Prologue

318 5 0
                                    

Prologue

"Congratulations Mr. and Mrs. Arnault!" Tatiana greeted them.

Napakasaya ng buong paligid dahil sa pag-iisang dibdib nila ng kanyang kasintahan na ngayon ay kanya ng asawa na si Cedric Arnault. It was a whirlwind romance and she didn't expect that it will turned out to be this way, that she will be happy with him.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang isang gwapong bilyonaryong si Cedric Arnault ay mapapaibig ng isang hamak na interior designer lamang. Maraming kababaihan ang naiingit sa kanya at baka isinusumpa na siya ngayon dahil siya ang pinakasalan, minahal nito. It was a fairy tale. She wasn't a damsel in distress but he was indeed a prince charming every woman dreamt of.

Speaking of her prince charming, nakataas ang sulok ng mga labi nito habang sinasalubong ang pagbati ng mga nakidalo sa kanilang kasal. Her husband doesn't smile often. Tipid na tipid ang ngiti nito at kung hindi pa niya sinasabi na ngumiti ito ay aakalain mong hindi nito gustong pakasalan siya dahil sa napakapormal na mukha nito. But she knew better. This man beside her was a softy especially towards her.

"Thank you, Bess," wika niya sa kaibigan at niyakap ito.

"Oh siya maiwan ko na muna kayong dalawa dahil marami pa ang nakapila para batiin kayo. Pero, Cedric tandaan mo kapag ikaw sinaktan mo itong kaibigan ko ay humanda ka na. Hindi porket mayaman ka ay basta ka na lang pagbibigyan," banta pa ni Tatiana sa kanyang asawa.

"No worries. I won't hurt her. Takot ko lang," sagot naman ng kanyang asawa sa kaibigan na ikinangiti niya nang malapad.

"Oh siya babush! Mag-usap na lang tayo mamaya bago kayo umalis," paalam ni Tatiana sa kanila.

Matapos umalis ang kaibigan ay hindi na natigil ang pagdatingan ng mga bisita sa harapan nila upang batiin sila. Mabuti na lamang at nakaupo siya dahil kung hindi ay baka kanina pa nangalay ang kanyang mga paa. Hindi naman kasi niya maintindihan kung bakit napakarami ng bisita nila, ng mga inimbita ng kanyang asawa. Hindi naman sa nagrereklamo siya pero nakakapagod. At hindi talaga siya makapagreklamo dahil ni pisong duling ay wala siyang ginastos sa kasalang ito. Cedric took everything at ano raw ang silbi ng yaman nito kung pati siya ay gagastos eh kaya naman.

See? That's how loving and caring Cedric to her. Pero hindi naman ibig sabihin noon na wala siyang panggastos. May pera rin naman siya dahil sa business niya. She was self-earning at marami na rin siyang ipon. Wala rin naman siyang binubuhay kundi ang kanyang sarili lamang.

May pamilya siya but her parent's had passed away years ago. Her mother died when she gave birth to her while her father passed away because of an incident. Tanging kamag-anak ng nanay at tatay na lamang niya ang natitira ngunit hindi rin naman sila masyadong close maliban sa lolo at lola niya.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Cedric nang wala nang lumapit sa kanila.

"Yeah, I'm good. Medyo pagod lang," sagot niya rito.

Kinuha nito ang kanyang kamay at dinala sa labi nito pagkatapos ay binigyan ng mabining halik.

"I am so lucky to have you as my wife. I love you, Mrs. Arnault," madamdaming wika nito sa kanya.

"And I love you too, Mr. Arnault," sagot niya rito na nakangiti.

The reception of the wedding was spectacular. Sa hotel na pagmamay-ari ni Cedric naganap ang reception ng kasal nila. Wala siyang masabi at kudos sa mga organizer nito. Talagang ginastusan ito ng kanyang asawa. Masayang-masaya siya sa araw na ito.

"Hija, anong oras ang alis ninyo ni Cedric?" tanong ng kanyang mother-in-law.

Her mother-in-law was the best. Mabait ito sa kanya at magiliw maging ang nag-iisang kapatid ni Cedric na babae ay kasundo rin niya. Tuwang-tuwa nga ang mga ito noong ipinakilala siya ng asawa. His family was wonderful.

Loathing the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon