Angela's POV
Tinanaw ko ang pinto kung saan siya lumabas matapos niyang sabihin sa akin na magpapakasal na kami pagkatapos ng isang linggo. Hindi ako makapaniwala na yun ang maririnig ko mula sa kanya. Dahil iba ang inasahan ko sa nangyari, akala ko babalikan na niya si Lalaine. Pero bakit sasabihin niya sa akin na magpapakasal kami? Ganun ba talaga kalaki ang galit niya sa akin kaya niya ako pinahihirapan ng ganito? O baka naman hanggang ngayon ay naghihiganti parin siya kay Lalaine dahil sa pag-iwan nito sa kanya? Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko pero isa lang ang alam ko kung meron mang laman ang puso niya hindi ako yun.
Iniwan niya ako sa kwarto ng mag-isa. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Siguro para umiwas na rin na magtalo pa kaming dalawa. Alam naman kasi niyang ayoko ng manatili pa rito at mas gusto kong bumalik na sa bahay ampunan. Nagdesisyon ako na bukas na bukas rin pupuntahan ko sila Lola para kausapin siya ng masinsinan. Ayokong maging proyekto ni Rafael para saktan ang babaeng mahal niya. Hindi ako makakapayag na gamitin niya ako. Hindi!
Sa sobrang pagod ay iginupo na rin ako ng antok. Kinabukasan ay nagising na lamang ako nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Nabungaran ko agad ang nakangiting si Rafael.
"Good morning mahal, ipinagdala kita ng almusal pati na rin gamot. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong niya sa akin. Dahan-dahan akong umupo at lumayo ako sa kanya. Siniksik ko ang sarili sa headboard ng kama at kunot noo ko siyang tinignan.
"Hindi ako naniniwala sa masamang espirito. Pero dahil sa narinig ko mula sa'yo ngayon pa lang naniniwala na ako." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Narinig ko pa ang paghagikhik niya na ngayon ko lamang nakita.
"Ganon ba talaga ako kalupit sayo para sabihan mo ako ng ganyan? Simula ngayon mag-umpisa na tayong muli. Kalimutan na natin ang mga masamang nangyari Mahal." Nakangiting wika niya sa akin. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Pati na rin sa paraan ng pag tingin at ngiti niya sa akin. Hindi ako komportable sa lahat ng ipinapakita niya sa akin.
"Mahal? Tinawag mo akong mahal? Ano bang nakain mo kagabi at masyado naman atang maganda ang gising mo para kausapin mo ako na parang walang nangyari?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Akala niya siguro porke't galing ako sa bahay ampunan ay madali niyang mabibilog ang ulo ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Iiwas sana ako pero pinigilan niya ako. Kaya sobrang lapit na namin sa isa't-isa.
"Kung hindi ako umalis dito kagabi sigurado akong may makakain talaga ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko kaya sa guest room na lamang ako natulog. At saka masama bang maglambing sa fiancé ko?"
Hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya pero kinikilabutan talaga ako. Bakit ganun? Kakaiba ang ngiti na nakikita ko sa mga mata niya? Hinipan ba siya ng masamang hangin? O talagang magaling lang siyang magpanggap para makuha ang loob ko at magbago ang isip ko. No! Hindi! Angela gumising ka imposibleng wala siyang pakay sayo! May binabalak siya!
"Kay Lalaine ka maglambing Rafael, wag sa akin.Tigilan mo ang ginagawa mong ito dahil hindi ako komportable. Isipin ko pa lang kung paano kayo naghalikan kagabi at ang paghatid mo sa kanya pauwi ay naninindig na ang balahibo ko, tapos tatawagin mo akong mahal? Magpatingin ka na baka may sakit ka na sa pag-iisip." Seryosong saad ko binawi ko ang kamay ko at tumayo na ako sa kama pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla na naman niya akong hilahin. Kaya napa-upo ako sa kandungan niya. Inikot niya ang kanyang matipunong braso sa beywang ko. Nagulat ako nang maramdaman ang matigas na bagay na na-uupuan ko. Narinig ko din ang impit na ungol niya at ang pagsinghot niya sa akin.
"You just woke up the monster in me." Paos na bulong niya sa pagitan ng leeg ko. Kinilabutan ako at hindi pamilyar na kaba ang naramdaman ko. Na-realize ko kung ano ang matigas na bagay na yun kaya nanlaki ang mga mata ko. Kaagad akong tumayo at mabilis ko siyang sinampal.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomansaLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...