Chapter 10

41 2 0
                                    

10

Warning! Mature content. Read at your own risk!

"Whereto?" malakas na tanong ni Cedric sa dalagang nasa likuran niya. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa dibdib nito na direktang nakadikit sa kaniyang likuran. Pilit niyang iwinawaglit sa isipan ang sensasyong nararamdaman dahil doon. He shouldn't be distracted pero ang hirap iwaglit sa isipan niya lalo na at sobrang lapit nito sa kaniya.

It was a good move to use his motorbike dahil nakuha talaga niya ang atensiyon ng dalaga ngunit it was a bad move also dahil nahihirapan siya sa posisyon nilang dalawa. Balewala ang mga kasuotan nila dahil ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito lalo na at exposed na exposed ang balikat nito dahil sa klase ng damit na suot nito.

She was hot by the way. Nang makita niya ito ay hindi niya mapigilan ang humanga. Simple yet eye catching. Litaw na litaw ang puno ng dibdib nito hanggang sa balikat at idagdag pa ang makinis nitong leeg na kay sarap paglandasin ang kaniyang dila. That's how wild his imagination towards her. Even how she chew her food, nakakabaliw kaya naman halos hindi na niya nagalaw ang pagkain dahil ibang pagkain ang nasa utak niya, ang dalaga.

"Demon's! Do you know that?" balik-tanong nito sa kaniya.

He knew Demon's. Bar iyon ng kaibigan niyang si Loui Salvatore. Mayroon itong tatlong branches maliban pa sa restaurant nitong Loui's. Sikat ang naturang bar dahil sa good service nito aside from the quality drinks they offer. Aside from that, strict iyon so walang monkey business doon. No smoke, no drugs, no minors, no illegal business whatsoever kaya naman kahit malasing ka roon ay safe ka pa rin.

"Which one?" Mmuli niyang tanong sa dalaga.

"South!"

Minaniobra niya ang motorsiklo patungo sa sinasabi nitong bar at habang nasa byahe ay ine-enjoy niya ang pagyakap sa kaniya ng dalaga hanggang sa marating na nila iyon.

"Thank you," saad ng dalaga nang makababa na ito mula sa motorsiklo. Iniabot nito ang helmet sa kaniya na kinuha naman niya.

"No problem. How about when you go home?"

"May kasama ako remember? Ingatan mo iyang motor mo," wika nito sa kaniya.

Damn! Motor na naman. Hindi ba pwedeng sabihin nitong mag-ingat siya at hindi ang motor niya? He was the one driving the bike. Nakakasakit naman yata ng ego iyon.

"Sure," sagot na lamang niya at tinanaw ang dalagang papasok ng bar.

He stayed there. Nagtatalo ang kaniyang isip kung susundan ba niya ang dalaga o aalis na lamang. But then he chose to stay and follow her inside.

Hindi pa siya nakakapasok nang matanaw niya ang dalagang palabas. Napakunot ang noo niya pagkatapos ay sinalubong ito.

"Going home?" tanong niya na ikinagulat pa nito.

"Oh, hi!" bulalas nito.

He can smell some alcohol on her. Sa ilang minutong iyon ay mukhang nakarami na ang dalaga.

"Going home?" ulit niya.

"Yeah. Wala na ang mga kasama ko. Mukhang napadpad na sa ibang bar," sagot nito sa kaniya at nilampasan siya.

Hinabol niya ito. "Ihahatid na kita."

"Ah! Ano kasi... paano ba... wala pa akong balak umuwi. Friday night ngayon and we should be celebrating, partying, you know," wika nito sa kaniya.

"We can stay here if you want," sagot niya rito.

"You're tired. At pagod na rin ako so I gotta go."

Loathing the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon