Rafael's POV
"Rafael, mabuti naman at nakarating ka dito. Balita ko ay masyado kang abala nitong mga nakaraang araw?" Tanong ni Bernard.
Nandito kami sa condo niya. Tinawagan niya kasi ako. Pumunta na lang ako dito kaysa makita ang malungkot na mukha ni Angela. Dalawang beses ko na siyang pinagtangkaan. Dala ng aking galit at emosyon. Hindi ko akalain na sa maiksing panahon na pagkakilala naming dalawa ay nagkaroon na kaagad siya ng malaki ang epekto sa akin. At lalong tumatagal ay nagiging possesive na rin ako pagdating sa kanya. Kaya hindi ako papayag na bumalik pa siya sa Mathew na yun!
"Kumusta naman ang magandang fiance mo? At pwede ba kaming dumalaw sa inyo para makita si Grandma?" Nakangising tanong ni Iñigo. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang huling pag-uusap namin.
"Si Grandma ba talaga ang gusto mong makita? O baka naman gusto mong sulutin si Angela?" Sabat naman ni Bernard. Nagsalin ako ng alak sa baso at iniwasang sumagot. Inubos ko muna ang laman bago ako magsalita.
"Were getting married in one week." Seryosong wika ko na ikinagulat nila.
"Serious bro?" Tanong ni Xandro.
"Paano si Lalaine?" Sabat naman ni Fernan na masama ang tingin sa akin.
"I don't care about her, and besides aalis na ulit siya at iiwan na rin naman niya akong muli." Walang emosyon na sagot ko. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok ko ito.
"Damn it Rafael! Aalis siya dahil ayaw mo na sa kanya! Pero kung babalikan mo siya ulit at kalimutan ang galit na nasa puso mo magiging masaya kayo gaya ng dati!" Galit na singhal ni Fernan. Masyado siyang apektado dahil pareho naming gusto si Lalaine noon at kababata pa niya ito. Kaya ganun na lamang ito ka-protective sa kanya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.
"Kalimutan? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo Fernan? Saksi ka kung paano ako masiraan ng ulo nang iwan niya ako! Anong gusto mong gawin ko? Balikan siya na parang walang nangyari!?"
"Tama na yan!" Saway ni Bernard kulang nalang magsuntukan kami dahil sa pagbabangayan naming dalawa.
"Kung gusto mo ikaw na lang ang magpakasal sa babaeng yun! Tignan lang natin kung kakayanin mo kapag ikaw naman ang iniwan niya. Wala na rin akong paki-alam sa kanya. Kahit lumuha pa siya ng dugo sa harapan ko hindi ko siya mapapatawad!"
"Gag* ka!"
Isang malakas na suntok ang tumama sa aking pisngi. Pinahid ko ang dugo sa gilid ng aking labi sabay harang nila Bernard, Inigo at Xandro.
"Tama na yan! Hindi ko kayo pinapunta dito para mag-away!" Singhal ni Bernard.
"Tandaan mo 'to Rafael! You don't deserve to know the truth and you don't deserve her either!"
"I don't care about that damn truth, Fernan! She leave me with no regrets! At sinabi niya yun sa pagmumukha ko. What do you want me to do? Crawl and beg for her?! Hell no! I'd rather to be with Angela kaysa sa walang kwentang babaeng yun!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo! Wala kang alam sa pinagdaanan niya!" Galit na sigaw ni Fernan.
"T-tama na Fern."
Napalingon kami sa pinangalingan ng boses.
"La-laine..." Sambit ni Fernan. Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang masagang luha sa kanyang pisngi. Sigurado akong narinig niya ang lahat ng sinabi ko. Nabaling ang tingin niya sa akin at nakatitigan kaming dalawa.
"Tama lang ang sinabi mo na wala akong kwentang babae. Don't worry ito na rin ang huli nating pagkikita." Paos na boses niya bago niya kami tinalikuran.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...