Angela's POV
Mag alas-dyes na ng gabi nang magpa-alam kami sa kanila. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagod at kailangan pa naming gumising bukas ng umaga. Nagka-usap na din kami ni Fernan at humingi na rin ako ng pa-umanhin. Naiintindihan daw niya ako kung hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Nakakatuwa din si Inigo dahil mukhang tinamaan talaga siya doon sa katulong niyang bulag. Iba kasi ang ningning ng mga mata niya. Pagkatapos niya kaming bigyan ng maiinom ay umalis na rin ito dahil pina-akyat na siya ni Inigo. Natakot ata na sulotin ni Bernard masyado kasing clingy ang isang yun. Kaya nga naiinis si Rafael sa kanya at panay dikit sa akin. Mabuti na lamang at matibay ang pagkakaibigan nila. Dahil kung hindi baka nagbubugan na sila sa selos.
"Napagod ka ba?" Tanong niya sa akin nang makauwi na kami. Nakaupo ako sa gilid ng kama. Katatapos ko lang din mag-shower at kakalabas lang din niya sa banyo.
"Oo, kaya matulog na tayo. Dahil maaga pa tayo bukas" Sagot ko.
"Isang linggo lang ang binigay ko sayo bago ka umalis sa Amore diba?" Wika niya sabay masahe sa likod ko.
"Oo na, pagkarating na pagkarating nila kakausapin ko agad sila." Sagot ko.
"Good, dahil ayokong mahirapan ka kung sakaling dinadala mo na ang anak natin."
Lumingon ako sa kanya. "Bakit? Alam mo na ba agad kung buntis ako?" Natawa siya sa sinabi ko.
"We made love kaya for sure nag-uumpisa ng mamuo yan sa maliit mong tiyan."
Dahan-dahan niya akong hiniga at hinila niya ako papunta sa kanya. Magkaharap kaming dalawa at isang dangkal lang ata ang layo ng mga mukha namin.
"Kung hindi ka pa rin kumbinsindo. Pwede naman tayong gumawa ulit ngayon." Nakangiting sabi niya. Wala talagang kapaguran ang lalaking ito. Paano ko ba naman mahihindian kong hindi pa ako tumututol ay nag-uumpisa na namang gumapang ang mga kamay niya sa hita ko.
Tuluyan na akong iginupo ng antok pagkatapos naming magtalik ng isang beses. Sobrang pagod ko talaga pero hinayaan ko na lang siya. Nakayakap niya ng mahigpit sa aking beywang habang nakasubsob naman ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hubad parin ang aming katawan at nakabalot ng makapal na kumot dahil sa lamig na nagmumula sa kwarto.
Kinabukasan ay sabay ulit kaming pumasok. Hinatid niya ulit ako sa Amore. Pag-akyat ko sa office ay nadatnan ko na doon si Rose. Mukhang kakarating lang din niya.
"Hi Rose! Goodmorning!" Masayang bati ko sa kanya.
"Hi Marinor, goodmorning din. Nga pala may problema tayo. Hindi ata papasok si Sir. Mathew." Wika niya sa akin.
"Bakit daw?" Kunot noo kong tanong.
"May sakit daw siya tumawag sa akin. Ipinapahatid nga sa akin ang mga pipirmahan niyang mga papeles. Kaso hindi ko naman alam kung nasaan ang bahay nila Sir. Augusto. Hindi rin ako marunong sa address na binigay niya."
"Eh, bakit naman doon ihahatid?" Nagtatakang tanong ko. Kasi nasa Korea pa sila Tita at Tito.
"Doon siya nakatira ngayon." Sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
"Diba doon ka din nakatira dati? Pwede bang ikaw na lang ang maghatid? Marami pa kasi akong tatapusin. Kailangan ko pang e-email sila Sir Augusto." Paki-usap niya sa akin.
Tumango na lamang ako. Kasi alam kong importante ang mga kailangan niyang pirmahan. Bukod doon nag-aalala din ako sa kanya. Okay pa siya kahapon noong umalis ako eh.
Kaagad kong kinuha kay Rose ang mga papers at nagpaalam na rin akong babalik before lunch dahil paniguradong susunduin ako ni Rafael. Yun kasi ang sinabi niya kanina sa akin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...