya, kaya imbis na tangapin ang alok mong pera ay pinunit niya yun! Bulag ka Rafael, akala namin maliliwanagan ka dahil sa pagkawala ni Lalaine. Pero hangang matapos ang libing ni Lalaine. Sinisisi mo pa rin ang sarili mo! At nagawa mo pang saktan ang babaeng nag-iintay sa'yo kahit walang kasiguraduhan na babalik ka pa! Hindi ka diyos Rafael! Kung yun ang kapalaran ni Lalaine ay wala tayong magagawa doon! You don't deserved Lalaine, and you don't deserved Angela either."
Napatingin ako sa nagngangalit na mata ni Inigo habang sinasabi niya yun. Tapat siya sa lahat ng mga sinabi niya at nararamdaman ko yun sa bawat salitang pinapamukha niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...