33

4.4K 205 69
                                    

ANDREI POV

"Umalis kana.." gumaragal ang aking boses.

"Andrei..."

"Sabing umalis kana diba?!" Lumakas na ang boses ko, wala na akong pake kahit makabulahaw pa ko ng kapitbahay basta umalis lang siya sa harap ko.

"Andrei, please magusap muna tayo"

Naamoy ko ang alak sa kanya.

"Bakit ba napakakulit mo?! Wala na nga tayong dapat pagusapan!" Saad ko. " lasing ka, umuwi kana" dagdag ko pa.

"Hindi ako lasing, alam ko ang ginagawa ko" malalim na boses na anya.

"Bakit ang dali lang sayong ganituhin ako?" Tumulo na ang luhang kaninang pinipigilan ko. "Bakit ang dali sayong lapitan ako na parang wala kang ginawa sakin? Bakit sinasaktan mo nanaman ako?"

Sobrang sakit, parang hindi na mawawala dito sa dibdib ko.

Hindi siya nagsasalita at nakatitig lamang sakin gamit ang nagsusumamong mga mata.

"Nakalimutan mo na ba ang pangloloko mo noon sakin?" Tanong ko. "Miski tignan ka ay ayokong gawin pero ikaw, nagagawa mong makipagusap sakin na parang ayos tayo! Tapos ngayon sasabihin mong mahal mo parin ako?! Nahihibang kana ba?! Sinong maniniwala sayo kung ganyan ang itchura mo?!" Sigaw kong muli at kitang kita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple.

"Ryle, matagal na tayong tapos, kaya wag kang umaasang magkakaayos pa tayo dahil ayoko na!" Ani ko at natakpan na ang mukha gamit ang dalawang kamay.

"Nung araw na iwan kita at piliin si ashley ay nasasaktan din ako non.."

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang magsalita.

"Dahil sa dami ng nangyari noon, kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin, gusto kong sabihin sayo ang problema ko pero ayokong maging pabigat dahil alam kong may problema karin" gumaragal ang kanyang boses.

Pinunasan ko ang aking luha at nilabanan ang kanyang titig.

"Kaya naghanap ka ng iba? Kaya niloko mo ko? Anong klaseng pagsasabi mo ng problema kay ashley? Pakikipags*x ba?" Ramdam ko ang pagblangko ng aking mukha, pero ang kirot sa aking dibdib ay hindi mawala wala.

Nakita kong umigting ang kanyang panga dahil sa sinabi ko.

"Hindi ako naghanap ng iba, at lalong hindi kita niloko" may diin na pagkakasabi niya kaya sarkastiko akong napangisi.

"paano mo nabuntis si ashley?" Tanong ko.

"Kapag sinabi ko bang hindi ko anak si stanley ay maniniwala ka?" Halos bulong na sabi niya.

Napalunok ako ng makita ang pagkislap ng kanyang mga mata, hinihintay ang sagot ko.

"B-bukas nalang tayo magusap" ani ko at akmang isasara na ang pinto ng iharang niya ang kanyang kamay kaya naipit ang kanyang daliri sa pinto.

"Sh*t!"

"Bakit mo kasi hinarang! Apaka bonak!" Dahil sa taranta ay hinawakan ko ang kamay niyang may tama at chineck iyon.

"Tignan mo ang nangyari! Nangitim pa ata" singhal ko.

Huli na ng umaangat ang aking tingin sa kanya dahil dumampi na ang kanyang labi sa aking noo.

May kung anong nagwala sa loob ng aking tiyan at parang may nagtatakbuhan na kabayo sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok non.

"Magusap tayo uli bukas, sasabihin ko lahat ang nangyari non para maliwanagan ka at liligawan muli kita upang patunayan sayong hindi nawala ang pagmamahal ko" saad niya at matamis na ngumiti. "Good night, love.." huling sinabi niya at siya na ang nagsara ng pinto dahil hindi na ako nakagalaw.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now