Angela's POV
Nagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin. Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin. Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero. Pero parang hindi niya ako nakikita. Ginugul niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya.
Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Rafael. Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin.
Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya ng uwi. Pero wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya. Kausapin man lang siya. Nahihirapan na ako, sa trato niya saa kin.
Kaagad akong tumayo sa kama nang marinig ko ang pagdating ng kotse sa baba. Tumungo ako sa veranda upang silipin kung si Rafael na nga yun dahil kanina pa naman nakauwi si Lola at sabay kaming naghapunan.
Kagaya nga ng inaasahan ko bumaba si Rafael sa sasakyan. Ngunit ibang sasakyan ang naroroon at hindi ang madalas niyang ginagamit kapag pumapasok siya sa kompanya.
Nakita ko ang paglabas ng maputing legs sa driver seat ng sasakyan. Hinantay kong makalabas ng tuluyan ang driver na naghatid sa kanya ngunit ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil nakita ko si Madelaine. Kakaagad niyang nilapitan si Rafael at tinulungan niya itong maglakad.
Kahit nakapantulog na ako ay kaagad akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan upang puntahan siya.
"Rafael!"
Napatingin silang dalawa sa akin. Ngunit nagiwas din ng tingin si Rafael at nanatiling naka-akbay sa kay Madelaine. Parang sinasaksak ang puso ko dahila ng isang kamay ni Rafael ay nakapaikot sa bewang niya at ang isa naman na naka-akbay at nakahawak sa kamay ni Madelaine.
"Ako na mag-aakyat sa kanya." Wika ko kay Madelaine. Sabay kuha sa braso niya. Ngunit tinapik niya ang kamay ko.
"No! Sino may sa-bi sayong pwede mo akong ha-wakan!" Lasing na sigaw niya sa akin.
Nakita ko ang pagngisi ni Madelaine. Kaya lalo akong nanliit sa aking sarili. Kinakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak. Hindi pwedeng makita ako ni Madelaine na ganito dahil paniguradong lalo lang niya akong mamaliitin.
Hinayaan ko siyang i-akyat si Rafael. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa.
"Ang bigat mo Rafael!" Natatawang wika ni Madelaine. Ramdam ko ang hingal niya dahil talagang hirap si Rafael sa paglakad. Tumigil sila sa paghakbang. Akala ko ay lilingunin niya ako ngunit dumako ang labi niya sa leeg ni Madelaine na ikinasinghap ko.
"Ano ba! Nakikiliti ako!"
Hindi ko mapigilan na ikuyom ang aking kamao. Para akong itinulos sa sahig dahil hindi ko na kaya pang humakbang.
"Doon pa rin ba sa dati ang kwarto mo?" Tanong niya. Tanging ungol lang ang sinabi ni Rafael sa kanya. Ngunit pagkatapat nila sa pinto ay tumigil ulit sila sa paghakbang.
"Ayo-kong ma-tulog diyan. Dalhin mo ako sa guest-room." Wika niya sa seryosong boses.
"Rafael." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon.
Dumerecho sila sa kasunod na pinto. At doon sila pumasok. Hindi ko alam kung susundan ko ba sila o papasok na lamang ako sa kwarto. Naninikip ang dibdib ko hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bahala ng magalit siya pero hindi ko hahayaan na magtagal ang babaeng yun sa kwarto na yun.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's EX-WIFE (COMPLETED)
RomanceLumaki si Angela sa Eden home Orphanage matapos siyang ewan ng kanyang mga magulang sa harapan ng pinto ng bahay ampunan noong sangol palamang siya. Nakilala niya si Mrs. Cynthia Valdez ang matandang billionarya. At ito na rin ang naging sponsor ni...