12

4.7K 226 18
                                    

SOMEONE POV

"Ang tambay ng batang iyon sa bench kapag uwian" saad ng lalaking kasama ko, isa sa tauhan ni H.

Tumingin ako sa sinasabi niyang bench at napamura sa isip.

Ang daming batang nakaupo at naglalaro sa mga bench, paano ko malalaman kung nasaan ang anak ni ryle?

Tinapik ng lalaki ang balikat ko. " sige na puntahan mo na, siguradong hinihintay nalang nun ang sundo niya" saad niya.

"Pero paano ko makikilala---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Wala akong pake, ang trabaho ko lang ang samahan ka si boss na ang bahala sayo kapag nagkamali ka ng kinuha, bilis" sabi niya at tinulak na ako.

Napapalunok kong ginala ang tingin sa mga bata, asan ang batang iyon? At paano ko makukuha ng hindi siya iiyak o magiingay?

Ayokong gawin to pero para din sa pamilya ko ang ginagawa ko.

May sakit ang anak ko at ang nanay ko naman ay nasa bahay lang, ako lang ang inaasahan nila kaya lahat gagawin ko para maging ligtas lang sila.

Habang papalapit sa mga bata ay naagaw ng dalawang bata ang atensyon ko, nakaupo lang sila habang naghahagikhikan dahil may tinitignan sa loob ng bag.

Nagtagal ang titig ko sa isang bata at hindi nga ako nagkakamali, kamukha ni ryle ang batang iyon.

Tumingin din ako sa kasama nito, payat,maputi at higit sa lahat ay walang hawig kay ryle.

Huminga ako ng malalim, sigurado na ako na siya ang anak ni ryle.

Tumingin ako sa paligid bago sila lapitan.

Umangat ang tingin nila sakin at halos mapaatras ako ng magtagpo ang mata namin ng anak ni ryle.

Sa isang tingin ay masasabi kong anak niya ito dahil magkapareho talaga sila sa klase ng pagtingin...nakakatakot.

Maliit akong ngumiti ng makitang sinarado ng bata ang bag niya at inakbayan ang payat na lalaki na akala mo ay may aagaw.

"Hi?" Sabi ko pero walang sumasagot miski isa sa kanila.

Mukhang mahihirapan ata ako.

"Gusto kang makita ng daddy mo, pinapakuha ka niya sakin dahil miss kana daw niya"

Wala akong ibang maisip, bahala na si batman at sana ay kumagat siya.

"Kilala mo ang daddy ko?" Inosenteng tanong niya at wala narin ang nakakatakot niyang tingin.

Napangisi ako.

"Oo at andon siya oh" tinuro ko ang van kung nasaan ang ibang tauhan ni H. "Nakatingin siya ngayon satin" dagdag ko pa at nakatitig lang siya sa van.

"Tara?" Anyaya ko at inabot ang kamay ko sa kanya at simple akong tumingin sa paligid kung may nakatingin pero wala, tinignan niya ang kamay ko at mukhang nagdadalawang isip kung sasama o hindi.

"Pero rylee, diba sabi ni dada mo ay wag tayong sasama sa hindi natin kilala?" Biglang sumabat ang isa kaya nabaling ang atensyon niya don.

Rylee and Ryle, ang galing ko talaga hindi ako nagkamali.

"Ibang tao ba ang daddy mo rylee?" Tanong ko at halos tumawa ng abutin niya ang kamay ko at tumayo.

"Si daddy iyon swan, gusto kong makilala ang daddy ko" sabi at akmang lalakad na kami ng hawakan ng payat na bata ang braso ni rylee.

"Rylee may nakita akong malalaking mama na sumilip sa bintana! Ang panget nilang lahat!" Saad neto kaya hinablot ni rylee ang sariling kamay sakin kaya nabitawan ko.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now