Chapter 3

524 16 0
                                    


Rafael POV

Katatapos lang ng meeting ko with the investors nang bumalik ako sa office. Mas ginugol ko kasi ang oras ko sa pagtatrabaho kaysa kausapin si Lola. Sinabi niya sa akin na kailangan ko ng magpakasal. Nahanap na raw niya ang babae para sa akin at sa ayaw at sa gusto ko ay iuuwi daw niya 'yon sa mansyon. Tumutol ako sa gusto niyang mangyari. Wala pa sa isip ko ang magpakasal at kung meron man si Lalaine ang gusto kong makasama habang buhay. She was my first love. We've been together for almost five years. I was happy being with her. She's is not just a girlfriend material but also a wife material. She's perfect for me.

Pero isang araw, bigla na lamang siyang nagbago. Nawala na ang kinang na nakikita ko sa kanyang mga mata. Then she break-up with me without any reason. Hindi ako pumayag, how can you break-up with someone just like that? I'll fight for her because I love her very much. I'll proposed to her that day she wanted to leave me. But she rejected my proposal and leave me without saying goodbye.

I was lost, scared and depressed. But I saw grandma staring at me, she's crying with pain. Siya na lang ang meron ako. I almost forgot I have my own life to live.

Then I forced myself to move-on. Ginagawa ko ang lahat ng bagay para makalimutan ko siya. Alak, kaliwa't kanang babae ang bumuhay sa akin. Tinulungan din ako ni Grandma maibangon ang sarili ko. And now I want to start my life again. Pero hindi sa babaeng gusto ni Grandma para sa akin. Hindi ko siya kilala and I want to choose my own happiness.

Nasa tapat na ako ng opisina when my secretary approach me.

"Sir. Rafael. Sorry po, pinapasok ko po sa office niyo si Miss. Enriquez." She said.

Kaagad akong pumasok sa opisina umaasang hindi siya ang tinutukoy ni Sandra. Pero natigilan ako nang bumungad sa akin ang babaeng naging dahilan ng pagkadurog ko. Nasa harapan ko ang babaeng nang-iwan sa akin sa loob ng dalawang taon.

"Lalaine?"

"Rafael!"

Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. God knows how much I missed her. But why? Kung yakapin niya ako parang hindi niya ako iniwan noon? Parang wala lang sa kanya ang relasyon namin. Parang hindi niya ako tinapon na parang basura.

"Rafael, I missed you so much!" Umiiyak na wika niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Why? Why you're here?" Malamig na tugon ko sa kanya. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Hindi ka ba masaya nakita mo ako ulit? Galit ka pa rin ba sa akin?" Sambit niya sa pagitan ng pag-iyak niya.

"What do you expect me to do? Welcome you and treating you like there's nothing happen between us?"

"Rafael, I'm sorry."

"Sorry? That's all? Alam mo ba ang pinagdaanan ko nang iwan mo ako? Tapos babalik ka kung kailan handa na akong mag-umpisang muli?" Sumbat ko sa kanya. Pinahid ko ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mata. Ayokong makita niya kung gaano ako ka miserable noong iwan niya ako. Ayokong isipin niyang hangang ngayon ay mahal ko pa rin siya pero yun ang totoo. I still loved her!

"Rafael, I know mahal mo pa rin ako. Please give me a chance to expla—"

"No! Lalaine! Kahit ano pa ang rason na ibigay mo sa akin. Hinding-hindi kita mapapatawad!"

Tuluyan na akong lumabas sa opisina punong-puno ng hinanakit ang puso ko nang dahil sa kanya. Kaya hindi ko siya kayang patawarin. Kahit ano pang rason ang ibigay niya nangyari na ang lahat. Nasaktan na niya ako. I almost lost my life because of her!

Kaagad kong tinungo ang bar na lagi kong pinupuntahan. Umaasang mabawasan ang sakit na pilit bumabalik sa akin noong. Paano niya naatim na magpakita sa akin ng ganun na lang! Na parang walang nangyari.? I know I still loved her pero mas nangibabaw ang sakit!

Sunod-sunod kong tinunga ang alak sa aking harapan. Ngunit kahit anong inom ko hindi ko maramdaman ang pagkamanhid. Gusto kong ilabas lahat ng galit sa puso! Gusto kong sigawan siya at saktan siya baka sakaling malaman niya kung gaano niya ako pinaasa araw-araw noon. Umaasang pagising ko ay makikita ko siya muli at makakasama pero lumipas ang dalawang taon hindi na siya bumalik. Pero ngayon? Kung kailan gusto ko ng tapusin ang kahibangan ko sa kanya at magsimulang muli babalik siya?

"Sh*t! Damn!"

Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niyang pag-iwan sa akin!

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kalasingan. Mabuti na lang at may kasama akong driver na maghahatid sa akin pauwi. Kaya ko pang lumakad paakyat ngunit umiikot na ang aking paningin. Ilang beses na akong umuuwing ganito kaya kabisado ko na ang lahat ng dadaanan ko papunta sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng kwarto ay kaagad kong inilapat ang aking katawan sa malambot na kama. Hangang sa may naramdaman akong kakaiba. Pinilit kong idilat ang aking mata nang gumalaw ang unan na yakap ko.

"Ahhhhh!" Malakas na sigaw niya na nagpabalikwas sa akin sa kama.

"What the hell?! Who are you?!" Sigaw ko sa kanya. Mabilis na rin siyang tumayo at iniyakap niya ang puting kumot sa kanyang katawan.

"Sino ka! Bakit narito ka sa kwarto ko!" Galit na sigaw niya sa akin. Pakiramdam ko ay nahimasmasan ako dahil sa mga nangyari.

"Kwarto mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Kaagad kong binuksan ang lahat ng ilaw at tumambad sa akin ang kabuohan niya. Nakaterno pajama siya at mukha naman siyang hindi magnanakaw.

"Kwarto ko to! Bakit ka nandito?!"

"Kwarto mo toh? Sabi sa akin ni Lola Cynthia ito na daw ang magiging kwarto ko." Wika niya na halatang natatakot na. Dahil siguro sa pagsigaw ko sa kanya.

"Bakit mo tinatawag na Lola si Grandma?"

Sh*t! Hindi kaya siya ang sinasabi ni Lola? My fiancé?

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon