Ito ba yung sinasabi ni Rafael kanina?
Pagkatapos kong kausapin si Lola ay kaagad na akong bumalik sa kwarto. Gusto ko pa sanang ipagpilitan sa kanya na uuwi na lamang ako sa ampunan pero alam kong masama parin ang lagay niya. Hindi naman kaya ng konsensiya ko kung lumala pa siya dahil sa akin dahil napamahal na rin ako sa kanya.
Pagkarating ko sa kwarto bumungad sa akin ang mukha ni Rafael. Sa tingin ko ay katatapos lang nitong maligo dahil basa pa ang katawan nito habang suot ang puting tuwalya na nakatali lang sa beywang nito.
Natigilan pa ako nang makita ko ang kabuohan niya dahil napakaganda din ng katawan niya. At ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng katawan. Wala man lang akong nakikitang taba kahit saan kundi puro muscles. Inaamin kung nakadagdag din yun sa appeal niya bukod sa gwapo niyang mukha pero nagtatago doon ang masamang ugali niya. Tama nga sila hindi lahat ng may perpektong anyo ay maganda ang pag-uugali.
"Rafael, pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong saad ko nang maisara ko na ang pinto.
"Bakit?" Kunot noong tinapunan niya ako ng tingin.
"Please, ilipat mo ako ng ibang kwarto habang hindi ko pa nakukumbinsi si Lola. Ayokong nakikita kita dito kaya ako na lang ang lilipat." Saad ko.
Tumingin siya sa akin at malalim na naman siyang nakatitig kaya kinabahan na naman ako.
"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Lola na pumayag na akong magpakasal tayong dalawa?" Sagot niya na ikinagulat ko. Kahapon lang pinagtatabuyan niya ako tapos ngayon sasabihin niyang payag na siya sa gusto ni Lola Cynthia na ikasal kami?
"Rafael, kung tungkol ito sa pagbabanta mo sa akin ay huwag mo ng ituloy. Alam kong ayaw mo sa akin at ganun din naman ako sa'yo kaya susubukan ko pa din na kausapin si Lola Cynthia." Wika ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng pinto para hindi ko makikita ang pagbibihis niya nang bigla niya akong hawakan.
Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan pababa sa kanyang pagkalalaki na ngayon ay wala ng tabing.
"Anong ginagawa mo!" Inis na singhal ko sa mukha niya. Pakiramdam ko ay nag-init ng tuluyan ang aking mukha dahil sa nakita ko. Bumilis din ang tibok ng aking puso sa di ko malaman na dahilan ng maramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin.
"At sino ang gusto mo? Yung katawagan mong lalaki? I already told you baby. Hindi ako papayag na basta ka na lang umalis dito!"
"Bitawan mo ko!" Sighal ko sa kanya. Pero lalo niyang hinigpitan ang hawak ng kamay ko. Iniwasan kong mapunta ang mga mata ko sa baba niya dahil nararamdam ko na yun sa manipis na suot kong pajama.
"Ibibigay mo rin naman ang sarili mo sa akin, bakit hindi pa ngayon? Baka sakaling magbago ang isip mo at ma-realize mong mas magaling ako kaysa sa lalaking yun."
Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko hindi lang sa batok nang kabigin niya pa ako palapit sa kanya. Sa uri ng tingin niya sa akin pakiramdam ko ay inaakit niya ako. Kakaibang pakiramdam ang unti-unting bumalot sa aking katawan. Ngunit pilit kong pinaglalabanan, pinigilan ko ang sarili kahit kahibla na lang ang layo ng mukha at katawan namin.
"Kung sa ugali lang ang pagbabasehan ko. Walang-wala ka kahit katiting sa kalingkingan Mathew." Matapang na sabi ko sa kanya.
Nalusaw ang pang-aakit na titig niya at napalitan yun ng galit.
Galit na naghahatid sa akin ng matinding takot ng mabilis niya akong kabigin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang niya akong halikan.
"R-fa-el!" Pilit ko siyang nilalayo pero kayang-kaya niya akong ikulong sa matigas niyang braso.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...