Chapter 20

1.3K 28 2
                                    

Final Chapter


Angela's POV

Pagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang narin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.

Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.

Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.

Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.

Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakalungkot, nandito ako sa eroplano patungo sa kabilang dulo ng mundo pero naiwan ko na naman ang puso ko. Gustuhin ko man siyang isama sa pag-alis ko. Hindi ko alam kung paano. Napakagat ako sa ibabang labi dahil parang gusto kong maiyak dahil kay Rafael.

Namimiss ko na siya pero wala man lang akong magawa dahil ako ang kusang bumitaw. Ako ang kusang umalis. Mahirap tangapin ang katotohanan na hangang dito na lamang kami. I'm now his Ex-wife and I can't do nothing but to cry. Nasasaktan pa rin ako. Ang sakit-sakit pa rin ng puso ko.

Nabasa ng luha ang mask ko, dahil sa walang tigil na paglabas ng luha ko. Gusto kong humikbi kaya lang baka marinig ako ng stewardess at akalain niyang may crying ghost sa loob ng eroplano. Pero hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili. Para na akong tanga. Habang pilit na pinipigilan na hindi lumakas ang impit na pag-iyak ko.

Hangang sa may maramdaman ako mainit na dumampi sa aking labi. Napabalikwas ako ng bangon at kaagad tinangal ang mask ko.

"Anneong!" Nakangiti niyang bati sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa harapan ko. Nananaginip ba ako? Nag-hahalucinate na ba ako?

"Kung alam ko lang na iiyak ka ng ganyan hindi ko na sana pinirmahan ang annulment paper natin." Wika niya.

Shit! Hindi ako nanaginip!

"Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok dito?!"

Tumayo ako at lumiban sa kabilang upuan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko nga siya at nakangiting humahakbang papalapit sa akin.

"Anong ginagawa ko dito? Syempre, sasamahan ko ang ex-wife ko. At yung tanong mo kung paano ako nakapasok dito. Kung saan ka dumaan para makapasok, doon din ako dumaan. Hindi naman pwedeng lumipad ako or nag-teleport papunta dito dahil hindi naman ako si San gokou." Natatawang paliwanag niya sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya ngunit hindi ako natutuwa.

"Rafael kung nagpapatawa ka ay hindi ako natatawa sa'yo. Hindi ko alam kung bakit ka narito. At kung ano man ang sinasabi mo. Pero malinaw naman sayo ang nakasulat sa Annulment papers diba?"

"Hindi ko alam. Hindi ko naman binasa yun. Basta ko na lang pinirmahan dahil sabi mo patatawarin mo ako kung pipirmahan ko yun." Wika niya sa akin. Humakbang siyang muli kaya umatras ulit ako.

"Mas importante pa sa'yo na mapatawad kita kaysa sa kasal natin? Huh! Sabagay bakit naman hindi? Siguro hindi kinaya ng konsensya mo na nasaktan mo ako kaya mas ginusto mong pirmahan ang annulment papers natin. Para malaya na rin kayo ni Madelaine tama ba ako?" Nang-uuyam kong tanong ko sa kanya.

The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon