RYLE POV
"Why do you look at me like that?" Tanong ko kay lucas habang sabay kaming kumakain sa lamesa.
"Ikaw ha, anong ginawa nyo habang wala ako?" Nanunuksong tanong niya kaya napabuntong hininga ako.
"Wala akong oras para sa biro mo" seryosong usal ko. "Pupuntahan ko pa si andrei sa kanila" i added.
"Now?" Nagugulat na tanong niya, pero hindi ko siya sinagot.
Alam ko na ang totoo ngayon, hinding hindi ko na sila hahayaang malayo sakin.
"Gabi na, may bukas pa dre at may lagnat kapa"
"Kaya ko na" tipid na sagot ko.
"Ano kaba?!" Kumunot ang noo ko ng lumakas ang boses niya. "Sabing bukas na eh tigas din ng bunggo mo hindi kapa magaling kaya manahimik ka muna dito" sabi pa niya.
"why are you shouting at me?!" Banas na tanong ko.
"Ah basta! Manahimik ka muna dito" huling sinabi niya bago tumayo at pumasok sa mabahong kwarto niya at maya maya lang ay lumabas din may dalang unan at kumot.
"Sa sofa ka matutulog?" Tanong ko.
"Utot mo, sa kwarto ako matutulog at dito ka sa sofa" sabi niya kaya inis akong tumayo at nilapitan siya.
"I don't want to sleep on the sofa! I can't fit because it's small!" Sabi ko.
"Eh wala akong pake! Ikaw nga hinayaan mo lang sumakit leeg ko kagabi bahala ka jan, good night motherfvcker" pangaasar niya at tinalikuran na ako bago pumasok sa kwarto niya.
Asshole! Ahh fvck.
Umupo ako sa sofa at napatitig sa sahig.
Meron akong anak, and kay andrei pa.
Sa pitong taon na nakalipas,may anak pala ako ng hindi ko alam?
Sh*t kung alam ko lang ay hindi ko iiwan si andrei noon.
"Im so happy.." bulong ko. " gusto ko silang yakapin" i added.
I could feel my tears dripping down my cheeks.
Im so stupid, kung pinakinggan ko muna si andrei noon, masaya ba sana kami ngayon?
Kung hindi dumating si ashley sana ay buo kami at masayang namumuhay ngayon.
I made a mistake and nagsisisi na ako, gusto kong bumalik sakin si andrei kasama ang anak namin.
"After seven years, im still inlove with you..." i whispered. "So much..."
"What? Bakit sa resort pa kasi gaganapin, ang dami nyo pa kasing alam" sagot ko sa ate kong abnormal mula sa telepono.
"Syempre, birthday ni daddy yon! Ikaw kahit kailan napakasama ng ugali mo!"
"Sa susunod na linggo pa naman, bakit kasi ngayon mo yan sinasabi" singhal ko.
"Malamang! Tutulungan mokong magbayad sa resort duh!" Maarteng sagot niya.
"Anjan naman si kuya ryland hindi ba? At pwede namang ikaw lang magbayad-- marami pakong gagawin"
"Kuripot ka! Alam mo namang kasal na si kuya hindi ba?" Sigaw niya.
"Tch wala akong oras sayo, bye" hindi ko na siya hinayaan makasagot at pinatayan na lang siya ng tawag.
"
"Aalis kana? Masyado naman atang maaga?" Tanong ni lucas habang sinusuot ko ang pinahiram niyang damit sakin."Yeah, dahil baka takasan nanaman ako ni andrei" tugon ko.
"Sasama ak--"
"Wag na" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
YOU ARE READING
Hiding The Playboy's Son
OverigCompleted. BL (M-Preg Series #1) Ryle Vince Gutierrez and Andrei Ocampo Story.