Angela POV
Bagsak ang balikat akong umupo sa tabi ng kama mula ng umalis siya. Hindi ko naman talaga balak na umalis gusto ko lang lumabas sa kwarto niya. Hindi ko akalain na ganun pala kasama ang ugali niya. Nag-aalala din ako para kay Lola. Gustuhin ko man na batayan siya sa ospital baka kung anong isipin ni Rafael. Alam ko hindi niya ako tangap pero hindi ko naman inasahan na wala pala siyang alam tungkol sa akin dahil wala naman sinabi si Lola sa akin.
Pinahid ko ang nangingilid na luha ko. Harap-harapan niya akong tinangihan sa Lola niya, kaya wala akong choice kundi subukan na kausapin si Lola. Marami na akong pinagdaanang sakit lalo pa hindi ko pa rin mahanap ang mga taong nag-iwan sa akin sa bahay ampunan. Palagay ko ay kalahati ng buhay ko ang gusto kong buohin, pero kung mapipilitan akong pakasalan siya siguradong hindi rin ako magiging masaya.
Dahil hindi naman kagaya ko ang magugustuhan niyang babae. Kung pasadahan nga ako ng tingin ay lalong nangliit ang tingin ko sa aking sarili.
Malalim na ang gabi at ipinasya kong matulog na lamang. Upang magkaroon ako ng lakas na kausapin si Lola.
Kinabukasan tunog ng phone ang gumising sa akin. Pasikat pa lang ang araw kaya siguro inaantok pa rin ako.
"Hello?"
"Angela, bakita hindi mo sinabi sa akin."
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ng Mathew. Kaagad akong tumayo at tinungo at binuksan ang glass na pintuan ng veranda. Pansin ko din sa boses ni Mathew na paos ito.
"I'm sorry Mathew, biglaan din ang lahat." Wika ko.
"Ni minsan ba hindi rin ako naging mahalaga sayo?"
Naramdaman ko na umiiyak siya dahil naririnig ko pa ang pagsinghot niya.
"Ano kaba syempre mahalaga ka sa akin Mathew. Pero hindi ko kayang tangihan si Lola. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero pangako, kakausapin ko siya na pabalikin na lamang ako diyan dahil hindi naman ako gusto ng apo niya." Paliwanag ko sa kanya.
"I love you, Angela. Kung alam ko lang na mangyayari ito noon ko pa sana sinabi ito sa'yo. Kung alam ko lang na aalis ka na lang dito na walang paalam man lang sa akin. Sana tinake ko yung risk ng friendship natin para masabi ko ang tunay kong nararamdaman." Ramdam ko sa boses niya ang pag-sisisi at nasasaktan ako dahil alam ko kung gaano siya naging mabuti sa akin. Pero hindi ko inaasahan na aamin siya ng ganito.
"Mathew mahal din naman kita pe—"
"Matinong babae? Sinong matinong babae ang iiwan ang lalaking mahal niya kapalit ang kaginhawaan?"
Napalingon ako sa likuran ko dahil sa narinig. Hindi ko inasahan na nasa kwarto na pala siya at nakikinig sa usapan namin. Pero wala yun sa akin dahil kilala ko ang sarili ko at alam ko ang dahilan kung bakit ako naririto.
Pinatay ko ang phone at hinarap siya. "Hindi ko na kailangan tangapin pa ang paulit-ulit na pagtapak mo sa pagkatao ko Rafael. Kaya sabihin mo sa akin kung kailan uuwi si Lola para makapagpa-alam na ako." Matalim ang titig na ipinukol niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Kailangan kong protektahan ang sarili ko dahil walang ibang may kakayahan gawin yun kundi ako.
Nang-uuyam niya akong tinignan. "Kaya ba atat ka ng umuwi dahil sa lalaki mo? Tapos kapag hindi pumayag si Lola sa gusto mo babalik ka rito? Anong palagay mo sa akin tumatangap ng second hand?" Lumapit ako sa kanya at nginisihan ko siya.
"Alam mo Rafael? Wag ka ng magtaka kung bakit iniwan ka ng girlfriend mo. Dahil kahit sinong babae walang makakatagal sa ugali mo!" Singhal ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari mabilis niya akong hinila at isinandal sa likod ng malaking pinto. Dinig ko pa ang malakas na paghampas ng likod ko kaya napangiwi ako. Hinawakan niya ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa leeg ko. Kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay niya na nasa leeg ko.
"How dare you! Kagabi sinampal mo ako, pinalagpas ko yun! And now you're talking to me like you know me?! Wala kang alam sa pinagdaanan ko Angela! At dahil ginalit mo na rin ako ng tuluyan magdasal ka na!"
"Bitawan mo ko! Ikaw ang magdasal dahil masama ang ugali mo!"
Marahas niya akong binitawan napaubo ako dahil napadiin ang hawak niya sa leeg ko.
"Malalaman mo ang tunay kong kulay kapag nakasama mo na ako. Sisiguraduhin kong gagapang ka paalis sa pamamahay na to." Madiing sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng labis na pangamba. Pero hindi ko yun pinahalata kapag nakita niyang mahina ako siguradong lalo pa niya akong tatapakan.
Pagkatapos niya akong pagbantaan ay lumabas na siya ng kwarto. Napapikit pa ako dahil sa malakas na paglagabog ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa takot. Binigyan lang niya ako ng dahilan kaya lalong hindi ako pwedeng manatili ng matagal dito. Kailangan kong makaalis at bumalik sa bahay ampunan kung saan ako nababagay.
Hindi ako lumabas ng kwarto, pero may nagdadala sa akin ng pagkain. Kaya maghapon kong ikinulong ang sarili ko dahil baka makita ko na naman siya. SInabi din ni Manang sa akin na mamayang gabi daw uuwi si Lola pero mahina parin daw ito kaya hindi daw pwedeng ma-stress at bigyan ng sama ng loob. Hindi ko alam kung paano ako aalis kung ganun ang kalagayan niya pero susubukan ko parin dahil hindi ko na kayang tumagal pa sa malaking bahay na ito kasama ang lalaking yun.
Kinagabihan naghanda ako sa pagdating ni Lola. Pati mga gamit ko ay nakahanda na rin. Si Rafael daw ang nag-uwi kay Lola at nasa kwarto na daw ito. Dahan-dahan akong nagtungo sa kwarto niya at nakakailang katok pa lamang ako ay pinapasok na niya ako. Nurse ang nagbukas ng pinto at iniwan din kami.
"Lola?" Nangingilid ang luha akong lumapit sa kanya.
"A-apo! Mabuti naman at pinuntahan mo ako agad. Patawarin mo sana si Rafael hija. Masyado lang siyang nasaktan noon sa Ex niya kaya siya nagkakaganun. Pero alam mo napakabait non at masunurin." Mahinang sabi ni Lola. Hinawakan ko ang kamay niya at umupo ako sa tabi niya.
"Okay na po ba kayo? Nag-alala po ako sa inyo. Patawarin niyo po ako Lola. Hindi ko po napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya." Naiiyak na wika ko sa kanya.
"Ano ka ba, apo. Tama lang ang ginawa mo para magising si Rafael. Paki-usap bigyan mo siya ng pagkakataon hija. Mabuting binata ang apo ko. Nagkaganun lang siya dahil iniwan siya ng girlfriend niya pero sigurado ako babalik din siya sa dati."
"Pero Lola, hindi niya po ako gusto." Nakayukong sagot ko sa kanya. Wala na kong choice kundi sabihin yun kay Lola dahil pakiramdam ko hindi siya papayag kung aalis man ako at babalik sa ampunan.
"Anong sinasabi mo apo? Nabigla lang daw si Rafael pero sabi niya payag na daw siya na maikasal kayo." Wika ni Lola na ikinagulat ko.
Ito ba yung sinasabi ni Rafael kanina?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...