8

5K 277 13
                                    

ANDREI POV

"Shuta ka namiss kita, 3 days kang hindi pumasok!" Hinampas ni chester ang balikat ko pagkapasok ko sa kusina.

"Nagkasakit nga ako" sagot ko at sinabit ang bag sa sabitan at nag suot ng apron.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Kay aling lena ko sinabi ah hindi ba niya nasabi sayo?"

"Hindi tch"

Nagusap pa kami saglit bago magsimulang magtrabaho.

Luto, hugas, at linis ganon lang ang ikot ng trabaho namin ni chester.

Pagdating ng gabi ay habang nagaayos na kami ng gamit biglang lumapit samin si aling lena.

"Oh" mataray na bungad niya habang may inaabot saking sobre kaya nagtaka ako.

"Ano po yan?" Tanong ko.

" kung kunin mo nalang kaya? Magtatanong kapa!" Masungit na sagot niya kaya kinuha ko iyon at binuksan naramdaman ko pa ang mukha ni chester sa gilid ko gusto din makita.

"Aling lena?" Nanlalaking matang binalik ko sa kanya ang tingin.

Pera ang laman ng sobre at hindi ko alam kung bakit niya binigay sakin iyon.

"Aling lena h-hindi ko po ito matatangga---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Malapit na ang birthday ni rylee tama ba ako?" Sabi niya.

Tama siya, isang linggo nalang ay birthday na ng anak ko at hindi ko naisip na maaalala pa pala niya iyon.

"Pangdagdag lang sa handa at wag mong ibabalik sakin yan dahil tatanggalin kita sa trabaho" mataray sa saad niya bago kami talikuran.

Wala akong nagawa kung di tanggapin na lamang.

"Salamat po" habol ko pa pero kumaway lang siya sakin kaya napangiti ako.

"Yun sana, basta ako regalo lang ang ibibigay ko sa inaanak ko" sabi ni chester paglabas namin sa karinderya.

"Kahit sarili mo lang ang dalhin mo don ayos lang" sagot ko pero umiling siya.

"With regalo talaga pag pumunta ako don no" sambit niya. "Mauna kana sumakay" dagdag pa niya dahil isa palang ang nakapila na tricycle.

Magkaiba kasi ang way pauwi namin kaya hindi kami makakapagsabay sa isang sasakyan.

"Ingat ka chester" paalam ko at kumaway naman siya bago umandar ang sinasakyan ko.

Pag uwi sa bahay ay naghilamos ako at humiga na, nagtaka ako dahil hindi ako dinadalaw pa ng antok.

Wala pang nahahanap na malilipatan si joshua at laking pasasalamat ko dahil hindi pumunta si ryle ngayon araw.

"Dada.."

Napabangon ako at agad binuksan ang pinto at bumungad sakin ang umiiyak kong anak kaya binuhat ko siya papasok.

"anong nangyari?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha nya, alas dose na at gising pa siya.

"Bad dream po" sagot niya.

Inihiga ko siya bago tumabi sa kanya at niyakap siya.

"Kwento mo kay dada ang paniginip mo" usal ko at suminghot muna siya bago magsalita.

" may babae po dada, ang labo po ng mukha niya hindi ko po makita at may hawak po siyang gun na nakatutok sayo" gumaragal ang boses niya kaya alam kong iiyak nanaman siya.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now