ANDREI POV
"Akala ko mahal mo ko?"
"Minahal kita pero--"
"Pero ano?! Minahal? Sigurado kang minahal mo ako?"
"Please, wag kang mag eskandalo"
"Kung totoong mahal mo ako hindi ka hahanap ng iba!"
"Im sorry"
"Nabuntis mo pa siya! Tapos sasabihin mong minahal mo ako? Sige papipiliin kita"
"Please.."
"Ako o siyang p*ta?!"
"Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan!"
"So ako pa ang naging kontrabida?! Ako o siya lang ang isagot mo! At kung totoong mahal mo ako, ako ang pipiliin mo!"
"Im sorry.."
"W-what?"
"Buntis siya, kailangan niya ako at napagplanuhan na naming magpakasal kaya siya ang pipiliin ko"
Kasabay ng paglaglag ng luha ng bidang babae ang luha ko, kitang kita ang pagkagulat at pagkabigo sa kanyang mukha.
Kahit ako ay ramdam ang sakit na naidudulot sa kanya ng mga salitang sinabi ng bidang lalaki.
Ang galing niya kasing umarte kaya talagang madadala ka sa emosyong pinapakita niya.
Sinanggi ko ang ulo ni josh ng isandal niya iyon sa balikat ko, umiiyak din kasi siya at baka matuluan pa niya ng sipon ang damit ko.
"Ano ba?! Magdradrama lang eh ang arte mo!" Singhal niya sakin.
"Eh matutuluan mo ng sipon ang balikat ko kadiri ka pa naman!" Sagot ko at nagsamaan kami ng tingin.
"Pero nagdadalang tao rin ako.."
Halos mapatigil ako sa paghinga at dahan dahan ibinalik ang tingin sa pinapanood.
Nakasalampak na sa sahig ang bidang babae ng sabihin niya ang salitang iyon at umiiyak na tinatanaw ang bidang lalaki habang kasama ang babae nito papalayo sa kanya.
Kumirot ang dibdib ko dahil nakikita ko ang aking sarili sa bidang babae dahil naranasan ko din ang nangyari sa kanya.
Kailan maalis ang sakit na nararamdaman ko? Bakit hindi ko mabaon baon sa limot ang mapait na nakaraan ko?
Napakurap kurap ako ng maramdaman ang sampal ni joshua sa kaliwang pisngi ko kaya gulat ko siyang tinignan.
"Bakit moko sinampal?" Nanlalaking matang tanong ko sa kanya at malakas siyang tumawa.
Abnormal!
"Ayan! Bumalik kana sa katawan mo!" Sigaw niya at dinuro pa ang mukha ko.
"Wag ka ngang maingay at baka magising si rylee alas onse na kaya" singhal ko sa kanya.
"Sabi ko nga" bulong niya at nagkrus ng mga braso at pinagpatuloy ang panonood.
RYLE POV
"Halos nalibot na po namin ang buong manila ngunit hindi namin siya makita"
Napapikit ako sa inis at napahilot sintido, parang sumakit ang ulo ko sa ibinalita nila.
Sa apat na araw na iyon ay hindi man lang nila nakita sina andrei?
Sumenyas akong lumabas na sila, yumuko muna sila bago lumabas ng pinto.
Sumandal ako sa upuan at pumikit.
Isa pa si lucas, isang linggo na simula ng ibigay ko sa kanya ang hibla ng buhok ni andrei at hanggang ngayon ay wala paring balita.
"Ryle Vinceeee!!!!"
YOU ARE READING
Hiding The Playboy's Son
SonstigesCompleted. BL (M-Preg Series #1) Ryle Vince Gutierrez and Andrei Ocampo Story.