16
Hindi maiwasan ni Cedric ang paglundag ng kaniyang puso habang pinapanood si Kaithlyn. He's a racer but looking how dangerous it was, hindi niya maiwasan ang kabahan para sa kalagayan ng dalaga. Ang mga alanganing pagliko at paggewang ng motorsiklong sakay nito ay hindi rin nakalampas sa kaniya. Damn! He shouldn't be feeling like that but he can't help it.
"Relax!" narinig niyang wika ni Billy sa kaniyang likuran.
Tinapunan lamang niya ito ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa dalagang malapit nang matapos. Hanggang tuluyan na nang natapos ang race and Kaithlyn won third place. Hindi kaagad siya lumapit dito nang makababa na ito dahil nauna na si Billy sa kaniya maging ang ilang crew nito upang alalayan at i-congratulate ang dalaga.
Bitbit ang helmet nito ay tinungo na nito ang kubol at doon ipinagpatuloy ang eksena sa labas. At gustong niyang magalit dahil parang hindi siya nakikita ng dalaga. Ni hindi man lang siya nito kinausap.
"So saan tayo mamaya?" tanong ni Billy sa dalaga.
"Ah ikaw na ang bahala riyan. Sagot mo 'to," sagot ng dalaga na nagtatanggal na ng gear sa katawan.
Napatingin sa kaniya si Billy pagkatapos ay sinenyasan siyang asikasuhin ang dalaga kaya naman ay tumayo siya at lumapit sa dalaga. He helped her with her gears at wala naman siyang natanggap na reklamo.
"Libre ka ba hanggang bukas?" tanong ni Billy sa dalaga na ikinalingon nito. Nagtatanong ang mga mata nito. "I knew a place to hangout."
Nag-isip ang dalaga bago nagsalita. "Pwedeng isama si Tatiana?"
"Oo, naman. Dalhin mo pa buong staff mo. Malapit lang naman iyon kaya hindi hazzle. Sagot ko na ang transpo."
Napangisi ang dalaga sa naging sagot ni Billy. Nag-thumbs-up pa ito at halata ang tuwa. Siya naman ay napatingin sa kapatid na ngisi lamang ang isinagot. Nang lumipad ang tingin niya kay Cassius ay napapailing pa rin ito bago lumapit sa kaniya.
"I'll go ahead. Mukhang matatagalan ka pa rito," wika nito sa kaniya.
"Just wait for me in the car," sagot niya na ikinatango naman nito bago lumabas ng kubol. Tumingin siya sa dalaga na ngayon ay nakatingin naman sa kaniya at mukhang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. "Don't you have race anymore?"
"Ah...wala na pero meron pa sa team. Why?"
"I'll be going dahil marami pa akong trabaho but please check your phone from time to time," sagot niya rito na ikinataas lamang ng isang kilay nito. "Can you do that?"
"I'll try. Parang hindi mo naman alam. You're a racer too."
"I know."
"Then don't ask," sagot nito sa kaniya. "Wala naman akong assistant na kagaya mo."
He sighed. He felt frustrated because of her answers. But then hindi na lamang siya sumagot pa dahil baka mas mainis ito sa kaniya at baka mas hindi nito sagutin ang mga tawag at text niya.
"Escort me out then," sagot niya ngunit umiling lamang ang dalaga sa kaniya.
"Baka pagtsismisan ako," sagot nito sa kaniya.
"They are already since I stepped inside," sagot naman niya na ikinakibit-balikat lamang ng dalaga.
"Just come with me tonight. I'll ask Billy to let you and Cassius."
May lambing sa boses ng dalaga nang sabihin nito ang mga salitang iyon at hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil doon. Hindi rin napigilan ng mga kamay niya na hapitin ang beywang ng dalaga at hilain ito palapit sa katawan niya bago ito hinagkan sa ulo.
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...