23

4.5K 224 39
                                    

ANDREI POV

"Thank you maam" matamis na pagkakangiting usal ko.

Paglabas ng babae ay siya namang pagpasok ng isang lalaki.

Nakasuot siya ng business attire at may relo sa kaliwang kamay, masasabi mong mayaman dahil sa itchura niya.

Nang magtama ang mata namin ay tumaas ang dalawang kilay niya at naglakad sa pwesto ko.

"Good morning sir" pagbati ko ng makalapit siya.

"Morning, gusto ko sana ng americano" anya at nginitian ko naman siya.

"Sure sir" tugon ko at tinalikuran siya upang gawin ang inorder niya.

Habang nakatalikod ako ay ramdam ko ang titig sakin ng lalaki kaya parang hindi ako komportable.

Wala si joshua, umalis kasama si francis upang magbayad ng wifi.

Free wifi kasi para sa mga costumer at kaya sinama ni francis si joshua upang siya nalang sa susunod ang magbabayad.

Narinig ko ang papalayong yapak ng lalaki, uupo muna siguro.

Makalipas ang ilang minuto ay inilapag kona sa tray ang inorder niya at akmang bubuhatin ko na ay dumating si tristan at inagaw ang tray.

"Ako na andrei" nakangiting sabi niya kaya tumango na lamang ako.

Pinagmasdan kong lumapit si tristan sa lalaki at inilapag ang americano sa harap neto.

Nang aalis na si tristan ay may itinanong ang lalaki sa kanya at nagtagpo ang tingin namin kaya agad akong umiwas.

Nahuli nya akong nakatingin sa kanya, nakakahiya.

"Lakas talaga ng charisma mo" nabaling ang tingin ko kay tristan ng ilapag niya ang tray sa counter.

"Huh?" Hindi ko siya naintindihan.

"Hakdog! Ang pogi mo eh no? Na kahit lalaki ay interesado sayo" anya niya kaya maliit lamang akong ngumiti para hindi matuloy ang topic.

"Alam mo ba? Para akong mapapanisan ng laway nung kasama ko ang francis nayan! Hindi nagsasalita!" Sumbong sakin ni joshua ng makabalik na sila.

"Baka may problema lang ang tao" sabi ko.

"Tch" wala na siyang masabi.

Makalipas ang ilang oras ay naging busy kami sa dami ng costumer at buti ay humipa rin pagdating ng alas syete ng gabi.

Lahat kami ay nakaupo na ramdam ang pagod.

"Kadami ata nila ngayon? Grabe sumakit paa ko" sabi ni tristan at ipinatong ang paa sa kanyang hita.

Kita ang pamumula ng hinlalait ng paa niya at bukong bukong.

"Masakit? Gusto mo hilutin natin? Kahit papaano ay marunong naman ako" sabi ko kaya masaya siyang tumingin sakin.

"Talaga---"

"Ako na"

Sabay sabay kaming napalingon kay francis ng magsalita ito.

Sumimangot ang mukha ni tristan at muling sinuot ang sapatos, gumawa ng panibagong paguusapan.

Awkward ang naramdaman namin ni josh pero walang bumalak saming magsalita ni josh.

Habang nakaupo sa kama ay nakatitig ako sa isang kwintas na hawak ko.

Isang silver at half moon ang pendant, hindi siya makapal tama lang, at maganda siyang pagmasdan.

Nakalimutan ko na ang bagay nato, kung hindi ko lang hinanap ang bracelet ni rylee at hindi sinasadyang makita ko rin ang kwintas na bigay sakin ni ryle noon.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now