7
Dali-daling lumabas si Kaithlyn sa opisinang iyon na parang kamatis ang kulay ng mukha. Sa dinarami ng lalaki sa mundo ay bakit ito pa ang boss ni Mr. Go. And why does he know her name? Malamang tinulungan ka niyang makalabas ng kulungan kaya siguradong alam niya ang pangalan mo? But nevertheless that was weeks ago. Hindi na nga niya inaasahang makikita pa niya ito. Never did she think of it. What a small world. Pero ano na lang ang mukhang ihaharap niya rito pagkatapos niyang tarayan ito ay tinulungan pa siya nito. She blew a loud breath.
Nagtataka rin ang mga tinging ipinukol ni Mr. Go at Tatiana sa kaniya dahil wala pang halos limang minuto pagkatapos niyang pumasok sa loob ay lumabas na agad niya looking disoriented. She inhaled and exhaled, fanning herself with the notepad and planner she was holding. Sa buong durasyon nang ginawa niya ay walang imik na nakatingin sa kaniya ang dalawa.
"What?" tanong niya kay Tatiana na ibinuka-buka lang ang bibig ngunit wala namang sinabi.
She inhaled deeply, composed herself and went towards the door. Nang makapasok siya ay prenteng nakaupo lang sa coach ang lalaki na animo'y hinihintay siya. Hinihintay naman talaga siya. Nakatingin lamang ito sa kaniya at walang anumang reaction ang mukha.
"Take your seat, Ms. Saavedra," utos nito sa kniya ngunit hindi siya tumalima.
Tumikhim siya upang tanggalin ang balakid sa kaniyang lalamunan pagkatapos ay matapang na hinarap ang lalaking prenteng nakaupo roon na animo'y hari ng mundo.
"Was it your plan to get revenge on me? You knew me all along, right?"
At ang walanghiya ay nagkibit-balikat lamang sa kaniya na parang balewala alang ang sinabi niya. O marahil ganoon talaga ang plano nito. Baka nga sinadya talaga nitong siya ang kuning interior designer ng building nito para makabawi ito sa ginawa niyang pagtataray rito.
"It's really your plan." That's not a question but a confirmation that that was really his plan.
"Would you believe me if I told you that I didn’t know it was you until I asked for your info?" tanong nito sa kaniya.
The voice. There was something in his voice that she could close her eyes and listen to it all day. Kung pwede nga lang! But this guy in front of her was high and mighty and has all the arrogance in the world. Kitang-kita sa aura nitong nagsasabing 'ako ang batas dito'. But then why would she listen and obey when she knew he planned this all along? Pero mukhang totoo naman iyong sinasabi nitong nagkataon lang ang pagkakakilala nito sa kaniya. Then she remembered him rejecting her works.
"Okay! Sabihin na nating hindi mo sinasadya at plinano na magkita tayo o i-hire mo ako, pero ang pag-reject sa items nagkataon lang din ba iyon?"
The gorgeous beast in front of her lifted the corners of his lips. Iyon palang ay alam na niya ang sagot nito and thay made her blood boiled. Ang walanghiya talaga! Sinasabi na nga ba niya.
Dahil sa inis niya rito ay wala sa sariling ibinato niya ang hawak na planner na ibinigay sa kaniya ni Tatiana. At ayon! Sapol ang kaliwang balikat nito. Buti nga balikat at hindi ang gwapo nitong mukha ang natamaan. Sayang kasi! Ah, erase! Dapat lang sa kaniya iyon. Anong sayang-sayang!
Pinulot ng lalaki ang planner na bumagsak sa sahig at balewalang binuklat iyon na parang walang nangyari. Sinipat-sipat nito ang laman niyon at patango-tango.
"I'll pretend that it didn't happen," wika nito at tumaas ang tingin sa kaniya. His eyes, nakakahipnotismo! "All your ideas are actually good. Gaya nga nang sabi mo, I planned for this rejection. Only. The rest happened accidentally."
Tumayo ito at lumapit sa kaniya dala-dala ang planner na ibinato niya. Tumigil lamang ito ilang dangkal ang layo sa kaniya at iniabot ang hawak. Being that close, langhap na langhap niya ang mabangong amoy nito na nakakagigil. Kung pwede nga lang niyang singhutin ang lalaking nasa harapan niya ay gagawin niya but may atraso ito sa kaniya kaya no, no. Pilit niyang pinakalma ang sarili, ang pusong nagrarambulan sa loob ng dibdib niya.
"You're as beautiful as ever. Alam mo ba ang tuwa ko noong makita ko ang picture mo?" wika nitong mayroong ningning ang mga mata na animo'y pinapatutuhanan ang mga salitang binigkas nito. Mas bumilis tuloy ang pagrambulan ng kaniyang puso.
"Why?" Pinasersyoso niya ang mukha upang hindi mahalatang apektado siya sa lapit nito sa kaniya. "Para singilin ako sa atraso ko?"
He smirked. Anong nakakatuwa sa sinabi niya? Then he moved two steps closer to her. Sobrang lapit nito at nakakabaliw ang bango nito. At talagang nananadya ito dahil bigla na lang itong dumukwang at bumulong sa kaniyang tainga.
"Yes, sisingilin na kita sa atraso mo. You owe me one. Remember kung hindi dahil sa akin ay baka nagtagal ka sa loob ng seldang iyon. So why don't you pay it now. Hindi naman ako maniningil ng mahal," wika nito.
Peste dahil nakakakiliti ang pagdampi ng mainit nitong hininga sa kaniyang tainga. Nakakawala ng katinuan kaya mariing ipinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim.
"How much do I owe you?" tanong niya rito.
Cedric's hand lifted up and clipped some strands of her hair into her ear. Nakakapaso ang pagsagi ng kamay nito sa kaniyang balat kaya naman bigla siyang napapitlag at napaatras palayp rito.
"Just tell me how much do I owe you and give me your account. I'll send it to you,"saad niya.
"I didn't say how much," sagot nito sa kaniya at tumalikod, bumalik sa pagkakaupo nito sa coach.
"Then what? What do you want?" muli niyang tanong sa lalaki.
"I'll tell you what I want after our meeting," turan nito na ikinadismaya niya.
Paniguradong may nililuto na naman itong kakaiba at mukhang madedehado siya. Siyempre siya ang may atraso rito puwera ang atraso nito sa kaniyang trabaho. What he has is something personal unlike hers which was work-related.
"Call your friend so we can proceed," utos nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya dahil doon ngunit tumalima naman at tinungo ang pinto upang tawagin ang kaibigan na kaagad namang pumasok at kapansin-pansin ang pag-iba ng aura nito.
"Good afternoon, Mr. Arnault," bati nito sa lalaki na ikinatango naman nito at itinuro ang bakanteng mga upuan.
Naglakad si Tatiana patungo sa coach at sumunod naman siya rito. She opened her planner to jot down details of the changes they will make para lamang magulat.
"I want you to continue with your ideas. They were nice and perfect especially that Ms. Saavedra enlightened me already regarding the concept. Hindi rin naman kasi malinaw na sinabi sa akin ang ganiyang plano," wika nito.
Napailing na lamang siya sa sinabi nito samantalang si Tatiana naman ay hook na hook sa pinagsasabi ng kumag na nasa harapan nila. Panay ang tango nito na hindi niya mawari kung may sakit na ba ito o kung naiintindihan pa ba nito ang sinasabi ng kausap. Pero ganoon pa man ay maayod pa rin niyang kinuha ang ilan pang detalye na nais ng binata para sa gusali nito. Nang matapos ay nagpaalam na sila ngunit hindi pa siya nakakaangat ng puwetan ay nagsalita na nang muli ang binata at sinabing maiwan muna siya upang makapag-usap sila sa iba pang detalye. Ibang detalye my ass! She said yet she stayed.
"What?" sikmat niya rito.
"Let's have a date. I'll pick you up at seven."
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...