29

4.3K 240 33
                                    


RYLE POV

"Nasaan?"

Pagkapasok ko palang sa loob ng condo ni lucas ay iyon agad ang ibinungad ko.

Kumunot ang noo ko ng makita ang pagpipigil niya ng tawa habang nakatingin sakin.

"Dre, ikinalulungkot ko.."

Dahan dahan pa siyang lumapit sakin at iniabot ang isang envelope.

Nakaramdam ako ng kaba, bakit ganyan ang reaksyon niya? Dont tell me nauna pa niyang nakita ang resulta.

I gulped.

Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako, dahan dahan kong binuksan ang envelope at bumungad agad ang isang puting papel.

Alam kong nasa ilalim non ang sagot sa katanungan ko.

Muli kong sinulyapan si lucas dahil para siyang tangang ngumingiti ng palihim.

Isang buwan ng lumipas simula ng ipatrabaho ko sa kanya ang DNA.

Yes, DNA.

Kahit naman sino ay magtataka hindi ba? Kamukha ko ang bata at nakakapagtaka ang kinikilos ni andrei parang takot siyang magtagpo ang landas namin ni rylee.

Isa pa iyon, ang pangalan namin dalawa ng bata.

Rylee Vincent? Parang sinadyang paghawigin ang pangalan namin.

At lalong lalo na sa aming pagkakamukha.

Doon nabuo ang puzzle na matagal kong binubuo.

Ngayon ay malalaman ko na ang totoo.

Kung sakali mang hindi ako ang ama ng bata ay ayos lang.

Dahil napagisipan ko na gusto kong bumalik sakin ang taong iniwan ko noon.

Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko noon.

At kung ako talaga ang ama ng bata, hinding hindi ko na muling hahayaan na lumayo sila sakin.

Itinaas ko na ang papel at napanganga ng makita ang resulta.

"BWUHAHAHAHAHA"

Napapikit ako sa inis at nilukot ang mga hawak ko dahil sa nakita at lalo na sa nakakairitang tawa ng siraulong nasa harap ko.

"Akala mo biro lahat?" 

Lumapit ako sa kanya ay dinakot ang kanyang kwelyo, pero ang g*go ay tawa lang ng tawa.

"Ang epic ng itchura mo dre sayang di ko nabidyuhan-- HAHAHAHA"

Wala ang DNA result at ang nakasulat lang sa baba ay "saranghae oppa"

Nakakap*ta ang p*tanginang to.

"Nasaan ang resulta?"

"Easy--"

"Sasapakin kita!"

"K*ingina mo erp! Teka bitaw muna" hinablot niya ang kwelyo at inayos ang pagkakalukot. "Syempre para surprise talaga inom muna tayo bago ko ibigay say---" pinutol ko ang sasabihin niya.

"I don't want to drink, asshole!" Singhal ko. "Ibigay mo na sakin ang DNA result habang nagtitimpi pa ako sayo" i added.

"Paanong timpi? Yes daddy"  nangaasar na usal niya.

Nandidiring tinignan ko siya, nakakuyom na ang kamao ko handa ng sapakin siya sa mukha.

"Hindi mo makukuha ang gusto mo kung ayaw mong makipaginuman sakin pero kung iinom ka edi wow" ngumisi siya.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now