Chapter 2

67 2 0
                                    

2

Nagtaka man si Kaithlyn kung bakit siya pinapapunta ng pulis sa presinto ay hindi na lamang siya nagtanong pa at basta na lamang sumunod dito. Wala naman kasi siyang alam na atraso rito o kaya naman ay problema o violation para tawagin nito ang pansin niya.

Ilang sandali lamang ang binaybay nila bago marating ang presinto. Inihinto niya ang motorsiklo sa tabi ng isa pang motorsiklong mamahalin. Napangiti siya nang pasadahan ng tingin ang motorsiklong iyon. Mas mahal iyon keysa sa motorsiklo niya at mas bago ang modelo nito. Nang makababa siya ay pinaglandas pa niya ang kanyang kamay sa katawan ng motorsiklo. Kakaibang excitement ang naramdaman niya nang sumagi ang balat niya sa malamig na metal.

Maraming eksena ang pumasok sa isipan niya dahil doon ngunit naputol iyon nang tawagin siya ng mamang pulis papasok sa loob. Tinanggal niya ang helmet at inilapag iyon sa ibabaw ng kanyang motor bago sumunod sa loob.

Mangilan-ngilan lamang ang mga naroroon dahil hindi naman kalakihan ang presinto ng lungsod. Ngunit naagaw ang pansin niya ng isang lalaking kausap ng isang pulis. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan na bakat na bakat ang muscles sa suot nitong item na leather jacket. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi niya nakikita ang mukha nito ngunit batid niyang magandang lalaki ito. Well sa palagay lang naman niya iyon.

Sumenyas sa kanya ang mamang pulis na nagpapunta sa kanya sa presinto na umupo sa harap ng table nito na siya namang ginagawa niya.

"Is there any problem?" inunahan na niyang tanungin ito dahil baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya at malamang sa hindi niya ito magustuhan.

"Ma'am, you have violated Muffler Act of 2016," sagot nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

Muffler Act of 2016? Alam niya ang mufler pero ano ang kinalaman niya roon? Hindi ata niya maintindihan ito.

"Wait! You're saying to me na kaya mo ako pinatawag dito dahil sa motorsiklo ko? Muffler? I didn't even change my muffler. It was built that way and how come that I violated that act? Marunong ba kayo sa motorsiklo? Or are you even aware of the jurisdiction of that law?" malditang wika niya sa pulis.

"Ma'am, hindi po kasi pwede---,"

" So anong gusto mong gawin ko? Tanggalin ang tambutso ng motor ko ganoon?" mataray pa ring wika niya sa pulis na medyo tumitiklop na ata sa katarayan niya.

Well, dapat lang dahil wala naman siyang nilabag na batas doon. Kompleto sa papeles ang kanyang motor at may lisensiya siya kaya dapat lang na liwanagin nito kung ano ang ginagawa niya.

"Ma'am sumusunod lang po kami sa batas," wika ng pulis sa kanya.

"Binasa mo bang maigi ang nakasaad doon? As far as I know, big bikes do not violate that law. Ibig sabihin exempted!" sagot niya rito. "Nasaan na ang chief ninyo? You call him!"

"Ma'am, tumawag na po kayo ng abogado ninyo. Sige pakidala 'yan sa loob kasama ng isa," utos nito sa dalawang pulis na kasama nito.

"Wait! Wait! Huwag niyo akong hahawakan! This is a violation on human rights!" wika niya sa mga ito ngunit hindi nagpatinag ang ito at pwersahang dinala siya sa loob ng selda. "I will file a case on all of you!" sigaw niya ngunit walang narinig ang mga ito.

Kinalampag niya ang selda at pilit na tinatawag ang mga pulis na iyon ngunit busy na ang mga ito sa kani-kanilang mga gawain.

"Palabasin niyo ako rito. This is not right!" sigaw niya.

Napahawak siya sa sariling buhok dahil sa frustration na nararamdaman. Hindi niya sukat akalain na hahantong ang bakasyon niya sa kulungan. And too bad because her phone was on her motorcycle. Paano siya ngayon magtatawag ng tulong?

Loathing the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon