Chapter 4

518 15 0
                                    


Rafael POV

Galit na tinungo ko ang kwarto ni Grandma. Hindi ko akalain na dadalhin niya ang babaeng yun ngayon sa mansyon. And what the Hell! Sa kwarto ko pa mismo pinatulog ang babaeng yun.

"Grandma! Open this door!"

Paulit-ulit kong kinatok ang pintuan ni Grandma. Alam ko kabastosan yun, pero hindi ko kayang makasama ang babaeng yun sa kwarto ko. Nakailang katok pa ako bago niya ako pagbuksan ng pinto.

"Grandma, sino ang babaeng nasa kwarto ko? Bakit nasa kwarto ko siya?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Rafael, napag-usapan na natin to diba? Susunduin ko ang mapapangasawa mo at matutulog na kayo ng magkatabi. So what's wrong with that?"

Napasinghap ako sa sinagot niya sa akin. "Grandma, wala akong naalala na pumayag ako sa sinasabi niyo. Why are you doing this to me? Can you just stop controlling my life?"

"Rafael! Ginagawa ko lang ito para sa'yo." Galit na singhal ni Lola. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang magalit siya at makasama pa sa kanya kapag pinagpatuloy ko ang galit ko.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang nararamdaman kong init ng ulo. Napansin ko na lang na nasa likuran ko na ang babaeng umaangkin sa kwarto ko.

"Grandma, seryoso ba talaga kayo? Ipapakasal niyo ako sa babaeng yan? Tignan mo nga ang itsura niya? Wala pa nga sa kalingkingan ni Lalaine yan? Mukhang basta mo na lang siya pinulot sa kung saan at inalok ng kendi para sumama dito."

"Rafael! Hindi mo kilala si Angela, kaya wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan. Galing siya sa ampunan at pinalaki ng mga madre kaya alam kong mabuti siyang babae! At wag mo siyang ikukumpara sa Ex mong nang-iwan sayo!" Galit na sigaw ni Lola sa akin. Malinaw naman na mas kinakampihan niya ang babaeng ito kaysa sa akin na apo niya.

"Ampunan? I can't believe na ipapakasal niyo ako sa babaeng galing lang sa ampunan Grandma? Kung mga anak pa ng stocked holder's natin baka ma-intindihan ko pa. Pero sa ampunan? Ni hindi niyo nga alam baka kriminal ang mga magulang niyan kaya siya pinabayaan sa ampunan!" Galit na sigaw ko napatid na kasi ang katiting na pasensiya ko at gusto ko din ipamukha sa babaeng ito na hindi kami bagay sa isa't-isa.

Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niya akong sampalin. Napamaang akong nakatingin sa kanya. Wala pang babaeng nanakit sa akin kahit si Grandma ay hindi pinagbubuhatan ng kamay.

"How dare you!" Hinigit ko ang kwelyo ng pajama niya. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya pero hindi siya natinag.

"Hindi porke mayaman ka, pwede ka ng mang-apak ng taong hidni mo kilala. Oo ulila ako. Pero kahit walang magulang na nagpalaki sa akin ay hindi ako kasing basura ang pang-unawa gaya mo." Mahina ngunit madiin niyang sabi sa akin.

"T-tama na yan." Hinihingal na sambit ni Grandma. Kaagad ko siyang binitawan dahil nakita ko ang hirap sa paghinga ni Grandma.

"Grandma?"

"Lola?" Sambit niya. Nakita ko ang paglambot ng mukha niya habang nakatingin sa Lola ko. Ang kaninang matalim na tingin na ipinukol niya sa akin ay napalitan ng pag-alala.

"H-hindi ako makahinga." Wika ni niya sa akin, habang nakahawak sa kanyang dibdib.

"Grandma, dadalhin kita sa ospital!" Nag-aalalang sambit ko. Kaagad ko siyang binuhat at bumaling ako sa babae.

"Wag kang aalis dito, hindi pa tayo tapos." Banta ko sa kanya. Kaagad akong bumaba sa mahabang hagdan bitbit si Lola.

"Manang! Pakitawag si Samuel!" Utos ko sa kasambahay. Kaagad naman itong lumabas ng mansyon upang puntahana ng driver namin.

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ng Doctor na okay na si Lola. Bawal lang daw na ma-stress. Senior citizen na si Lola kaya lang lagi niya pa ring sinasabi na fifty years old pa rin siya.

Marami na rin siyang nararamdaman kaya palagi kong iniiwasan na magtalo kaming dalawa. Kaya lang hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit, dahil sumabog na ako nang tuluyan. Idagdag ko pa ang pagdating ni Lalaine na ngayon ay nagbibigay sa akin ng matinding stress.

Iniwan kong mahimbing na natutulog si Lola sa kwarto. Kaagad akong umuwi sa mansyon. Pinuntahan ko agad ang babae sa kwarto ko. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at nakayuko habang sapo ang mukha niya. Nag-angat siya ng tingin kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"K-kumusta na si Lola?" Paos na boses na tanong niya sa akin. Nakita ko pa ang pangingilid ng luha niya. Hindi ko siya kilala pero hindi naman siya mukhang umaakting lang.

"Bakit ka pumayag sa sinabi ni Grandma? May karapatan kang tumangi diba? Nakikita mo ba ang pagkakaiba ng mundong ginagalawan natin? Nakikita mo ba ang itsura mo?" Nang-uuyam na wika ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. Sobrang bata pa niya para sa akin. Hindi ko nga alam kong tatagal siya sa kama dahil sa nipis ng katawan niya.

"Malaki ang utang na loob ko kay Lola Clara." Mahinahon na sagot niya sa akin. Marahas akong napabuntong hininga. Nilapitan ko siya pero umatras siya.

"So kaya ka lang pumayag dahil sa utang na loob? Sa pagtawag mo palang na Lola sa Lola ko ay tangap na tangap mo na siguro ang maging bahagi ng pamilya namin."

Sunod-sunod siyang umiling. "Si Lola din ang may gusto na tawagin ko siya ng ganun. Kung pwede ko lang tangihan ang alok niya. Gagawin ko. Hayaan mo, kukumbinsihin ko si Lola na wag ng ituloy ang plano niya." Wika niya sa akin.

"At sino ka para gawin yun? Isa ka lang hamak na ulila! Sa tingin mo ba papakingan ka ni Lola? Sa akin nga hindi siya nakikinig sayo pa?"

Tinalikuran niya ako at kinuha niya ang maleta niya. Pumasok siya sa closet at inilagay na niya ang mga gamit niya.

"Makiki-usap ako sa kanya na pabalikin na ako sa ampunan. Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga kagaya nila kaysa sa walang puso na kagaya mo. Kung kailangan kong lumuhod kay Lola, gagawin ko. Pabalikin lang niya ako." Saad niya.

Walang puso?

Ako?

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang maleta sa kamay niya.

"At anong gagawin mo? Aalis ka na lang ngayon? Gusto mo ba talagang lumala ang kalagayan ng Lola ko pag nadatnan ka niyang wala rito!?" Singhal ko sa kanya. Pero malamig niya lang akong tinignan.

"Kwarto mo to diba? Tao akong tinangap ni Lola dito. Kaya tao akong aalis. Magpapalipat na lang ako ng ibang kwarto total malaki naman itong bahay niyo. Pero kung ayaw mo kahit sa labas ako matulog at antayin ang pagbabalik ni Lola. Okay lang din sa akin." Sagot niya sa akin. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Sumobra lang ba ako? Hindi ako ganito. Simula nang iwan ako ni Lalaine naging ganito na ako. Anong nangyari sa akin?

Pinilit kong maging mahinahon. Pagod na rin ako. Hindi ko na kaya pang makipagtalo sa kanya. Madaling araw na din kaya kailangan ko ng magpahinga. Pero kailangan kong balikan si Lola sa hospital.

"Stay here, kailangan kong bumalik sa hospital. Hintayin muna natin maging okay si Grandma bago mo siya kausapin."

Hindi ko na inantay ang sagot niya. Naiintindihan naman siguro niya ang ibig kong sabihin. 

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon