Chapter 25

41 3 0
                                    

25

Kahit nanginginig ang katawan dahil sa galit, sa pagod, ay pinilit ni Kaithlyn ang sarili na lisanin ang kwartong iyon. She didn't change or took anything not even her wallet or cellphone. Nakaroba pa siyang umalis at ni walang saplot sa katawan at nakatsinelas lamang.

She looked at her fluffy slippers while waiting for the taxi she hailed. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay ibinigay niya ang address ni Tatiana. Useless kung ang address ng kaniyang apartment ang tutunguhin niya dahil hindi naman niya dala ang susi nito.

Isinandal niya ang ulo sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata habang pilit kinakalma ang sarili. Ilang sandali na lamang kasi ay bibigay na siya at ayaw niyang mangyari iyon lalo na at panay sulyap sa kaniya ng taxi driver sa salamin. Nakakunot ang noo nito at malapit-lapit nang magtanong sa kaniya base sa pagbukas-sara ng bibig nito.

Nang pasadahan niya ang kaniyang itsura sa salamin ay nakita niya ang ayos ng buhok na animo'y pugad na ng mga ibon. Namumula rin ang kaniyang mga mata. She also has swollen lips because of what they did.

Nang maalala ang asawa ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang maalala ang asawa dahil parang punyal sa kaniyang dibdib ang bawat katagang binitawan nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala ngunit papaanong hindi siya maniniwala gayong sa mismong bibig pa nito lumabas ang mga iyon. He said it and he doesn't have any regret. Wala itong pagsisisi.

Napakasakit lang isipin na sa buong panahon ng pagsasama nila, lahat pala ay hindi totoo. Siguro nga ay plinano lahat ni Cedric ang mga ito. Even making her fall in love with him, maybe it was all planned. Pero ang tanong bakit? Bakit nito iyon ginawa? Bakit nito iyon ginawa sa kaniya? Was he regretting it? Kinakain na ba ito ng konsensiya niya? No! Iyon ang totoo. And he was hurt a thousand times. Sobrang kirot ng kaniyang dibdib.

"Miss, okay ka lang? Gusto mong ihatid kita sa police station?" pukaw ng driver sa kaniya.

Doon siya nahimasmasan at matamang tiningnan ang driver. Doon niya napansin ang mga luhang naglandas sa kaniyang pisngi. Mapait siyang napangiti.

"Nag-away lang ho kami ng asawa ko, Manong! Kakakasal lamang namin kahapon pero nalaman ko ngayon lang na niloloko lang pala niya ako."

Biglang lumambot ang mukha ng driver. "Aba'y walang kwenta pala iyang napangasawa mo," komento nito na ikinataas ng sulok ng kaniyang mga labi. "Aba ako kahit mahirap ang buhay namin ng aking asawa ay hindi ko kailanman naisip magloko. Pero tinanong mo ba kung bakit niya iyon ginawa?"

Muli siyang napangiti sa tanong ng driver sa kaniya. Natanong ba niya? Hindi niya maalala dahil naging sarado ang kaniyang utak sa narinig. She was irrational at that moment. Masisisi ba siya kung ganoon ang naramdaman niya? Her husband killed her father. What else can she think at that moment? At kung nagtanong man siya, magiging masaya ba siya sa sagot nito?

"Hindi na ho kailangang itanong iyon, Manong."

Naging tahimik na ang kaniyang byahe matapos ang pag-uusap nila ng driver hanggang sa makarating na siya sa apartment ng kaibigan. Ipinapanalangin na lamang niya na wala itong kasama roon dahil hindi na niya alam kung saan siya pupunta kung sakaling meron man.

Nanginginig ang mga kamay na pinindot niya ang doorbell. Nakatatlong ulit na siya ngunit hindi pa rin binubuksan ng kaibigan ang pinto. Sa kawalan ng pag-asang pagbubuksan siya ng kaibigan ay nanghihinang napaupo siya sa sahig. Isinandal niya ang ulo sa pader at pumikit. She doesn't know what to do anymore. Wala rin ang kaibigan sa apartment nito.

Iniyukyok niya ang ulo sa tapat ng kaniyang tuhod habang tahimik na namamalisbis ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kagat-labi siya habang umiiyak upang hindi mabulabog ang mga naroroon at baka pagkamalan pa siyang multo dahil dis-oras na ng gabi. Halos malasahan na nga niya ang metal sa kaniyang bibig ngunit hindi niya iyon alintana. Wala na nga siyang maramdaman kundi sakit na lamang.

"Kaithlyn? Oh my gosh, Kaithlyn? Anong nangyayari sa iyo?" It was her bestfriend rushing towards her.

Mahigpit ang yakap na ibinigay niya nang makita ang kaibigan na mukhang may inom pa yata ngayon.

"What happened? Why...why are you here?" muli nitong tanong sa kaniya ngunit hikbi lamang ang naging sagot niya.

Tatiana rushed to open her apartment at nang maisara nito ang pinto ay doon na niya ibinuhos ang balde-baldeng luha kasabay nang pagkwento sa kaibigan sa natuklasan patungkol kay Cedric.

Labis-labis ang pagdadalamhati ng puso niya dahil doon. Akalain mo ba naman na ang lalaking mahal niya na ngayon ay asawa na niya ang dahilan kung bakit nawala ang kaisa-isang pamilya niya. Her father whom she loved so dear, his life was taken by her husband. Pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Bakit ba kailangang ganito ang sitwasyon niya? Palagi na lamang siyang nasasaktan.

Sinuntok-suntok niya ang dibdib dahil sa sibrang sakit na nararamdaman. Hindi mahinto ang mga hikbi niya. Mas lalo pa yatang lumalakas iyon.

"B-bakit ganoon?" tanong niya sa kaibigan habang panay ang buhos ng mga luha. Panay ang pahid niya sa mga iyon at hindi na humihinto pa.

Sa kabilang dako ay awang-awa si Tatiana sa kaibigan. Napakalupit naman ng tadhana at sa mismong araw ng kasal pa nito nangyari ang bagay na ito. Correction after the wedding, on the honeymoon nga pala. But then wala pang bente-kuwarto oras na kasal ang mga ito. Ilang oras pa lang kung tutuusin iyon at ngayon ay nasa harapan na niya ang kaibigan na halos gunaw na gunaw ang mundo.

Itinaas-baba niya ang kamay sa likod nito upang kumalma ito ngunit parang wala itong epekto dahil mas lalo pang lumalakas ang hikbi at pag-iyak nito. Gusto niyang bugbugin si Cedric ngunit mas kailangan siya ngayon ng kaniyang kaibigan. Siya na lamang ang karamay nito at sobrang naiintindihan niya kung bakit ganito na lamang ang reaksiyon nito, ang sakit na nararamdaman nito.

Kaithlyn lost her mother upon birth kaya ang ama na lamang nito ang nakagisnan sa paglaki. Her father loved her so much na halos lahat ng kailangan ng kaibigan, luho at gusto nitong ibigay. Kung spoiled brat lamang ang kaibigan ay paniguradong hindi ito mahihirapan but her friend learned to value simple things kaya naman walang naging problema ang ama nito. Mas nakikipag-argumento pa nga ito dahil panay ang tanggi sa ama.

Her father was her everything and vice versa. They couldn't live a day without each other. Halos anino na nga siya ng ama. A typical daddy's girl kaya nang mamamatay ito- binaril sa kotse nito sa mismong tapat ng bahay ng kaibigan- ay literal na gumuho ang mundo ng kaibigan. She was eighteen at that time.

Ni walang hustisyang naibigay rito dahil ni walang tumestigo, walang nakakita kahit na ang mismong bumaril ay ni walang identity. Kaya naman grabe ang sakit na nararamdaman nito nang malaman na asawa pala nito ang may pakana noon. Ibayong sakit iyon na maging siya ay hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata. Masakit na ang dibdib niya, paano pa kaya ito? Triple ang sakit niyon.

Hinayaan lamang niya ang kaibigan na ibuhos ang sakit na nararamdaman nito. Kilala niya ito. Pagkatapos nito, she will find something to use to cope up with this. Hahayaan na lamang niyang ibuhos nito ang lahat ng hinanakit. Nandito lang siya upang damayan ito. They only have each other and she won't let her down. Hanggang sa tumahan na ito ngunit panay pa rin ang hikbi.

"Kaith?"

"B-book me a f-flight please. I-ikaw na muna ang bahala...take care of the projects," wika nito sa kaniya sa pagitan ng mga hikbi.

"Where are you going this time?"

"I-I don't k-know. I-I just w-want to get a-away. P-please!"

Loathing the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon