RYZEIN POV
"Kakausapin lang naman natin si mang kaloy pero hindi ka sumama, paano ko kukumbinsihin bumalik sa mansyon yon?" sabi ko sa abnormal kong kapatid mula sa kabilang linya.
"Ikaw na ang bahala, may inaasikaso ako" sagot niya kaya napairap ako sa kawalan.
"Ma'am, malapit na po tayo sa driftwood" biglang lumitaw sa gilid ko ang isang guard, tumango na lamang ako bilang sagot.
"Sabihin mo kay mom na--"
"Tot tot"
"Ryle?!"
Inis kong tinignan ang screen ng phone ko at nakitang binabaan niya ako.
"This motherfvcker.." nangigigil na bulong ko.
Kahit kailan ay napakabastos niya.
Sa aming tatlong magkakapatid ay siya ang pinakabunso at ako ang pangalawa ang panganay naman namin ay katulad niya rin na abnormal, si kuya ryland.
Sinuot ko ang salamin at tumayo dahil huminto na sa pangpang ang yate na pag mamayari ko.
ANDREI POV
Pilit kong inaalis sa isip kong si ryle ang nakasakay sa yate, dahil imposibleng mangyari yon.
Pero nang huminto na sa pangpang ang yate ay kinabahan ako.
"Hoy andrei! Natulala ka ata?"
Napalingon ako kay josh ng kalabitin ako nito at tumingin sa tinitignan ko.
"Yacht? Wow ha sanao-- ay taray ha, artista ba yan?"
Dahil sa sinabi niya ay binalik ko ang tingin sa yate at napaawang ang labi ng makita ang isang babae na inaalalayan bumaba ng dalawang lalaki.
Hanggang leeg ang buhok na may kulay na pula, matangkad at maputi habang may suot na floral sundress at salamin, mukha siyang model.
Wait, parang pamilyar siya? Mas tinitigan ko pa siya hanggang sa maalala ko.
Ang ate ni ryle! Si ate ryzein. Anong ginagawa niya dito?
Napaiwas ako ng magkatinginan kami at nagpatuloy sa paghahalo pero ramdam ko ang titig niya sakin.
Bakit siya andidito? Bakit kinakabahan ako kahit hindi naman niya alam na naging kami ng kapatid niya at may anak na.
"Ay grabe rei, nakataas kilay habang nakatingin sayo, may galit ata" bulong ni joshua kaya siniko ko siya.
"Tanga, ate ni ryle yan" sabi ko at tulad ng inaasahan ko ay nagulat nga siya at ibinalik ang tingin sa naglalakad ng babae.
"Bakit hindi kamukha?" Tanong niya.
"Aba malay ko! Bakit sakin mo tinatanong, tanong mo sa kanya" usal ko.
"Sigurado ka? Tatanong ko talaga kung bakit may pamangk---"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad siyang nabatukan, kahit kailan ay siraulo talaga siya!
"Abnormal!" Inis na singhal ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.
"Ano ba? Wag nga kayong mag away, para kayong mga bata" pagsasaway samin ni mama kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Para may kwenta ka naman, mag ihaw kana lang ng tinalapia" sabi ko sa kanya.
"Josh, si rylee ha?! Tignan mo!" paalala ko kay joshua habang tumatakbo silang dalawa ng anak ko patungo sa dagat dahil mainit ang buhanginan.
"Anak.."
YOU ARE READING
Hiding The Playboy's Son
RandomCompleted. BL (M-Preg Series #1) Ryle Vince Gutierrez and Andrei Ocampo Story.