ANDREI POV
Hindi ako makasagot.
Sa uri ng pananalita niya ay parang siguradong sigurado na siya.
Hindi ako makalunok dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Andrei, answe---"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng may nagbukas ng pinto at inuluwa non ang isang lalaki na hindi ko kilala habang buhat ang anak ko.
Napalingon si ryle don at kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Chance?" Gulat na bungad ni ryle sa lalaki, ngumiti ito at lumapit sakin bagl ibaba si rylee na tumakbo naman palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Dada!!"
Nahalikan ko bigla sa noo si rylee ng marinig ang paiyak niyang boses.
"Anak? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko at pinunasan ang tumulo niyang luha.
"Dada.. i miss you po, ang tagal nyo pong natulog." iyak parin niya kaya inalo ko na lamang siya.
Nang mapagod sa kaiiyak ay umupo na lamang siya sa aking tabi habang may hawak na lobo.
Muli akong napabaling kila ryle ng seryoso silang naguusap ng tinawag niyang chance at nang makita ako nitong nakatingin ay matamis siyang ngumiti kaya napaiwas ako.
Sino ang lalaking iyon? Bakit kasama niya ang anak ko?
"Mauuna nako ryle, may aasikasuhin pa kasi ako" tumayo ito at nag unat unat.
"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya?" Tanong nito kay ryle habang nasa akin ang tingin.
"Umalis kana" tinapik ni ryle ang balikat nito.
"Sige sige, mauuna na ako" ngumiti ito sakin kaya gumanti ako ng tipid na ngiti.
"Aalis na ko baby rylee" binalingan naman niya ang anak ko.
"Ingat tito pogi!! Wag nyo po kalimutan ang ibibili nyo po sakin ha?" Kinawayan siya ni rylee, muli siyang nagpaalam samin bago lumabas ng pinto.
T-teka? bakit tito pogi ang tawag sa kanya ng anak ko? Sino ang lalaking iyon?
Anong naganap habang tulog ako?
"He's my cousin" sabi ni ryle bago uminom ng tubig, nahalata niya siguro ang pagtataka ko.
"Bakit tito ang tawag ng anak ko sa kanya?" Tanong ko at bigla nalang siyang naubo.
"Sabi ko sa kanya ay anak ko si rylee.." pangdederetso niya pero bulong lang na rinig na rinig ko.
Kinakabahang napatingin ako kay rylee na busy parin sa paglalaro ng lobo, hindi narinig ang sinabi niya bago muling lingunin si ryle.
"A-anong pinagsasabi mo?" Inis na tanong ko, pero hindi siya sumagot at mataman lang na nakatitig sakin kaya lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinagmasdan na lamang ang anak ko.
Narinig kong nagring ang cellphone niya, nawala ang atensyon niya sakin kaya para akong nakahinga ng maluwag.
"Lucas? Kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalingon ako sa kanya ng tumayo siya. "Asshole" bulong niya at muling binulsa ang phone.
"I have to go" baling niya sakin, mukhang nagmamadali.
Tumango na lamang ako, nilingon niya di rylee at nagpaalam dito.
"Ingat rin po kayo mister" nginitian siya ni rylee.
YOU ARE READING
Hiding The Playboy's Son
RandomCompleted. BL (M-Preg Series #1) Ryle Vince Gutierrez and Andrei Ocampo Story.