Chapter 26

42 4 0
                                    

26

"Damnit! What have you been doing at hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin siya makita?!" parang kulog na sigaw ni Cedric sa dalawang private investigator na kinuha niya para hanapin ang asawa na halos tatlong buwan nang nawawala.

Kasama sa loob ng opisina niya si Cassius na panay lamang ang iling habang nakatingin sa kaniya. Gusto niyang batuhin ang lalaki ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik din naman iyon sa kaniya. Not literal though. Alam kasi niyang magbibitiw na naman ito ng mga maaanghang na mga salita na animo'y ito ang boss at siya ang hamak na empleyado nito.

Wala namang problema roon dahil hindi naman ganoon ang turing niya kay Cassius. He treated him as his brother lalo at magkaedad lang naman silang dalawa. They weren't blood related at all but they grew up together.

Noong bata siya ay nakita niya itong binu-bully ng mga mayayamang estudyante ng paaralang pinapasukan niya. If he wasn't mistaken, he was nine years old at that time. Cassius was wearing this unexplanable clothing. Mukha itong pulubi, basurero dahil sa dumi nito mula ulo hanggang paa. Doon naantig ang kaniyang puso dahilan para makigulo siya and ended up getting beaten by those bully. All of them including Cassius were sent to the principal's office. Doon ito nakita ng kaniyang ama.

Since then, he and his father took Cassius in and the rest was history. He was his bestfriend too kaya kung sasapakin siya nito ay hindi siya makakaangal. Sa kanilang dalawa kasi ay mas kalmado si Cassius.

"Get out! At huwag na huwag kayong babalik hangga't hindi niyo nakikita ang asawa ko!"

Nanlulumong lumabas ang mga ito at nanghihinang naisandal niya ang katawan sa likod ng swivel chair niya. He was pressing his temple too dahil sobrang sumasakit na ang ulo niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa nawawalang asawa.

Nawawala? That's not the right term for Kaithlyn wasn't missing but was hiding from him. At ang taong nagtatago ay mahirap hanapin.

"Why don't you just give up?" turan ni Cassius iyon sa kaniya na ikinatingala niya. "She wasn't missing but hiding from you."

Matalim ang tinging ipinukol niya rito dahil natumbok nito ang totoong nangyayari. Pero hindi niya gustong sumuko. Gusto niyang malaman kung nasa maayos na kalagayan ito, after all ay asawa pa rin naman niya ito. Hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para dito.

"Have you ask Tatiana?" tanong niya rito.

"Sa tingin mo sasabihin niya kung nasaan ang best friend niyang niloko at sinaktan mo?"

Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng inis sa kasama dahilan para wala sa sariling dinampoy niya ang uanng bagay na nahawakan niya at inihagis ito sa direksiyon ni Cassius. Mabilis naman itong nakailag dahilan para sumalpok ang bagay na iyon sa pader at nabasag. It was a lightweight and too bad ngayon lamang niya na-realize na bigay pa iyon ng asawa. Malakas siyang napamura at dali-daling tinakbo ang kinaroroonan nito at inisa-isang pinulot.

Dahil doon ay nakatanggap siya ng malakas na tawa mula kay Cassius ngunit wala siyang nagawa kundi ang bigyan lamang ito ng masamang tingin habang ipinagpapatuloy ang pagpulot sa mga basag na salamin.

"Don't waste your energy. Hindi na iyan maibabalik pa. Just think of it as Kaithlyn's trust. It was already broken and you can't bring it back already, the way it used to be."

Napabuga siya ng hangin dahil sa sinabi nito dahil tama ito. Never it will be fixed again kahit ilang pandikit pa ang ilagay niya. Nevertheless, pinulot pa rin niya ito at inilagay sa isang papel na ngayon ay nasa harapan na niya.

Cassius stood up and took a vacuum aand started cleaning the area where it was smashed. Matapos ay muli itong bumalik sa pagkakaupo sa coach habang nakatingin sa tablet na hawak nito. Tahimik lamang siya sa mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin upang makita ang asawa. Tatlong buwan na. Tatlong buwan na siyang walang pahinga, walang maayos na tulog, wala sa ayos ang pag-iisip dahil sa sobrang pag-aalala niya sa asawa.

Her friends won't open their mouths of her whereabouts. Even his brother won't say anything about her. Pinasundan na rin niya si Tatiana para makahanap ng clue ngunit wala.

"Why don't you just stop? Ayaw niyang magpahanap sa iyo!" muling wika ni Cassius sa kaniya na ikisama ng tingin niya rito.

"Why don't you shut your fucking mouth if you won't say anything good," sikmat niya rito.

"You know what's wrong with you?" Tumayo pa si Cassius, mukhang napikon na ito sa kaniya at maging siya ay ganoon din naman. "You're mad because of your stupidity yet you are blaming us for it. Sinabi ba naming gawin mo iyon? We've been warning you! The red flags are there yet you tend to ignore all of them. Now fuck yourself up!"

Tinalikuran na siya ni Cassius na pagkatapos niyon. Padabog nitong binuksan ang pinto ng kaniyang opisina.

"I'll take the day off." At ibinalibag nito ang dahon ng pintuan.

Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok at napatingala trying to calm himself. Hindi niya maiwasang magalit sa sarili dahil sa bugso ng damdamin dahilan para hindi na niya makontrol ang sarili. And yeah, again it's his fault. His fault that Kaithlyn went away yet he didn't regret what he did to her father. Ni wala nga siyang katiting na awang nararamdaman para dito. His only concern was Kaithlyn, finding her na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita.

And yes, the red flags were there but he ignored all of them. Wala naman kasi siyang balak na ipaalam sa asawa ang tungkol sa koneksiyon niya sa ama nito maging sa pagkamatay nito na siyang may kagagawan. That secret he swore to bury in his grave but when Kaithlyn heard it, heard it straight from him, doon na nagkabulilyaso. He wanted to deny it but it won't give him any good so he admitted it. Alam na rin naman nito so why deny it in the first place. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagkawala nito na wala pang bente-kwatro oras.

Gusto niyang bugbugin ang mga tauhan dahil sa katangahan ng mga itong makita ang asawa but Cassius stopped him. Gaya nga ng sabi nito, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. He even looked for her at his brother's house but he found none. Si Tatiana naman ay ayaw siyang harapin dahil sa ginawa niya.

Pero bilib na bilib din naman siya sa asawa na nagawang magtago sa kaniya ng halos tatlong buwan despite all his connections. Bigla na lamang itong naglahong para bula sa ere. No traces left. Suspetsa niya ay tinatago ito ng kapatid ngunit wala siyang makitang kahina-hinalang kilos na nakikita rito. Maging si Tatiana at ilang malalapit na kaibigan ng asawa ay pinamatyagan niya ngunit kagaya ng kapatid ay wala siyang makitang kahina-hinala sa mga ito. He even wiretapped Tatiana's phone but it was no use.

Mabuti na lamang at iilan lamang ang nakakaalam sa kaniyang pagpapakasal kaya wala masyadong naghahanap sa asawa at kung mayroon man ay sinasabi niyang nasa ibang bansa ito para sa isang project. Ganoon din naman ang sinasabi ni Tatiana sa mga kliyente ng mga ito so he was safe with it.

Nagulantang ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang cellphone. He took a glance but he never took it making it rang loud inside his office. Ngunit dahil persistent ang tumatawag at nakakailang ring na ay napagdesisyunan niyang sagutin na lamang ito. When he took it, his heart raced. It was from one of his private investigator.

"Sir, kanina pa ho ako tumatawag. Natagpuan na namin ang kinaroroonan ng asawa ninyo."

Loathing the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon