Chapter 34

44 3 0
                                    

34

"What the hell are you doing in here?" malakas na sigaw niya nang mabungaran si Cassius na nakaupo sa sala ng maliit na apartment na kaniyang pinagtataguan ngayon.

Isang buwan na siyang nagtatago mula sa kaniyang asawa at palipat na siya mula sa apartment ni Tatiana, sa rest house ni Billy at sa ilan pang mga kasamahan at kaibigan niya pero lahat ng iyon ay nahahanap siya ng asawa. Kaya naman ay naisip niyang mag-isa na lamang sa pagtatago at ito nga ang ginagawa niya. Every week she's changing places but she found it useless dahil heto nga at nahanap siya ni Cassius gayong kakalipat pa lamang niya ng dalawang araw.

"Looking for you of course," kaswal na sagot nito sa kaniya. "Hindi ka ba napapagod sa kakatago at kakalipat mo gayong lagi ka namang nahahanap?"

"I won't get tired of it. Go! Sabihin mo sa amo mo na huwag na akong hanapin because I still hate him," galit na wika niya rito.

"I thought you love him? Why bother hiding?"

"I love him that is why I am hurting this way! You, of all the people should know that. You're his accomplice afterall," sikmat niya rito.

Natawa ito sa kaniyang mga salita dahilan para madagdgaan ang kaniyang galit dito. Ano ang nakakatawa sa sinabi niya? She was hurting because of loving him and his lies. Akalain mo ang sakit na naramdaman niya nang matinig iyon sa mismong bibig nito, it was too painful. Too painful to bear that she chose to go away from him and vowed to forget her love for him.

"I have a proposal to make," anito sa kaniya and tapped the vacant space beside him.

Mataman niyang tiningnan ang mukha nitong seryoso at ang mata nito sa ilalim ng salamin nito. Ngayon lamang siya nagtaka kung may grado nga ba iyon o wala. It wasn't thick though so she wondered.

"It's my reading glasses," kaswal na wika nito sa kaniya. "Come, would you like to know?"

Napabuntong-hininga siya dahil sa sinabi nito at naupo sa tabi nito. She waited for him to talk but he was mustering his courage, she thinks, then he opened his mouth and talk.

"I'll let you hide from him... help you," wika nito sa kaniya.

Napaangat ang kaniyang tingin sa lalaking kausap dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung seryoso ba talaga ito o binibiro lamang siya. Isang patibong para sa amo nito kung sakaling kumagat siya. Nevertheless, hindi dapat siya magtiwala sa ino-offer nito. It was too good to be true in fact and when it's like that you know there's something wrong, something's fishy for that matter.

"You don't believe me, do you?" muli nitong tanong sa kaniya. It wasn't a question but a statement if you'll read it.

"How can I believe you when it's you who's offering something unbelievable? C'mon, Cassius hindi ako nakikipaglaro ng taguan sa inyo ni Cedric. I mean it when I wanted to hide."

"That's why I am offering you," wika nito sa kaniya. Seryoso ang mukha nito maging ang tinig nito. Ito iyong mukha niyang nagsasabing hindi ako nakikipagbiruan sa iyo o baka gusto mo nang mamatay at ibibigay ko iyon sa iyo. Iyon ang klase ng tingin nito ngayon kaya naman ay sumeryoso na rin siya. If this is a good deal then she'll accept the offer whole-heartedly.

"What's the catch?"

"I just want to check something," sagot nito sa kaniya.

Check something? Ano? Bakit parang mas malalim pa iyon sa inaakala niya? What's the hidden agenda?

"I want the truth, Cassius. Kung hindi mo masabi sa akin ang nasa kukute mo ay hindi ako papayag na makipag-deal sa iyo. Pwede kitang ilaglag kung gugustuhin ko," sagot niya rito.

"I want to prove something and in the end this might help you. Kung gusto mong makawala kay Cedric, it will help. If you want to stay, this will help you too. It's hitting two birds in one stone. So deal?"

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng time na makapag-isip?" tanong niya rito.

"Sa tingin mo may oras ka pa para mag-isip? I wouldn't be here and I wouldn't offer you something kung may time ka pa. Cedric's men were looking for you everywhere and it only takes a matter of time before they'll find you here."

Napabuga siya ng hangin at napakagat labi dahil sa sinabi ni Cassius. May punto naman ito. Wala pa ngang dalawang araw ay naririto na ito mismo pa sa loob ng kaniyang tinutuluyan.

"So?"

"Let me think."

"Time is ticking, Kaithlyn."

"Just stay quiet will you? Hindi ako makapag-isip nang maayos," sikmat niya rito.

Nanahimik naman ito ngunit halata ang pagkainip nito dahil panay ang tingin nito sa pambisig na relo nito. His knees were stamping up and down and it's making noise as his shoes stepped on the floor.

"We're running out of time, Kaithlyn," wika nito sa kaniya. And to emphasize it, someone knocked at the door and Cassius immediately stood up.

Siya naman ay abot ang kaba sa dibdib habang hinihintay si Cassius na buksan ang pinto at alamin kung sino ang nasa likod niyon.

Bahagyang binuksan ni Cassius ang pinto. Iyong sapat lamang para masilip kung sino ang naroroon. It was safe for her kaya bahagyang nabawasan ang kaba niya.

"Boss, nasa kanto na sila," wika ng tinig na nagmumula sa likod ng pinto.

Tumingin sa direksiyon niya si Cassius at nagtatanong ang mga tinging ipinukol nito sa kaniya. Hinihintay ang magiging sagot niya.

Kung tama ang narinig niya, mga tauhan ni Cedric ang sinasabi ng lalaki and they were close and she has no choice but to agree with Cassius. It's now or never. Do or die.

"I'll pack my things," wika niya kay Cassius na tumango naman bago muling nakipag-usap sa lalaking iyon.

Ilang saglit lamang ay lumabas na siya sa kwarto bitbit ang kaniyang mga gamit. Kinuha ni Cassius ang kaniyang maleta at iginiya siya palabas ng apartment na iyon papunta sa nakaabang na sasakyan sa di-kalayuan.

"Take this," wika ni Cassius sa kaniya at ibinigay ang isang cellphone. "I'll call you using that phone." Pagkatapos ay bumaling ito sa driver ng sasakyan at sinabi ang lugar kung saan siya dapat dalhin.

Simula nang araw na iyon ay nakasubaybay na si Cassius sa kaniya at ito na rin ang nagsasabi kung nahahanap na ni Cedric ang kinaroroonan niya. It was also Cassius who told her to hide in that village. Cassius was Ambo for them. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang koneksiyon ni Cassius sa mga tagabaryo but she was thankful that she took the deal. She agreed to his proposal.

Naging maayos at tahimik ang kaniyang buhay dahil dito. At sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi siya pinabayaan nito, ang kaniyang negosyo at ang kaniyang kaibigan. Isa lang ang hindi pa rin malinaw sa kaniya, iyon ang motibo nito sa pagtulong sa pagtatago sa kaniya tatlong taon na ang nakakaraan. At ngayon ay nadagdagan na naman, ang dahilan kung bakit hindi siya nito ininporma sa pagdating ni Cedric.

But then, kahit ano pa man iyon ay kailangan niyang tuparin ang kompromisong ibinigay niya, ang salita niya, ang hindi dapat malaman ni Cedric na ito ang tumutulong sa kaniya not until ito mismo ang kusang magsabi sa amo.

Kaya siguro hindi ito nagpakita o sumama dahil malalaman ni Cedric na ito ang nagtatago sa kaniya. Hindi man mismo sa kaniya manggaling iyon kundi sa mga tagabaryo na kilalang-kilala siya.

Sa ngayon ay hindi na muna niya poproblemahin iyon. It's his problem anyway. Ang problema niya ngayon ay kung papaano pakikibagayan si Cedric sa harap ng mga tagabaryo. And that drains her, big time!

Loathing the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon