5

5.6K 264 35
                                    

"R-ryle.." naibulong ko.

Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?!

"Andr---"

"Umalis ka na!" Sigaw ko at ramdam ko ang papakas na kabog ng dibdib ko.

Sa anim na taon na lumipas ay ngayon lang siya nagpakita?

At anong pakay niya? Bakit siya andidito?!

At kailangan niya ng umalis dahil anumang oras ay darating na sila rylee.

Ayokong magkita sila.

"Lets talk" saad niya.

Ang laki ng pinagbago niya, lumaki ang katawan at nagmatured na ang itchura niya.

"Wala tayong dapat pagusapan" malamig na sagot ko pero ang puso ko ay lalabas na sa lakas ng tibok.

Naalala ko nanaman ang lahat ng ginawa niya noon.

Galit, sakit at lalo na takot ang nararamdaman ko ngayon.

Ang kapal ng mukha niya magpakita ng parang walang nangyari?

"Andrei--"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at sinaraduhan siya ng pinto.

sinandal ko ang likod ko sa pinto at napadausdos paupo habang hawak ang dibdib.

Tahimik na ang buhay ko.. ang buhay namin ni rylee, guguluhin pa niya?

At bakit siya andito? Hindi bat may pamilya siya?

TOK! TOK! TOK!

"Please umalis kana please" bulong ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko.

"Andrei buksan mo ang pin---"

"Hoy walang tao jan! Umalis ka na nakakabulahaw ka!" Rinig kong sigaw ng familiar na boses.

"Andrei please open the door" hindi siya pinakinggan ni ryle.

"Pare umalis kana" lumapit ang boses ni Kevin, ang kapitbahay namin.

"Dont touch me" rinig ko ang baritong boses ni ryle. "Babalik ako andrei" seryosong sabi pa niya bago ko narinig ang papalayong yapak niya.

Para akong nakahinga ng maluwag at naramdaman ko uli ang sakit ko.

Tok! Tok!

"Andrei ayos kalang?" Tanong ni kevin kaya tumayo at at binuksan uli ang pinto at bumungad si kevin na walang damit pangtaas at pawisan mukhang kakatapos lang magigib.

"S-salamat" sabi ko.

"Sino ba ang lalaking yon?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil bigla na lamang nanlabo ang paningin ko at biglang dumilim.

"Mommy!"

"WHAT?!"

"Mommy...i want to see daddy

"Does he want to see you too?" Tanong ko sa kanya at humigop ng sigarilyo.

"I dont know mom"

"Iniwan ako ni ryle dahil sayo!" Galit na sigaw ko sa kanya at nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.

"please mom don't hurt me"

Sa tuwing nagagalit ako ay sa kanya ko lahat ibinubuntong, tama lang naman na saktan ko siya dahil sa kanya ay iniwan ako ni ryle.

Tatlong taon palang siya ng malaman ni ryle na anak ko sa ibang lalaki si Stanley.

At ngayong anim na taon na siya ay sinusuyo ko parin si ryle pero lagi kong sinasama si stanley kapag pupunta ako sa kanya kaya hindi niya ako matanggihan dahil kay stanley.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now