Epilogue
"Did you check her escorts?" tanong ni Cedric kay Cassius.
Kanina pa niya iyon tinatanong kay Cassius at kanina pa rin siya nito sinasagot. Only this time ay nakatingin na lamang ito sa kaniya at masama iyon. Nababatid niyang malapit-lapit na siya nitong batuhin ng hawak nitong helmet.
They'll be racing again at siyempre kasama ang asawa kaya naman kailangan niyang i-secure ang kalagayan nito sa race lalo na at hindi niya ito makakasama sa lahat ng oras. Kung bakit ayaw nito at mas gusto sa kapatid niyang si Billy.
And speaking of his wife, after that night, they resolved everything between them. Doon na rin tumira ang asawa na labis niyang ikinatuwa. He was beyond happy with what had happened and thanks to Cassius. Although there were times that he was scolding Cassius because of what he did ngunit lagi namang to the rescue ang asawa niya sa kaibigan. Mas ito pa ang kinakampihan nito na labis niyang ikinatatampo.
They even visited the place where Kaithlyn lived at kasama na nila si Cassius na Ambo ang pangalan doon. Doon ipinanganak si Cassius ngunit lumuwas lamang ang pamilya nito sa lungsod at hindi na nakabalik pa dahil sa pagkamatay ng mga magulang. Saka lamang ito bumalik doon nang may maayos na buhay na ito.
"Tara na! Magsisimula na," wika niya rito at kinuha ang hawak nitong helmet.
Hinanap ng kaniyang mga mata si Kaithlyn and she was there in the first line and now was looking at him. She even waved her hand upon seeing him before climbing on her motorcycle.
The crowd was agitated. They were cheering over their favorites and he could hear his name on them as loud as thunder. And it became louder as the race commenced.
Every stop, he was calling his wife checking on her. Or if hindi niya ito makontak ay tinatawagan niya si Cassius na nakabantay rito asking if she was okay. Ayaw niyang mag-alala dahil masisira ang concentrayion niya sa race.
Nasa kalagitnaan na sila ng race sa araw na iyon nang makatanggap siya ng tawag mula kay Cassius saying isinugod sa hospital si Kaithlyn. Alam niyang hindi na iyon prank kagaya noon dahil si Cassius na mismo ang nagsabi. Kaya naman ay halos paliparin na niya ang kaniyang motorsiklo pabalik sa kinaroroonan ng asawa. Nang makarating siya ay ospital na sinabi ni Cassius ay nakaparada na roon ang sasakyang dala ni Cassius. Naroroon din ang motorsiklo ng kaniyang kapatid at ilang crew ng nasabing race.
Mabilis siyang pumasok sa ospital at hinanap ang kinaroroonan ng asawa. He saw Billy and Cassius and the others waiting outside the emergency room. Mabilis ang galaw na lumapit siya sa mga ito.
"How is she?" tanong niya. Halos lumabas ang puso niya sa kabang nararamdaman ngayon dahil sa pag-aalala.
"Hindi pa lumalabas ang doctor na tumingin sa kaniya," sagot ni Billy sa kaniya na bakas din sa mukha ang pag-aalala.
"What exactly happened?"
"Basta na lang siya natumba. Good thing hindi mabilis ang pagpapatakbo niya," sagot ni Cassius. "And thanks to the gears you insisted on her."
Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay naupo sa upuang naroroon ngunit hindi maikakaila ang panginginig ng kaniyang mga kamay habang nakapatong ito sa kaniyang mga tuhod. Halos wala na rin siyang nakikita sa mga nasa paligid kundi ang pinto na lamang na nakasara kung saan naroroon ang kaniyang asawa. Wala na rin siyang naririnig, tanging ang lakas ng pagtibok ng kaniyang puso na lamang. And waiting was like ages.
Hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na iyon at mabilis pa sa alas-kuwatro siyang napatayo.
"Mr. Arnault?" tawag ng doctor sa kaniya nang makalapit siya.
BINABASA MO ANG
Loathing the Billionaire
RomanceBecause of a road violation, Kaithlyn Saavedra and Cedric Arnault meet in prison. After Cedric helped Kaithlyn get out from that embarrassing event, never he thought to see her again. Or they thought so. But they stumble at each other again, Cedri...