ANDREI POV
"Hoy! Anong pinagusapan nyo?!"
"Pwede ba tigilan mo ko?"
"Eh ayaw mong sabihin eh! Titigilan lang kita kapag sinabi mo na!"
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Bakit ba ayaw mong sabihin?! Bakit ganon? Bakit umalis siya pagkatapos niyo magusap?!"
Sa tanong niyang iyon ay natahimik ako at iniwas ang tingin sa kanya.
"Oh ano? Bat natahimik ka?" Hinuhuli niya ang tingin ko pero iniiwasan ko lang siya.
"Nasaan si rylee?" Pagiiba ko ng usapan.
"Nasa taas ayaw lumabas ng kwarto niya" seryosong saad niya.
"Magaalmusal na tayo---teka tulog pa na sila papa?" Tanong ko at tumango naman siya.
Kumunot ang noo ko ng makitang napapikit siya at napahawak sa noo.
"Tatawagin ko lang si ryl--- oh ayos kalang?" Nagaalalang tanong ko ng muntik na siyang matumba, buti nalang napahawak siya sa lamesa.
"O-oo, nahihilo lang ako" sagot niya pero agad ko siyang nahawakan sa braso ng matutumba nanaman siya.
"Joshua?! Ano bang nangyayari sayo? Gusto mo bang pumunta sa hospital?" Tanong ko pero agaran siyang umiling at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
"M-mauna na kayong kumain baka kulang lang ako sa tulog" usal niya at hindi na hinintay ang sasabihin ko at umakyat na.
"Rylee?"
Kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang sumagot kaya napabuntong hininga ako.
"Anak, kakain na tayo nagluto ako ng paborito mong fried rice" sabi ko pero wala nanaman sumagot.
"Papasok na si dada ha?"
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang anak kong nakaluhod sa sahig habang nakasubsob ang mukha sa kanyang kama at rinig ang mahihinang paghikbi niya.
Agad ko siyang nilapitan at iniharap sa akin kaya kitang kita ko ang pamumula ng pisngi at ilong niya habang ang mata ay puno ng luha.
"R-rylee?"
Gamit ang mga kamay ay pinupunasan ko ang luha niya na patuloy sa pagagos.
"Dada, noon po bang nakita natin si papa ay alam mo na pong siya po ang papa ko?" Umiiyak na tanong niya.
Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang lumuluhang anak ko.
"Anak...." bulong ko habang nangingilid na ang luha.
Hindi ko alam ang sasabihin, ito na nga ba ang sinasabi ko.
Kapag nalaman niya ang totoo ay alam kong masasaktan siya.
"Bakit po di po natin siya kasama habang lumalaki po ako? Nasaan po siya non? Busy po ba siya sa trabaho? Bakit hindi man lang po niya tayo mabisita kahit isang beses?" Umiiyak paring tanong niya kaya natakpan ko na ang bibig dahil sa papipigil ng hikbi.
Sa mga tanong niya ay wala akong masagot kahit isa.
"Rylee, anak maraming mga bagay ang hindi mo pa maiintidihan" sabi ko.
"kung ipapaliwanag mo po ay maiintidihan ko..." seryosong saad niya natigilan ako.
Sa uri ng pananalita niya at hindi mo aakalain bata siya.
Sa murang edad ay magaling siyang magsalita.
May pinagmanahan talaga.
Napatayo ako ng marinig ang malakas na tunog na parang may bumagsak mula sa kwarto ni josh kaya naglakad ako palabas ng pinto ng kwarto ni rylee at agad binuksan ang pinto ni josh at natagpuan siyang nakahiga sa sahig, walang malay.
YOU ARE READING
Hiding The Playboy's Son
AcakCompleted. BL (M-Preg Series #1) Ryle Vince Gutierrez and Andrei Ocampo Story.