9

4.9K 231 25
                                    

JOSHUA POV

"tito saan po pupunta si dada?" Tanong ni rylee habang papalayo kami kay andrei.

"Hindi ko alam baby eh" sagot ko at tumango nalang siya.

Nung akmang papasok na kami sa zami ng may makitang pamilyar na tao na papasok sa Toy's Play.

Ryle Vince Gutierrez...

"Ah baby gutom ka naba?" Tanong ko kay rylee.

"Hindi pa po" tugon niya kaya napangiti ako.

"Gusto mo ba ng doraemon?"

"Opo!!" Masayang sagot niya.

"Tara" anyaya ko sa kanya at hinatak siya palapit sa Toy's Play at pumasok.

Sorry andrei, ayokong mangialam pero naaawa ako sa anak mo.

Karapatan niya ding makilala ang totoo niyang ama insan pasensya na.

Sa totoo lang ay hindi talaga ako naghanap ng malilipatang bahay, nagkukunwari lang ako na walang mahanap para hindi kami makalipat.

Lumingon lingon ako para hanapin si ryle, alam kong siya iyong pumasok dito dahil gwapo siya hindi ako maaaring magkamali.

Kung sineswerte ka nga naman, naghahalungkat siya sa mga spongebob na katabi lang ng doraemon puro stuff toys lang ang nandodoon.

"Ayun nak" turo ko sa stuff toy na doaemon na alam kong hindi niya abot. "Ayun ang kunin mo ipaabot mo sa mister na iyon" utos ko sa kanya at tinuro si ryle.

"Bakit po kayo tito?" Inosenteng tanong niya.

"Basta gawin mo nalang, promise magiging masaya ka baby ko" nakangiting saad ko at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko pero agad ko yung pinigilan.

Sa wakas ay makikilala niya na ng lubos ang tatay niya.

Oo alam niyang may ama siya sa tuwing kami lang magkasama ay sinasabi ko sa kanya ang tungkol sa tatay niya, pero hindi ko pinapakita ang larawan ni ryle dahil gusto ko personal niyang makita ang mukha ng ama niya at mangyayari na nga ngayon.

Masaya ako para sa kanya.

"Sige na punta kana" sabi ko, tumango siya at naglakad palapit kay ryle...sa tatay niya.

Habang pinagmamasdan sila ay nakangiti ako, kitang kita ko kung paano magulat at maluha si ryle.

Agad akong nagtago ng makita si andrei na pumasok sa Toy's Play.

Jusko hindi ko inaasahan to, siguradong magagalit sakin si andrei dahil sa ginawa ko.

Sumilip muli ako at nakitang pinaggigitnaan nilang dalawa ang anak nila habang parehong nakahawak aa magkabilang braso ni rylee.

Nakita kong natitigilan si andrei habang nakatingin sa nakaupong si ryle.

Ilang segundo silang hindi umimimik at maya maya lang ay binuhat na ni andrei si rylee palabas sa Toy's Play at tumayo naman si ryle para sundan ang dalawa.

Paksheet!!

Nakatulong ba ako o lalong nagpagulo lang ng sitwasyon?

ANDREI POV.

Lakad takbo ang ginawa ko habang buhat si rylee at kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao ay wala akong pake alam basta ang nasa isip ko lang ay makalayo sa lalaking iyon.

Kaba at takot ang namumutawi ngayon sa dibdib ko.

Paano? Paanong nagkita sila? At nasaan si joshua? Siya ba ang may pakana neto o nagkataon lang?

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now