15
Curious na napatingin si Kaithlyn sa bukana ng racing track dahil sa biglang pagkumpulan ng mga tao roon. Nagpapahinga sila ngayon para sa susunod na match kasama ng mga ka-team niya. It was a race for a cause event kaya naman ay napasali siya. Iniwan muna niya ang trabaho para dito dahil alam na alam naman ni Tatiana na go na go siya kapag ganito ang usapan.
"Anong meron?" kuryos na tanong niya kay Billy na kaniyang best buddy sa aspetong ito.
"Nagtaka ka pa," patamad na sagot nito sa kaniya. "Alam mo naman na kapag ganitong may event naglipana ang mga pa-VIP at kunwaring makikisali for a cause pero for exposure lang din naman."
Napansin na, bakit parang bitter ang drama nito pero patango-tango siya habang nakikinig dito at tama nga rin naman ito. Sa tagal niya sa ganitong event ay alam na alam na niya ang kalakaran doon. Rich people really wanted to show off when it comes to this event. Tama si Billy that this was for exposure only. Mangilan-ngilan lamang talaga ang bukal sa loob na gustong tumulong. Most of them are anonymous pa nga at iyon ang dapat hangaan.
"Okay na ba? Sunod na ako," tanong niya kay Billy. Ang tinutukoy niya ang kaniyang motor na nagkaroon ng problema kanina kaya naman hindi niya ito nagamit sa unang race niya.
"Oo, ayos na. Why don't you check it," sagot nito sa kaniya kaya naman ay tumayo siya at tinungo ang maliit na kubol na kanilang repair shop sa ngayon.
She checked the engine and everything and her lips twisted. Ayos na ayos na. Hinaplos ang katawan ng kaniyang motorsiklo at tinapik-tapik pa ito bago inayos ang kaniyang gear. She will ride her baby again so she buckled up. Billy came to aid her with it.
"Naka-register ka na?" tanong nito sa kaniya habang inilalagay ang gloves sa kaliwang kamay niya. It was a race, a contest this time.
"Yap. You?"
"Hindi pa nga eh. Naka-schedule kasi ang roadtrip namin ni Aiza that day but we've been thinking about it," sagot nito sa kaniya.
Napailing siya sa sagot nito sa kaniya. "Roadtrip? Anong tawag niyo roon? Iba rin iyang utak ng girlfriend mo talaga. Baliko!"
Nagkamot ng ulo si Billy sa sagot niya. Alam na alam kasi nitong hindi niya gusto ang kasintahan. Kung hindi lamang ito girlfriend ni Billy ay baka nalampaso na niya ito sa pagiging antipatika nito.
"Commander," sagot lamang nito sa kaniya na muli niyang ikinailing.
"Under the saya ka na kasi. Hindi mo pa nga inihaharap sa altar. At hoy! Huwag na huwag mong ihaharap iyon dahil hindi rin naman makakapasok sa simbahan. Kung ano ba kasi ang nakita mo roon!" sikmat niya rito na ikinailing lamang nito. "C'mon join ka na para may kasama ako. That would be the first na hindi tayo magkasama kung hindi ka papayagan ng jowa mong demonyita. Huwag mong sabihing hahayaan mo na lang ako mag-isa?" pangongonsensiya niya rito.
Billy was the one who introduced her into big motorbikes. Sa totoo lang ay kahit bisikleta ay hindi siya marunong noon. She accidentally met Billy when she graduated college. Nasa convenience store sila ni Tatiana that time and was enjoying a chill when Billy's bike parked in front of them. Sa sobrang amaze niya rito ay nilapitan pa niya ito ay nagpa-picture and out of her curiosity ay kinalikot niya ang manibela nito dahilan para mapaandar niya ito at boom! It flew with matching gasgas na. Kung hindi ba naman kasi shunga si Billy at iniwan ang motor nitong nakaandar. She could remember Billy's face at that time. Mabuti na lamang at hindi ito nagalit sa kaniya but he let her handle the expenses. Namulubi rin siya roon. Since then, Billy convinced her of having one, ibinigay nito sa kaniya ang motor na iyon and even taught her how to ride a bike and big bikes eventually. And charan! Here they are.
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...