23
Naging masaya ang naging hapunan nila nang gabing iyon lalo na at sentro ng usapan at kantiyawan nila si Cedric. Cassuis and Billy would play on Cedric during his grumpy days. Those days that she wasn't around and she was mad at him. They even re-enacted and mimicked his attitude with those days. Panay lamang ang tawa niya at ni Manang Sally sa buong oras na iyon habang nakasimangot naman si Cedric.
Pagkatapos ng kanilang hapunan ay naglagi muna sila sa sala at doon ipinagpatuloy ang ginagawang pangangantiyaw kay Cedric na halata ang pagkapikon sa dalawa ngunit nagpipigil dahil sa malalakas na pagtawa niya.
Kapag nagtatama ang kanilang mga mata ay nagbabanta ang mga tingin niya kay Cedric na wala namang magawa kundi sumunod sa kagustuhan niya.
"Oh, siya. Mauna na kami. Total nakabakasyon ka naman kaya sulitin mo na," saad ni Billy sa kaniya bago tumayo.
Sumunod na rin si Cassius at nagpaalam na rin. Hindi na niya hinatid ang mga ito dahil bigla siyang napagod sa kakatawa. Hinayaan na lamang niya si Cedric sa dalawa na paniguradong nakahanda na ang maaanghang na reklamo at banta nito.
She was in the bathroom when Cedric came looking for her. Dahil hindi nak-lock ang pinto ng banyo ay kaagad na nakapasok ang binata roon, looking at her while brushing her teeth. Kakaiba na naman ang tingin nito sa kaniya na alam na alam niya kung ano ang ibig sabihin.
Nang matapos ay nilampasan lamang niya ito at prenteng nahiga sa malambot na kama hila-hila ang kumot sa katawan. Ilang minuto lamang ang lumipas nang lumabas si Cedric sa banyo looking so fresh.
Bahagya siyang naglaway nang makita ang ilang butil ng tubig na dumadaloy mula sa buhok nito patungo sa leeg pababa sa matipunong dibdib hanggang sa abs at sa dako pa roon. She wet her lips while looking at him who was staring back at her, eyes full of lust.
Napangisi siya rito at basta na lamang itinalukbong ang kumot sa ulo at ipinikit ang mga mata. He was delicious yes but her eagerness to sleep won. Napagod yata siya sa kakatawa simula pa nang kumain sila.
Her sleep was there, almost there when she felt the mattress waved.
"Babe, 'wag mo muna akong tulugan," wika ni Cedric sa kaniya at tanging ungol lamang ang naisagot niya.
Hinila nito pababa ang kumot na nakatakip sa kaniyang ulo at niyakap siya.
"May atraso ka pa sa akin," muli nitong wika sa kaniya.
"Ilista mo muna. Next time na ako magbabayad," inaantok na sagot niya rito.
"Ilista? Ano ako grocery store na pwedeng utangan?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.
Oo nga naman 'no? Pero wala siyang magagawa. It's a take it or leave it deal. Bahala na ito basta siya ay nais niyang matulog.
"Babe?" muli nitong ingos sa kaniya.
"Maglista ka muna. I'm sleepy," sagot niya rito.
Bahagya nitong niyugyog ang kaniyang balikat and was trying to kiss her neck pero ipiniksi niya ang kaniyang balikat.
"Behave, Cedric or I will let you celibate for a year," banta niya rito and it was effective dahil bigla na lamang itong humiga at hindi na siya inistorbo pa.
Naramdaman na lamang niya ang paghila nito sa kaniya upang yakapin hanggang sa ginupo na siya ng antok.
Napabuntong-hininga na lamang si Cedric sa kinalabasan ng gabi niya. Akala pa naman niya ay makaka-score siya sa dalaga ngunit heto at naghihilik na ito habang yakap-yakap niya. Ginawa pa siyang tindahan na pwedeng listahan ng utang. Napabuntong-hininga siya roon ngunit hindi rin maiwasang mapangiti siya.
Alam naman niyang pagod ito at siya rin ang may kagagawan but he was so turned on and he was fucking hard right now. He was reining himself not to take Kaithlyn as she was sleeping beside him. Libo-libong pagtitimpi ang ginagawa niya sa sarili para lamang makatulog nang mapayapa ang dalaga.
He took a deep breathe and slowly pulled his hand around her. Nang sa wakas ay nahila ang kamay na hindi nagigising si Kaithlyn ay agad niyang inabot ang kaniyang cellphone at tinawagan si Cassius na alam niyang naghihintay ng kaniyang tawag.
He went out of the room para hindi masistorbo ang tulog ng dalaga at doon kinausap si Cassius tungkol sa isang malaking transaction. Matapos masiguro na maayos ang kalalabasan niyon ay tinapos na niya ang tawag at bumalik sa loob ng kwarto.
Pinagmasdan niya ang dalagang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganito ang mararamdaman niya para rito. Pero isa lang naman ang sigurado niya, come what may he will adore, care and love this woman. Recalling the feelings he felt knowing she met an accident and was rushed in the hospital, he was so terrified. Hindi kaya ng isip niya, ng puso niya na mawala ang dalaga sa kaniyang buhay. He will risk everything just to make her stay by his side.
So he thought of only one thing, itatali niya ito sa kaniyang tabi. But the question is, kaya ba niya? Will everything be alright after that? Will she be alright?
And because of those thoughts of his, hindi siya nakatulog nang maayos. Gising na gising ang kaniyang diwa hanggang sa sumikat na ang haring araw. Kaya naman ay bumangon na lamang siya upang ipaghanda ang dalaga ng agahan.
He made pancakes because he heard from Billy that Kaithlyn loves pancakes topped with blueberry syrup. He also fried sunny side up eggs dahil gusto rin ito ng dalaga. Nagdagdag din siya ng bacon, ham at hotdog sa mga iyon. He also added vegetable salad on the menu para naman hindi puro fried na lamang. He brew coffee, too, for the two of them.
Saktong makaluto na siya at nakapaghanda nang dumungaw ang dalaga sa bukana ng kusina. Nakapaligo na ito at suot-suot ang kaniyang t-shirt. Mukhang maganda ang tulog nito dahil nakangiti itong lumapit sa kaniya, niyakap siya mula sa likuran at binigyan ng halik ang kaniyang mga labi. What a very nice way to start a day!
"Sleep well?" tanong niya rito. Alam naman niya ang sagot ngunit gusto lamang niyang siguraduhin iyon.
"Hmmmm!" Tumango rin ang dalaga. "How about you?"
"Good," pagsisinungaling niya rito. Alangan naman kasing sabihin niyang hindi 'di ba?
"Hmmmm. So what's for breakfast?"
With that ay tinapos na niya ang paggawa ng kape nilang dalawa at dumulog sa island counter ng kusina kung saan niya inihanda ang pagkain nila. Magana at masaya nilang pinagsaluhan ang inihanda niyang agahan nila. It was good having someone to share meals in the morning and it was even nicer knowing that it was Kaithlyn he was sharing it with. He felt contented with her around him and he was like an idiot smiling while staring at her eating her meal.
"Something funny?" tanong nito sa kaniya. Nakakunot na ang noo nito at matamang nakatingin sa kaniya. She was thinking of what he was thinking that it made him smile like an idiot. "What?"
"Isn't it nice having... sharing... hmmm... like this?"
Tiningnan siya ni Kaithlyn habang tinutusok nito ang pagkain bago isinubo. Pagkunwa'y nag-isip ito. Sort of like that. He wasn't sure if she was really thinking or pretending to. Then she smile at her so bright it made his day again.
"Yeah!" tipid na sagot nito sa kaniya.
Napailing siya dahil akala pa naman niya ay mahaba ang sasabihin nito. Nag-isip pa naman ito kunwari. But he wasn't disappointed. He was indeed happy.
"Kaithlyn, let's live together. Let's get married!"
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...