9
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ng manager sa kaniya. Mali ba ang narinig niya? Minamaligno na yata siya.
"What did you say?" pag-uulit natanong niya rito.
"Ipinapasara po ni Mr. Arnault ang restaurant to accomodate you," wika nito sa kaniya pagkatapos ay nagpaalam na ito na babalik sa loob ng restaurant.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagsimula nang lumabas ang mga naroroon sa loob ng retaurant hanggang sa tuluyan na itong nagsara. Nagsara upang bumukas para sa kaniya. Taray! Sweet! Galante! Biglang sumakit ang ulo niya dahil doon but at the same time, she was impressed. Kung driver nito ang sumundo sa kaniya na ikinadismaya niya at bumawi naman ito sa pagpapasara sa restaurant para lamang makapasok siya. Hindi niya maiwasang matuwa at kiligin sa ginawa nito. Dagdag points dahil na alam niyang umandar na naman ang kayabangan nito. Aside from that, she was wondering kung magkano kaya ang katumbas nang ginawa nito? Makausap nga ang manager mamaya.
Then the manager came out and fetch her in the car. Pagpasok na pagpasok pa lamang nila sa loob ay pinagtinginan na siya ng mga empleyado roon with matching bulungan pa. Nailang siya but she didn't mind them instead, she talked to the manager.
"So magkano ang ibabayad ni Mr. Arnault?" usisa niya sa manager.
"Hindi ko pa ho nakakausap ang mismonf may-ari ng restaurant dahil si Mr. Arnault na raw ang kakausap rito. They will just inform me of how much the bill is later on," sagot sa kaniya ng manager.
Inihatid sa nito sa magiging table nila ni Cedric pagkatapos ay muli ring iniwan. Nang muli niyang sulyapan ito at may kausap na ito sa telepono at panay ang tango lang.
"So magkano ang ibabayad? Nakausap mo na ang boss mo, 'di ba?" muli niyang tanong rito.
Nag-alangan pa ito kung sasabihin ba sa kaniya ang napag-usapan ng dalawa but then she gave in.
"Mr. Arnault paid for their meals amounting to almost two hundred fifty thousand more or less and for the rent of the whole restaurant for two million," sagot nito sa kaniya.
Bigla niyang nalunok ang sarili niyang laway sa narinig. Patango-tango siya sa sinagot sa kaniya ng manager. "So that's how expensive this date is. Well okay lang naman iyon dahil siya naman ang gagastos," saad niya. "So can I have my order now? I'm starving."
"Sure, Ma'am. I'll personally assist you for tonight," sagot sa kaniya ng manager.
"Kasama rin ba iyon sa bayad niya?" curious na tanong niya rito.
"Yes, Ma'am," sagot nito at iniabot ang menu na ibinigay ng waiter dito.
HIndi umalis ang manager sa tabi niya hanggang sa maka-order siya. Maging ang ibang staff ng restaurant at inasikaso rin ang kaniyang pangangailangan. Ang ilang empleyado ay nagkumpulan malapit sa kaniya at nagchichikahan ngunit rinig na rinig naman niya ang mga ito dahilan para tawagin niya ang mga ito.
"I can hear you," wika niya sa mga ito nang makalapit.
"Eh Ma'am, ang swerte-swerte niyo po kasi. Ipinasara itong resto para sa inyo," wika ng isa.
"Oo nga, Ma'am," sang-ayon naman ng isa.
"Ma'am, may kapatid pa ba iyon? Pareto naman naman," wika ng isa pa.
Nginisihan niya ang mga ito. "First swerte nga ako dahil napilitan lang naman ako sa date na ito at isa pa ay hindi ko alam kung may kapatid iyon. Sana nga ay wala dahil hindi ko ma-gets ang ugali niyon," sagot niya sa mga ito.
"Back to work," sita ng manager sa mga empleyado dhailan para umalis na ang mga ito sa harapan niya. "Sorry about that," hinging-paumanhin nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...