Chapter 11

515 17 0
                                    

Angela's POV

Dalawang linggo na mula nang umalis si Rafael. Niyaya ako ni Lola na sundan si Rafael sa Canada pero hindi ako pumayag. Gusto kong bigyan siya ng oras para sa babaeng mahal niya at hinanda ko na rin ang sarili ko sa magiging desisyon niya pagbalik. Palagi na lamang akong sinasamahan ni Lola sa mall or kahit saan para siguro maaliw ako paminsan-minsan. Tinuturuan din niya ako sa pagbuburda kaya minsan hindi ko namamalayan na nakakatapos na pala ako kahit isang maliit na bulaklak. Kahit abala pa siya sa maraming negosyo, maraming mapagkakatiwalaan si Lola na tumutulong sa kanya habang wala pa si Rafael.

Matiyaga parin akong naghihintay sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Hindi ko alam kong bakit ko rin natitiis ang ganito na maghintay na lamang kahit may karapatan na naman ako sa kanya. Alam ko kasi ang katotohanan na sa papel lang ang kasal naming dalawa at kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin. Masakit, akala ko okay lang sa akin ang nangyari pero habang tumatagal lalo akong nakakaramdam ng pagkasabik na makita siyang muli.

Palagi pa rin naman nadalaw sila Inigo, Bernard dito para kumustahin kami ni Lola kaya kahit paano ay nakakalimutan ko ang malungkot. Iba din kasi ang humor ng mga kaibigan niya palagi nila akong binibiro. Minsan nga pinapili pa nila ako kung sino sa kanila ang pipiliin ko kung hindi ako naikasal kay Rafael. Nangingiti na lamang ako. Kahit maloko sila alam ko may respeto sila sa isa't-isa. Narinig ko din ang usapan nila tungkol kay Xandro na may kinahuhumalingang babaeng empleyado sa beach reasort nito. Parehas na parehas ko daw dahil mahinhin din ito at maganda. Namula naman ako sa papuri nila. Pero si Fernan hindi pa siya dumadalaw dito. Hindi naman daw siya galit sa akin. Kailangan lang daw niyang umalis paibang bansa.

Nalaman ko din na malala na daw ang kalagayan ni Lalaine. Nalulungkot ako para sa kanya. Napakabata pa niya at napakaganda mukha din siyang mabait para danasin ang ganoong klaseng karamdaman. Pero mas nag-aalala rin ako kay Rafael sa kung ano man ang magiging epekto nito sa kanya. Kaya sinasama ko siya sa gabi-gabing pagdarasal ko na sana gumaling na ang babaeng mahal niya.

Sa mga kwento sa akin ni Lola tungkol sa kanya. Naniwala akong naging ganun lang siya dahil sa labis na pagmamahal kay Lalaine.

Kaya labis din itong nasaktan ng iwan siya nito. Minsan tuloy parang gusto ko ng sisihin ang aking sarili. Kung hindi dahil sa akin baka nakipagbalikan pa si Rafael sa kanya. Kahit itinutulak ko siya noon na bumalik kay Lalaine ay ayaw niya. Sana tumanggi na lamang ako sa alok ni Lola. Sana kinausap ko na lamang siya na pagtrabahuhan ko na lamang ang perang ginastos niya para sa akin.

Pero huli na para magsisi pa ako. Dahil kasal na kaming dalawa. At kailangan ko ng panindigan ang desisyon ko.

"Binibini, lalim ata ng iniisip mo?"

Napalingon ako sa nagsalita. Alam ko naman na sila lang ang tumatawag sa akin noon. Kasalukuyan akong nag-sspray sa mga bulaklak ng hardin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Tinawagan ako ni Lola, samahan daw kita sa bahay ampunan magdala daw tayo ng mga laruan, damit at pagkain para sa mga bata." Nakangiting sagot ni Inigo.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Siguro ay naisip na rin ni Lola na kailangan kong dumalaw sa bahay ampunan.

"Teka lang? Pwedeng magtanong?"

"Ano yun Binibini?"

"Wala ka bang girlfriend? Kasi nandito ka palagi kung hindi ikaw si Bernard naman ang nandito." Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Marami akong girlfriend's pero hindi ko pa natatagpuan ang binibini ko." Nakangiting sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

Sa itsura ni Inigo hindi na ako magtataka kung marami na itong naging kasintahan. Gwapo si Inigo, kung pagtatabihin nga silang magkakaibigan para silang mga model sa isang business magazine. Kaya mas lalo akong nagtataka kung bakit palagi nalang silang nandito. Hindi ko iniisip na dahil sa akin pero kahit paano ay masarap silang kausap at napapatawa nila ako.

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon