21

4.4K 200 31
                                    

ANDREI POV

Naglakad siya palapit sakin at agad akong niyakap.

"Shh, bakit anong nangyari? Ayos kalang?" Tanong niya pero hindi ako sumagot at umiyak lang sa kanyang balikat.

Bakit ganto ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan parin ako? Lalo ko lang iniisip na wag ng makilala ni rylee ang ama niya.

Dahil baka masaktan ang anak ko kapag nalaman niyang may ibang pamilya ang ama niya.

"A-yoko na" bulong ko at hinaplos naman niya ang buhok ko.

Ayoko ng maramdaman ito, bakit kami ang nahihirapan? Bakit hindi siya? Siyang nangloko sakin.

Buo na ang desisyon ko, ayokong magkakilala sila ni rylee.

"Umuwi na tayo rei" saad niya at tumango naman ako.

"Dada!"

Ngumiti ako ng tumakbo palapit sakin si rylee upang yakapin ako pagkauwi namin ni joshua.

Sa simpleng ginawa niyang yon ay para akong nakahinga ng maluwag at nawala ang iniisip ko.

"Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sofa.

"Opo, dada bakit po namumula yung mata mo po?" Tanong niya kaya natigilan ako pero agad din siyang nginitian.

Saglit kong tinignan si josh na nakatingin din sakin bago muling tignan si rylee.

"Napuwing lang si dada anak" sagot ko.

"Andrei kumain na kayo ni joshua at maghihilamo na yang si rylee" sabi ni mama habang pinaghahandaan kami sa lamesa habang si papa naman ay nasa labas ng bahay nagpapahangin.

"Rei.."

Napalingon ako sa biglang pagtawag ni josh sakin habang naghuhugas ako.

"Bakit?" Tanong ko at lumapit naman siya sa tabi ko.

"Anong nangyari kanina?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Nakita ko si ryle--"

"Ano?!"

Winisikan ko siya ng tubig dahil sa biglang pagsigaw niya.

"Wag ka ngang maingay" sita ko sa kanya.

"Totoo nga?" Hindi naniniwalang tanong niya.

"Oo at kasama niya ang pamilya niya saka si ashley at ang anak nila" tugon ko kaya natahimik siya.

"Josh, buo na ang desisyon ko hindi na kailangan makilala ni rylee ang ama niya" pagdederetso ko.

"Pero rei?"

"Anong gusto mong mangyari? Ipakilala ko sa kanya ang anak namin kahit may pamilya na siya? Ayokong maramdaman ni rylee ang hiya at sakit sa oras na itaboy siya ni ryle" pagiintindi ko sa kanya. "Mas mabuti ng ganto diba? Kesa magkaron pa ng sira ang pamilya niya dahil samin" dagdag ko pa at tumango naman siya.

"Sigurado kana?" Tanong niya at saglit akong natahimik bago tumango.

"Magiging ayos na rin naman si rylee dahil nadagdagan na tayo, sila mama at papa" sabi ko pero nakatitig lang sakin si josh.

"Pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong kana" pagbabara ko sa kanya kay inirapan niya ako.

"Seryoso kasi!"

"Oo na, oh anong itatanong mo?" Natawa ako.

"Bakit ka umiyak kaninang nakita mo si ryle?" Pangdederetso niya kaya naglaho bigla ang ngiti ko.

Hiding The Playboy's SonWhere stories live. Discover now