17
"He's my brother. Half brother."
Bigla siyang nabilaukan sa narinig na sinabi nito sa kaniya dahilan para mapaubo siya nang malakas at sunod-sunod. Hindi matigil ang pag-ubo na pinagtitinginan na siya ng lahat. Dali-dali naman itong kumuha ng tubig at iniaabot sa kaniya na mabilis niyang ininom. Humingi pa siya ng isa dahil parang may bikig pa rin sa lalamunan niya. Nabusog na tuloy siya nang wala sa oras.
Matapos mapakalma ang sarili ay naniningkit ang mga matang tumingin siya kay Billy na ngayon ay nakangisi na habang may peace sign ang magkabilang kamay.
"Seriously?" tanong niya. "Huwag mo akong niloloko dahil babalian kita ng buto at lulunurin talaga kita!"
Natawa naman ito sa pagbabanta niya ngunit bigla rin itong sumeryoso. Inabot nito ang plato niya at muling ibinalik sa kaniya na tinanggap naman agad niya.
"It's true. On my part, I am the older brother and the illegitimate one," turan nito sa kaniya ngunit wala namang bahid ng panghihinayang o sakit ang boses nito. Pinaningkit pa niya ang mga mata upang iparating dito na hindi siya naniniwala. "It's true. You know the typical employee-employer relationship. Ganoon iyon. I was just lucky that Cedric's mother was kind and couldn't stand to leave me so there I grew up with them."
Halata sa boses nito ang tuwa habang nagkukwento sa pangyayaring iyon. There was no bitterness on his voice and she was relieved. Masaya siya na magkasundo ang dalawa. Pero teka? Magkasundo nga ba talaga ang dalawa?
To answer her own query ay bigla na lamang bumungad ang pinag-uusapan nila kasama ang sekretaryo nito. Mukhang kagagaling lamang ng dalawa sa trabaho dahil nakapang-opisina pa rin ang dalawa. Suot pa rin ng mga ito ang damit nang puntahan siya.
Sinundan lamang niya ng tingin ang paglapit ng mga ito sa kinaroroonan nila. Ang mga kasamahan naman nila ay hindi rin makapaniwala sa nakikitang bagong dating na bisita. Who wouldn't be surprised to see Phoenix? Sa part niya ay yes, nakakagulat nga naman iyon pero sa part ni Billy? Mukhang hindi na iyon bago sa kanila.
"I thought you would miss the fun, brother!" bungad ni Billy sa bagong dating na tinapunan lamang ng tingin ng huli.
At dahil doon ay walang sabing inakbayan siya ni Billy bilang pang-aasar dito.
"Get your hand off her," matigas na wika nito. Madilim na ang mukha nitong nakatingin sa kapatid.
Siya naman ay iniikot ang libreng kamay sa likuran ng binata na mas lalong nagpadilim ng mukha ni Cedric. Tinaasan niya ito ng kilay telling him to stop what he was acting. Na-gets naman nito iyon dahil napabuntong-hininga ito.
He was about to talk to Cassius ngunit wala na ito sa tabi nito bagkus ay nasa harapan na ng pagkain at may hawak na plato kasama si Tatiana na enjoy na enjoy sa pag-e-entertain dito.
"Asikasuhin mo na dahil baka tarakan na ako ng kutsilyo sa dibdib," wika ni Billy sa kaniya bago siya nilayuan at tinungo ang videoke machine.
"Gusto mong kumain?" tanong niya kay Cedric nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. Inukopa nito ang pwesto ni Billy sa tabi niya.
"Kanina pa ba kayo?" tanong nito sa kaniya.
"Not that long. C'mon, I'll get you food and eat," wika niya.
"Huwag na. I'll just share with you," wika nito bago kinuha ang kutsara sa plato niya at sumandok ng pagkain.
"Stay here. Kukuha lang ako ng pagkain natin," wika niya at iniwan ito.
Nang makaalis siya ay bumalik si Billy sa tabi nito at nag-usap ang mga ito. Panay lamang ang iling ni Cedric habang nakangisi naman si Billy the whole time. Then they both look at her. Too bad she was looking at them too kaya naman itinaas niya ang kaniyang isang kilay. Billy tapped Cedric's shoulder before moving away from him dahil pabalik na siya.
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...